I love everything about Xaiver Dior. He's responsible, very determined, understanding and devoted boyfriend of mine. Kahit na minsan ay napaka-naughty niya.
I miss everything about him... kaya siguro mahirap sa 'kin ang mag-move forward. Mahirap sa 'kin ang mag-move on kahit ang sakit-sakit na. Dahil alam ko sa sarili kong mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya kaysa sa sakit at poot na nararamdaman ko ngayon.
Oo, marupok ako pagdating sa kaniya.
Hindi ko mapigilang isipin na paano kung pinaglalaruan niya lang ako? Sino ba naman ako, 'di ba? Isa lang akong hamak na estudyante na kung tawagin ng iba ay 'nobody' dahil nga hindi belong ang malapad kong ilong, ang tan skin ko, ang magulo kong buhok, ma-pimples kong mukha at ang status ko sa buhay sa kanila na mga anak mayaman at parang wala man lang kapintas-pintas sa katawan.
Four years. Four years akong nabilanggo sa pangyayaring 'yon. Dahil do'n, marami akong kinailangang isakripisyo. Ang pag-aaral ko ay kailangan kong ihinto. Ang 2 years ko sa college ay napunta lahat sa wala dahil sa eskandalong 'yon. Kinailangan kong iwanan ang mga importanteng bagay at ang mga naging importanteng tao sa buhay ko.
Umabot na ako sa puntong kahit si Mama ay ayokong makita. Minsan nga ay natatakot na rin ako sa kaniya, e. Kapag nakakarinig ako ng ingay, ang unang pumapasok sa isip ko ay 'What if masamang tao 'yon?', 'What if sasaktan na naman nila ako emotionally at mentally?' 'What if mangyari ulit ang nangyari that day?'.
Ayoko na. Pagod na pagod na ako.
Marami akong naririnig sa isip ko. Sobrang dami na parang bibiyak na ang ulo ko dahil wala na akong maintindihan. Bilanggo ako sa pangyayaring iyon at literal na bilanggo ng sarili kong kwarto dahil sa sariling takot na baka kung may mangyari na namang masama sa 'kin... na baka may mananakit na naman sa 'kin.
Hindi ko isinisisi ang lahat ng nangyaring 'yon sa iisang tao lang... kasi alam ko sa sarili kong may kasalanan din ako. Kung hindi lang sana ako nagpadaig sa temptation at karupukan, walang kakalat na hubad kong litrato at walang Thara na lalayo't hihinto sa pag-aaral.
Pero wala na akong ibang maisip, eh. Paglayo lang ang nakikita kong paraan para makabangon... para makalimot at para makapagpatuloy sa buhay.
Noong sinabi ni Mama na lilipat kami rito sa Palawan ay hindi na ako tumanggi pa. Dito, wala akong kakilala, wala na 'yong mga taong sumira sa 'kin... sa buhay ko at alam kong dito rin namin mararanasang mamuhay ulit nang mapayapa ni Mama.
***
Habang nakaupo sa isang nakatumbang kahoy, paharap sa mapayapa't tahimik na dagat ay tinititigan ko ang isang litratong hindi ko kayang itapon o ilayo man lang sa 'kin, isang litratong hindi ko pinagsasawaang titigan kahit na puro sakit at pagsisisi ang nararamdaman ko tuwing tinitignan iyon.
"Thara!"
Naalis lang ang tingin ko roon nang may biglang tumawag sa 'kin. Pagtingin ko sa pinanggalingan ng boses ay nakita kong papunta na sa gawi ko ang lalaking nandiyan palagi para sa 'kin, ang lalaking dumamay at umintindi sa 'kin nang walang panghuhusga, si Alister.
Siya 'yong taong nagpatunay sa 'kin na may mapagkakatiwalaan pa ako... na may nagtitiwala pa sa 'kin at may tao pa ring iintindi sa 'kin. Siya ang dahilan para kainin ko ang sariling pangako na hindi na ako magtitiwala pang muli.
"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala, hehe," nahihiyang sabi niya.
Pinagpag ko ang espasyo sa tabi ko at doon ko siya pinaupo. Hindi naman siya umangal pa at agad na tumabi sa 'kin.
"Sinabi ko naman sa 'yo na pumunta ka lang dito kapag wala ako sa bahay, 'di ba?"
Napakamot siya sa batok sa sagot ko. Nang bigla siyang napayuko ay sigurado akong nahagip ng paningin niya ang litratong hawak-hawak ko. Nang itinaas niya muli ang paningin sa 'kin, pag-aalala ang tanging nakita ko sa mga mata niya.
YOU ARE READING
Art of Temptation: Please Me, Mister.
RomanceWhat Thara Laurel wants, Thara gets. And she only wants Xaiver Dior, a guy from her past who ruined her everything, the guy who makes her life miserable. For revenge, she make sure Xaiver will fall inlove with her new gorgeous face, desirable body...