Hindi ko namalayan ang bilis ng takbo ng oras. Dalawang linggo na pala akong naghihintay kung babalik pa ba sa cafe si Pam. At isang linggo na simula no'ng sinimulan ko ang online business ko.
'Sweet Treats'
Matagal kong pinag-isipan kung ano ang ipapangalan ko sa cafe na 'to. Dahil matatamis naman ang binebenta, Sweet na lang ang ipinangalan ko pero may mas malalim na dahilan pa sa likod ng pangalang 'yon.
"Ate Thara! 2 orders of tiramisu and 3 orders of raspberry crumble coffee cake. Must be delivered at 3pm in the afternoon today at XD Building," saad ni Elie habang nakatingin pa rin sa phone ko.
Siya ang nag-volunteer na hahawak sa account ng shop. Gumawa lang kami ng ig at saka facebook account para ma-promote ang products namin.
So far, maganda naman 'yong kita. Karamihan sa umoorder ay 'yong mga tinatamad nang pumunta rito sa cafe. Nakatulong din rito ang pangalan ni Ate Liel dahil inilagay namin na under ako sa program niya.Hindi pa rin bumabalik si Alister kaya ako muna ang pumalit sa kaniya rito sa pagse-serve. Marami akong na-bake kaninang umaga bago siya umalis kaya okay na rito muna ako sa labas.
"Sige, ihahanda ko na muna ang orders na 'yan, Elie."
Tumango siya sa 'kin habang pumasok naman ako sa kitchen para ihanda ang order habang hindi pa bumabalik si Alister galing sa second delivery namin ngayong araw.
Inalam ko ang address na pagdedeliveran at napag-alaman kong isa pala ito sa mga sikat ngayon sa photography industry at hindi pala ito masyadong malayo mula rito sa cafe.
Lumabas na ako sa kitchen habang dala-dala ang boxes ng orders. Hindi ko naabutan sa counter si Elie dahil may inaasikaso siyang costumer.
Umupo na lang ako sa upuan ng isa sa mga mesang hindi okupado at inilabas ang litratong palaging nasa bulsa ko. Ito ang litratong hindi ko pinagsasawaang tingnan kahit noong nasa El Nido pa ako.Ito at si Mama na lang talaga ang pinanghuhugutan ko ng lakas ngayon.
"I'm sorry, Thara, natagalan ako. May nangyari kasi, e."
Napaangat ako ng tingin kay Ali na kakarating lang at nakitang basang-basa ang mukha niya sa pawis.
"Anong nangyari? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Umupo siya sa harapan ko at itinukod ang kaniyang mga siko sa mesa.
"May nakita kasi akong babae kanina habang pauwi ako. Babaliwalain ko sana, e, kaso dinukutan siya bigla kaya tinulungan ko na. Wala pa naman siyang kasama," ani Ali bago sinuklay ang buhok gamit ang sarili niyang mga daliri.
Alister 'concern at caring sa lahat' Delgado. Ito ang katangian niyang minahal ng mga taga-El Nido. Kilala niya man o hindi, tutulong talaga siya kung may nangangailangan.
"Naku! Okay lang, ano ka ba," sagot ko sa kaniya. "Okay na naman ba 'yong babae?"
"Okay naman na siya at naibalik din naman sa kaniya 'yong nakuha."
"Buti naman. At ikaw? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.
"Okay naman. Pawis na pawis lang talaga ako dahil ako mismo 'yong humabol do'n sa dumukot. Ang bilis tumakbo. Gagi," aniya. "Hindi pa naman ako gano'n katulin tumakbo."
"Buti naman at naabutan mo. Alam ko kasing habang buhay kang makokonsensya kung hindi mo natulungan 'yong babae."
"Iniisip ko na lang talaga na may idedeliver pa ako kaya nagmadalu akong habulin 'yong mandurukot na 'yon. At hindi nga ako nagkamali, may delivery pala talaga," saad niya habang kinakamot ang sariling batok.
"Haha. Magpahinga ka nga lang muna riyan at saka mo na ideliver itong order. Tutulungan ko muna si Elie," sabi ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran at agad na sinalubong ang kakapasok lang na mga costumers.
YOU ARE READING
Art of Temptation: Please Me, Mister.
RomanceWhat Thara Laurel wants, Thara gets. And she only wants Xaiver Dior, a guy from her past who ruined her everything, the guy who makes her life miserable. For revenge, she make sure Xaiver will fall inlove with her new gorgeous face, desirable body...