Habang maingat na inilalagay sa malinis na box ang mga natapos ko nang i-bake ay napaangat ako ng tingin nang marinig kong bumukas ang pinto ng kitchen ng mismong cafe kung saan ako nagtatrabaho.
"Hi, Thara. Nadisturbo ba kita?"
Agad akong umayos ng tayo at nakangiting hinarap si Ate Liel, asawa ni Kuya Elton.
"Hindi naman po, Ate. Kakatapos ko lang din po."
Bahagya niyang sinilip ang nasa loob ng box at ngumiti nang makita ang laman no'n.
"You know what, Thara. That cinnamon roll of yours is the best of the best. Actually, ito ang bestselling natin ngayon."
Nakita ko na lang ang sarili kong nakanganga dahil sa narinig ko.
Bestselling? Talaga?
Sabagay, wala naman akong alam sa mga nangyayari sa labas dahil nasa kitchen lang ako buong magdamag. Bukod sa 'kin ay si Ate Liel lang ang pwedeng pumasok dito para hindi makalat. Waiter si Alister dito pero hindi siya nagkakaroon ng oras na magkwento sa 'kin dahil tulog siya kaagad pagkauwi namin sa tinutuluyan naming apartment.
Three weeks pa lang kami rito at ang masasabi ko lang ay masaya ako. Masaya ako sa ginagawa ko kahit na mahirap. Mag-isa lang ako sa pagbe-bake pero kaya naman.
Pumasok ako sa 3-Days Baking workshop ni Ate Liel. Malaki ang naitulong nito sa 'kin lalo na ang ibinigay nilang maliit na puhunan at pwesto.
Kung noon sa Palawan ay umiikot ang mundo ko kakaisip sa mga nangyari sa nakaraan, ngayon ay umiikot na ang mundo ko kakaisip sa kinabukasan ko at ni Mama. Palagi kong itinatatak sa isipan kong kailangan kong mag-ipon kaya kailangan kong kumayod.
"You heard it right, Thara. Nag-boom ang cinnamon roll ala Thara mo. And actually, nag-request ang mga friends ko mula sa north na baka pwedeng mag-open ka ng delivery and I was like... bakit hindi? 'Di ba?" kwento niya habang halatang na-eexcite siya.
"... I mean, magandang opportunity 'yon for your business. Kaso nga lang," aniya at kinuha ang kanang kamay ko at pinisil iyon.
"Ano pong problema, Ate Liel?"
"Baka kasi mahihirapan ka dahil wala kang katulong dito, 'di ba? Ayoko namang masyado kang mapagod, ano," natatawang aniya.
Pinisil ko pabalik ang kamay ni Ate Liel at ngumiti sa kaniya.
"Wala pong kaso sa 'kin 'yon, Ate. Mas mabuti na rin pong marami akong trabaho kaysa naman po masasayang ang oras ko na walang ginagawa."
Ibinaba niya ang kamay ko at inabot ang box. Sinusuri niya ito nang maayos.
"Ito talaga ang pangarap ko since I was in college. Sabi ko, magtatayo ako ng pastry shop someday. Kaya kahit walang naniniwala sa 'kin, I worked hard... ipon ko simula college 'yong iginastos ko rito. Kaya I want to help potential baker na gustong magtayo ng sarili nilang business," saad niya. "I am telling you this, Thara because I want to inspire you to work hard for your dreams. Gusto kong makita kitang maging successful."
Agad akong tumango sa kaniya. Gusto kong magsimula ng ganitong business kaya ako nagpursiging mag-aral ng baking.
"Actually, you said naman na kaya mong mag-bake for your online shop at dito at the same time, why not mag-open ka for costumers na hindi makakapunta rito sa shop mo."
Malaking opportunity 'yon. Mas malawak ang ma-cocover na area, mas maraming costumers.
"Buo ang tiwala ko sa 'yo, Thara kaya ko ginagawa 'to. We're rooting for you. Alam kong magiging success itong sinimulan mong business. Just trust me too, Thara."
YOU ARE READING
Art of Temptation: Please Me, Mister.
RomantizmWhat Thara Laurel wants, Thara gets. And she only wants Xaiver Dior, a guy from her past who ruined her everything, the guy who makes her life miserable. For revenge, she make sure Xaiver will fall inlove with her new gorgeous face, desirable body...