Chapter 6

130 4 0
                                    

Happy New Year, my rayss!

(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠✧⁠*⁠。

Hindi ko maikukubling hindi naging maganda ang takbo ng araw. Hindi ko iyon inaasahan. Si Alister ay naging busy na rin at kitang-kita sa mukha niya kanina na naiirita na siya. Hindi na rin nagkaroon pa ng chance na magkausap pa. Tinapunan niya pa ako ng may-ikukwento-ka-pa-sa-akin-mamaya look.

Alam kong may duda o ideya na silang dalawa ni Ate Liel sa nagyari pero hindi iyon ang mas inisip ko ngayon. Mas iniisip ko kung ano ang mga mangyayari sa susunod pang mga araw.

Ihahanda ko na ba ang sarili ko? Kailangan kaya?

Sa kabila ng nangyari, todo ngiti pa rin ako habang hinaharap ang mga nagsidatingang mga bisita at kakilala. Dumating naman si Pam kasama ang mga katrabaho niya na kasama niya rin noon. Todo pasalamat ako kasi akala ko’y hindi sila makakapunta.
Habang nakatayo ako sa may pintuan, amoy na amoy ko ang mamahaling pabango ni Jewel nang dumaan siya sa tabi ko at maarteng lumabas ng shop.

Hindi pa rin pala siya nagbabago.
Hindi ko na siya nasundan pa ng tingin dahil dumating bigla si Elie at kinalabit ako.

“Ate Thara, I saw my famous crush over there,” aniya at itinuro ang harapan ng shop.

“Oh, tapos?”

“I assume na papasok siya rito. May dala kasi siyang camera. O to the M to the G! Baka siya ‘yong mag-fefeature sa shop mo!”

Binigyan ko siya ng nagdududang tingin na agad niya namang nakuha. Kaya siguro lumabas si Jewel ay para sunduin ang boyfriend niya. Pero kung oo man, wala akong karapatang makialam pa.

“I know, na-meet mo na si Ate Jewel but who knows? Baka sila ng boyfriend niya ‘yong gagawa ‘di ba? Oh Pak! You’re so lucky, Ate Boss,” sabi niya.

“Bakit naman?”

“Duh! They’re both famous and they’re fandom is so powerful. Their fandom can make their videos go viral in an hour . . . especially when they’re together.  Can you image that?”

I feel like I am not belong in this era or generation. Ang dami kong hindi alam lalo na sa social media. Pero okay lang. I don’t need to fit in the things that’s not really for me.

Social media is not really my thing even before.

Nabibilang lang sa daliri ko kung ilang beses akong nagbubukas ng mga social media account ko noon. Gumagamit lang talaga ako ngayon dahil sa online business ko.

But if they’re really that influencial then I think . . . I need to thank them kung makakatulong ito ng bigtime sa negosyo ko.

“Basta ako ang magse-serve sa  kanila later, Ate Boss, ah?”

Tinanguan ko na lang siya na siyang ikinatuwa niya naman. Iniwan niya na muna ako bago siya lumapit sa mommy niya at may ibinulong rito. Ibinalik ko na lang rin ang atensiyon ko sa mga kakarating lang na mga bisita at costumers. Tanghali pa naman kaya alam kong may mga dadating pa.

Isa-isa ko silang winelcome hanggang sa hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nakita kong mga bagong pumasok.

“Surprised, huh?”
Napako pa rin ang tingin ko sa grupo na nasa harapan ko ngayon. Hindi ako makapaniwala. Ramdam na ramdam ko ang pagkalaglag ng aking panga.

“I think, we don’t need to introduce ourselves to this shop’s beautiful owner.”

“Hindi na talaga. Kilalang-kilala na natin kahit ang kiliti niyan. Haha.”

Para bang gusto ko na lang mawala bigla dahil sa mga insulto nilang mga tawa. Nagbaba ako ng tingin dahil parang natutunaw ako sa mga tingin nila.

“Why are you shy, Thara? We’ve seen everything naman na. Huwag ka ng mahiya,” ani Gero.

Art of Temptation: Please Me, Mister.Where stories live. Discover now