It's Me

6 1 0
                                    

"VIEN" Sabay na sigaw namin ni Karla at lumapit na sa kanila.

"Shitt. Karla" Nagmamadaling pumunta si Vien papunta kay karla at niyakap ito. Alam mo yung parehas naman kayong nawala pero isa lang sainyo ang gusto nya talagang makita, Ito yun ehh. Bakit ganon? Parehas naman kaming nawala pero bakit parang si Karla lang ang hinahanap nya? Agad akong napaiyak hindi ko alam kong dahil sa takot na nawala kami o sa Selos na nararamdaman ko.

Niyakap naman ako ng teacher namin.

"Tahan na, Naku kayong mga bata kayo. San ba kayo nanggaling at gabi nalang ay hindi pa kayo bumabalik" Tanong nya habang pinapatahan ako.

"Tt-teacher" Yan. Yaan lang ang lumabas sa bibig ko sa gitna ng pag iyak ko.

"Shhh. Tama na, bumalik nalang tayong camp" Mahinang sabi nya dahilan upang marinig ko ang sinasabi ni Vien kay Karla.

"Shitt Karla you scared me! Buti nalang walang masamang nangyare sayo, sainyo. Akala ko mawawala na talaga kayo at di na namin mahahanap. Wag ka ng hihiwalay sakin para hindi ka na mawala uli, Nakakabaliw alam mo yun ?" Lalo akong napaiyak sa sinabi nya. Dapat ako yun ehh, Dapat ako kaso hindi nga.

*End of the flashback*

Diba kita naman na, Na noon pa kahit hindi pa sila wala na talaga akong laban kay Karla. Kaya dapat wag ako mag-assume na nagseselos sya.

"Alam mo pag dumiretsyo ka pa Cr na mapupuntahan mo nyan. Dito ang Library oh, San ka pa pupunta?" Nabalik naman ung isip ko na kanina pa lumilipad dahil sa sinabi ni Karla.

"Ay dyan na pala. Hahaha, Di ko napansin" Parehas nalang silang napailing sakin.

"Napapraning ka na naman Nyang-nyang" Sabi ni Vien sakin.

"Nawawala ka na naman sa sarili mo, Tama na muna kase ang pag-iisip mo kay Kai" Panloloko naman ni karla at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"Tse. Ewan ko sayong babae ka" Sabi ko at iniwan na sila dun. Dumiretsyo na ako sa loob ng Library at naghanap ng kahit na anung librong pwedeng basahin.

"Ayy oo nga pala babe, Sinabihan ako ni coach Rain nung wala ka (Nung nasuspend). Pinapatanong nya kung sasali ka daw sa basketball. Isa nalang daw kulang ehh at ikaw daw naisip nya na magiging huling miyembro " Tanong ni Karla kay Vien. Malapit na nga pala ang sport fest kaya siguro naghahanap na ng mga player.

"Di pa ko sure ehh. Tinatamad talaga ako" Sabi naman ni Vien.

"Sayang naman yun babe. Alam mo bang malaki ang prize ng mananalo"

"Tss. Ano naman ?"

"Pag nanalo kayo edi may prize, Aba pangdate na din natin yun" Sabi ni karla habang pumapalakpak pa na parang bata. Inip lang syang tiningnan ni Vien.

"Alam mo babe kaya kitang idate kahit hindi ko makuha ang prize na yu---"

"Alam ko naman yun pero kase para talagang pursigido si Coach Rain na mapasali ka wag mo naman sya biguin babe" Nagmamakaawang sabi ni Karla

"Sige na, Dahil hiniling ng Girlfriend ko gagawin ko na" Sabi naman ni Vien.

"Yehey! Iloveyou talaga babe."

"Alam ko po yun. Sasali na ko basta ipagchecheer mo ko ha?  Kayong dalawa ipagcheer nyo ko" Natatawang sabi nya.

"Oo naman, Suportive Girlfriend ata to"

"At masunuring bestfriend ata ako" Sabi ko at sabay sabay kaming nagtawanan

Nang mag-uwian ay kami lang ni Karla ang sabay. Pumunta kase si Vien kay Coach Rain para sabihing kasali na sya at may meeting ata ngayon kaya di daw sya makakasabay samin.

"Tingin mo, May pag-asa na kaya si Kai sayo?" Tanong sakin ni Karla habang nakasakay kami sa kotse.

"Kanina pa kita gustong lagyan ng tape sa bibig alam mo yun?" Asar na tanong ko sakanya. Bakit ba pinipilit nya ko kay Kai? Nakakabwisit.

"Kasi naman Bestfriend forth year na tayo tapos wala ka pang boyfriend? Baka tumanda kang single nyan"

"Oa mo ha. Magco-collage pa tayo marami pang pwedeng mangyare at tsaka makapagsalita ka naman eh isa pa nga lang nagiging boyfriend mo diba?"

"Ehh. Gusto ko magkaboyfriend ka na ehh"

"Nako karla naman, Ang ganda ng choice mo ha! Si Kai ? Seriosly?"

"Sige gusto mo ng seryoso? Eto magseseryoso na ako. Si Kai basagulero sya. Oo alam ko yun, Pero hindi ka ba nananunuod ng Tv? Alam mo bang ang mga basagulerong tulad ni Kai ay pinagbabago ng babaeng katulad mo" Asar akong tumingin sakanya.

"Hehe, joke lang. Eto totoo na talagang seryoso. Alam kong basagulero si Kai at kaliwat kanan ang babae nya pero kung hindi mo man nakikita ako nakikita ko na talagang seryoso sya sayo" Sabi niya at sa wakas ay seryoso na din.

"Hayy ewan ko basta isa lang ang alam ko yun ay ang ayaw ko talaga kay Kai" Sabi ko at umiwas na ng tingin. Nakinig ko ang pagbuntong hininga nya.

'Dahil isa lang ang gusto ko at yun ay si Vien'

---

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon