Its Me

4 1 0
                                    

Maaga na ng magising ako nakatulog pala ako sa kaiiyak. Buti nalang at hindi masyado halata ang pamumugto ng mata ko dahil katulad ni Vien may kalakihan rin ang eyebag ko! Bumaba na ko para kumain at para maghanda sa pagpasok ko mamaya. Oh Crap! Andito parin pala sila Mommy.

"Sit Down Hija" Seryosong sabi ni Mommy , Mukhang Alam ko na ang mangyayare.. Tulad ng sinabi nya umupo na nga ako.

"Kahapon , Tumawag ang Principal nyo saamin at ang sabi bukod sa nadetention ka eh nafaculty ka pa"

"Opo totoo po yun. Sorry po Mommy" Sabi ko habang nakatungo

"Your on Top Yuri, Gusto mo bang mapaltan ka ng iba ? Yuri Ayaw ko nang mauulit to ! Maliwanag ba ?"

"Opo"

"I want you always on Top Yuri, Always ! I care about you kaya ko to ginagawa, maintindihan mo sana ako"

"Yes Mom, Naiintindihan ko po kayo" Dahil kahit sabihin kong hindi, pilit at pilit mo paring ipapaintindi sakin. She wants me to be always on top at ganun nga ang nangyayare, lagi akong nasa taas. Lagi akong nangunguna sa lahat ng bagay, How I wish na sana pati sakanya ay Top din ako pero hindi, dahil Bestfriend nya lang ako. Pangalawa at hindi pang una.

"Okay, You may eat" Katulad ng sinabi nya kumain na nga ako. Tama kayo isa talaga akong Malaking sunod sunuran , Binilisan ko na rin ang pagpreprepare ko para makaalis na dito.

@School

"Hay Miss ko na agad si Vien" Sabi ni Karla at nagbuntong hininga. Wala si Vien kase nga nasuspence sya.

"Antagal naman nung suspension nila, 1 week, diba dapat 3days lang. Ang OA naman ni Ms.Pricipal"

"1 week lang naman . Ang Oa mo ha" Natatawang sabi ko . Kahit naman may gusto ako sa boyfriend nya ehh ni minsan hindi pumasok sa utak kung guluhin sila . Bestfriends kaming tatlo at hindi maganda kung dahil lang dun eh sisirain ko na ang pagkakaybigan namin . Handa naman akong magparaya pero syempre di ko parin maiiwasan na masaktan kaya ipagpapatuloy ko parin ang pagpapanggap na wala akong nararamdaman para kay Vien.

"Bwisit kasing Kai na yun" Sabi nya pa .

"Pero maiba tayo, Diba nabanggit mo saakin noon na simula first year tayo eh nanliligaw na sayo si Kai eh forth year na tayo wala ka bang balak sagutin yun ? Gwapo naman , Matangkad pa at-- ARAY. Ano ba bat mo ko binatukan ?" Inis na sabi nya at hinimas ang parte kong saan ko sya binatukan.

"Sa tingin mo sasagutin ko ung Basagulerong yun ?" Tanong ko

"Sabagay Oo nga naman. Hehe, Sorry naman" Sabi nya pa at nag peace sign.

"At isa pa gulo lang maidudulot sakin nung Kai na yun, Kaliwa't kanan din ang mga babae nun kaya sa tingin ko gusto nya lang akong mabilang sa mga koleksyon nya"

"Koleksyon? ung totoo seryoso ka? Sa tingin mo liligawan ka nya ng ganto katagal kong gusto ka lang nyang mabilang sa kolesyon nya ?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Teka, eh kanino ka ba kampi ? bat parang si Kai ngayon ang pinapanigan mo ha Karla ?" Tanong ko.

"Hindi naman. Pero syempre baka hindi lang yun yung dahilan nya diba ? Ang Effort naman kase nun masyado. Pero tama ka puro gulo nga lang ang maidudulot sayo nun kaya mas mabuting wag mo nalang pansinin" Napatango nalang ako sa sinabi nya.

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay bumalik na kami sa room as usual may kanya kanyang ginagawa ang lahat . Tawanan, Kwentuhan, Asaran, landian at meron rin namang nakatahimik lang. Hayy , Buhay highschool nga naman .

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon