Nagising ako dahil sa gutom. Tiningnan ko ang oras magto-two na pala ng umaga, bumaba ako at nagbukas ng ref. Nakita ko yung Nutella ko, Huhuhu. My favorite, Lalo tuloy akong nagutom.
Sinaraduhan ko na ang ref at namutla ako sa sobrang takot ng maaninag kong may lalaking nakatayo malapit sakiin.
"S-sino k-ka? Anong g-ginagawa mo d-dito?" Nanginginig na tanong ko.
"Ako si kamatayan at kukunin na kita" Sabi nya at humalakhak na pang Demonyo. Sisigaw na sana ako ng malakas pero tinakpan nya lang ang bibig ko.
"Easy ka lang Sis. Si kuya to" Sabi nya. Agad akong napahiwalay sa kanya.
"Kuya? Wahhhhh. KUYA LAY! I miss you. Kelan ka pa umuwe?" tanong ko habang hinahalikan sya sa pisngi.
"Ngayon lang. Hahaha, Tama na Yul. Nakakakiliti" Agad naman akong tumigil sa paghalik sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Ohmyghad, 3 years syang nasa America dun nya napiling mag aral kasama ng girlfriend nyang si Ate Hyoyeon.
"Kamusta na kuya? Alam na ba nila Mommy na nakauwe ka na?" Tanong ko.
"Hindi pa. Ikaw palang ang nakakaalam" Sabi nya at ngumiti ang gwapo nya talaga.
(A/N: Gwapo kaya si Lay ng Exo. Diba diba? Mamatay na ang nagsabing pangit!)
Kumakain lang ako ng nutella habang nakatingin lang si kuya sakin.
"Oi Kuya hindi ka pa ba matutulog, Diba may Jetlag ka pa ? Magpahinga ka muna" Sabi ko sakanya habang nilalantakan parin tong nutella ko.
"Wag na mamaya nalang namiss kita ehh" Sabi niya pa. Tumango lang ako sakanya.
"Tutal di ka pa naman matutulog pwedeng magtanong ?"
"Sige, Ano ba yun?"
"Kuya paano kung magkagusto ka sa bestfriend mong lalaki na boyfriend ng bestfriend mong babae?" Tumingin naman sya sakin na parang kinikilatis ako.
"Anong tingin yan kuya? Nakakaasar ka!" Sabi ko ang akward kase nung tingin nya. Tinawanan nya lang ako pero alam mo yung tawa na masaya pero hindi sagad sa mata. Yung tawang hindi naman fake pero may nakahalong lungkot, Yun kase yung nakikita ko sakanya oh baka naman guni guni ko lang yun. Bakit naman sya magiging malungkot diba?
"Kuya tumigil ka na nga sa katatawa pwede? Nakakaasar ehh!" Tumigil naman sya at ilang sandali pa ay naging seryoso na.
"Anung dahilan ? bakit mo tinatanong? " Sabi nya.
"W-wala lang. Masama na bang magtanong? "
"Hindi. Pero hindi mo naman itatanong kung wala lang diba? Kaya isabi mo na yung dahilan"
"A-ah ano k-kase, A-amm ano yung kaybigan ko kase ganyan yung sitwastyon nya. Eh parang ang hirap naman diba ? Kaya ko naitanong kung anung gagawin para ano, Para mapayuhan ko sya. Oo tama, Para mapayuhan ko yung kaibigan ko kaya sagutin mo na, Hehe" Naramdaman nyo na bang pagpawisan ng malagkit? Ako kase oo. Actually ngayon lang.
"Kaibigan mo ?" Tanong nya
"O-oo naman. Dali na kase sagutin mo na, Itatago ba nya yung nararamdaman nya o sasabihin nya nalang ?"
"Kung ako man ang nasa katayuan nung kaibigan mo. Mas mabuti pang sabihin ko nalang yung nararamdaman ko" Sabi nya.
"Ha? Eh bakit naman? Paano kung masira yung frienship nyo ng dahil lang sa nararamdaman mo ha? Edi mas mabuti na ngang itago nalang."
"Yuri kahit na ano pang problemang dumaan dyan sa pagkakaibigan nyo, kung matatag ehh matatag yan. What I mean is kahit sabihin mong mahal mo sya hindi maapektuhan yang pagkakaibigan nyo kase nga matatag kayo. Hihintayin mo pa bang mapuno ng sakit,selos at galit bago sabihing mahal mo sya ? Yuri walang sekretong naitatago ng habangbuhay kaya kahit na anong gawin mo, lalabas at lalabas parin yan. Kaya mas mabuti kong sasabihin mo. Hindi ko sinasabing sabihin mo Agad-agad ang sinasabi ko ay sabihin mo sa tamang oras" Napatulala lang ako sakanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naguguluhan ako, Sobra-sobra.
"P-paano kung walang tamang o--" Pinutol nya ang sinabi ko.
"Paano kung walang tamang oras yun ba ang tanong mo ? Lahat ng bagay may tamang oras Yuri" Ilang segundo akong nakatulala bago tumango sa kanya.
"Hehe. Okay, Sige kuya tutulog na ko may pasok pa ako bukas ehh. Bye" Sabi ko at paakyat na sana ng hilahin nya ko pabalik sa kusina.
"A-ano ? Bakit mo ko hinila dito? Kuya naman alam mo namang may pasok pa ako buk----"
"Ngayon isabi mo saakin ang TUNAY na dahilan kung bakit mo naitanong ang mga yun" eto at pinagpapawisan na naman akong malagkit.
"K-kuya naman paulit ulit ka rin no. Sabi ko kase yung kaibigan ko ganyan ang sitwas---"
"Do you think maniniwala talaga ako Yuri ?" Sabi nya at seryoso paring nakatingin sakin. Omo ! Nakakatakot sya.
"Yun nga. Kuya naman e" Hindi na sya nasasalita at nakatingin nalang sakin. Jusko naman, Ito pinakaayaw ko ehh. Seryoso na talaga sya wala na kong takas.
"Kase.."
"Ano? bakit ayaw mong isabi sakin Yuri ? Sinagot kita kanina at dapat ako naman ang sagutin mo"
"Kase..Ano, Antok na k-ko kaya matutulog n-na ako." Pilit akong tumatakas sa mga matang nyang humihingi ng kasagutan. Shittt! Kung alam ko lang na ganito ang magiging sitwasyon ko matapos kung magtanong edi sa na hindi na ako nag try na magtanong.
"Bakit ka umiiwas?"
"Hindi ako umiiwas. Antok na talaga ako"
"Inaantok o kinakabahan?" Kahit na anong sabihin ko. Hindi parin sya titigil, Magtatanong at magtatanong parin sya.
"Gusto mo ba talagang malaman ? Oo sige na. Tama ka! Ako nga yun, Sitwasyon ko nga yun. Kuya ansakit, Ang hirap." Hindi ko na mapigilang umiyak. Ilang taon ko na bang tinago ang lahat ng to? Ilang taon na ba ako nagsuffer sa sakit na nararamdaman ko?
"Cry all you want it will help lessen the pain" Sabi nya habang yakap yakap ako. Sana nga mabawasan ung sakit, Sanaa..
---
(A/N: New character palang umeeksena na. HAHAHA, Thanks uli sa nagbasa. Vote and Comment)

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Fiksi RemajaSometimes in life, You fall for the person you NEVER expected to fall with.. 'YOURE BESTFRIEND'