"Ate Thara."
Saktong pagkatapos namin sa pagluluto ay napatigil at napalingon kaming lahat sa may pintuan nang bigla akong tinawag ni Elie, pinsan ni Alister. Nakita namin siyang pumasok sa bahay habang nakasunod sa kaniya ang daddy niyang si Kuya Elton.
Agad kong hinubad ang suot-suot kong plastic gloves at pinunasan ang sariling kamay bago sinalubong silang dalawa.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Alister na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.
"Bawal ba akong pumunta rito, Alister?"
Nilingon ko si Ali at sinenyasang manahimik na lang muna. Alam na alam kong hindi sila magkasundong dalawa dahil sa mga personal na dahilan at ayokong magkagulo na naman sila sa harapan ko.
Bago pa man may makapagsalita ulit ay napatigil kaming lahat sa sunod-sunod na katok sa pinto. Nagkatinginan pa kami ni mama bago niya ito pinuntahan. Nang mapadaan siya sa 'min ay tinitigan niya ako nang mariin.
Para saan 'yon, ma?
"By the way, I can see that you're doing something so important, I guess? Nakadisturbo ba ako?"
"Oo, Kuya," imbes ay sagot ni Ate Helen.
No. Not again, please. Huwag dito.
"Oh, Helen, nariyan ka pala. It's nice meeting you again, my dear sister," ani Kuya Elton na halatang inaasar lang si Ate Helen.
Nanatiling tahimik si Elie na nasa likuran lang ng daddy niya at si Ali na nasa likuran ko lang. Napahilot ako sa sentido ko nang maisip ko kung saan na naman pupunta ang usapang 'to.
"Ahm, ano po bang maitutulong namin, Kuya?"
Bago pa man mapunta kung saan ang usapan nilang dalawa ay sumingit na ako.
"I am going straight to the point here, hija, bago pa may sumabog sa galit dito."
Sense na sense ko na may nagpipigil ng galit dito sa likuran ko. Para bang anytime ay ito ang mauunang sumabog kaysa kay Ate Helen.
"Ano po 'yon?"
Inilagay niya ang kanang kamay sa kaniyang tagiliran habang ipinasok niya naman ang kaliwa sa bulsa ng kaniyang pantalon bago ako diretsahang sinagot.
"I want you to attend my wife's baking workshop and program. She wants to give small amount of capital for you to start your own business. Take this as an opportunity to show and practice your baking skills, hija. Maliit lang din naman ang kinikita mo rito, 'di ba?"
Literal na hindi ako makapagsalita't makasagot sa narinig ko ngayon lang. May maganda't hindi maganda akong naamoy sa offer na 'yon.
"Ano? Gusto mong pumunta si Thara sa Manila para sa workshop ni Liel?" sabi ni Ate Helen na ngayon ay nasa tabi ko na.
Wait... What? Manila?
"Tama ang narinig mo, Helen. Nakitaan ko ng malaking potential itong si Thara simula no'ng natikman ko ang cake na gawa niya. Kahit si Elie at ang asawa ko ay nagustuhan iyon. So bakit hindi ko siya kukunin para sa workshop at program ng asawa ko? She has a bright future ahead because of her passion in baking. Huwag mong ipagkait ang opportunity na 'to sa kaniya, Helen, kasi siya pa rin ang magdedesisyon at hindi ikaw." Halata rin sa kaniya na nagpipigil siya sa kaniyang sarili na huwag masigawan ang kapatid niya.
"Alam mo ba kung anong nangyari kay Thara sa Man—" bago pa man matapos ni Ate Helen ang dapat niyang sabihin ay pinigilan ko na siya.
Ayokong mapag-usapan at maungkat pa iyon. Ayoko nang makatanggap ng awa sa iba matapos nilang marinig ang nangyari sa 'kin noon.
YOU ARE READING
Art of Temptation: Please Me, Mister.
RomantizmWhat Thara Laurel wants, Thara gets. And she only wants Xaiver Dior, a guy from her past who ruined her everything, the guy who makes her life miserable. For revenge, she make sure Xaiver will fall inlove with her new gorgeous face, desirable body...