Its Me

3 1 0
                                    

"Alam mo bang araw araw kong pinanunuod yung spongebob. Ang ganda talaga, Sana nga na-extend pa yung suspension namin para makakapanuod pa ako ngayon" Pagkekwento samin ni Vien.

"Ahh ganun hindi mo ko namiss ? Mas mahalaga na sayo si Spongebob ngayun ?" Nagtatampung sabi ni Karla.

"Asus si babe naman nagselos agad. Syempre mas mahalaga ka parin sakin at pano naman kita mamimiss eh palagi naman kayung nasa bahay diba?" Opo lagi kaming nasa bahay nila tuwing mag uuwian, Gusto kase ni karla na puntahan namin si Vien gusto ko rin naman kaya sinasamahan ko na sya . Tama kayo nakabalik na nga si Vien ang bilis talaga lumipas ng araw..

"Ah so di mo talaga ako namiss? Nakakapagtampo." Sabi ni Karla sabay Pout.

"Ay nako nagtatampo ung Babe ko Nyang-Nyang ohh . Syempre namiss kita namiss ko kayo, Wag ka na magtampo ikikiss na kita" Sabi nya at hinalikan na nga ang nakangusong si Karla. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa ang sweet nila . Nakakainggit.

"Wait lang may nakalimutan  pala ako sa room kukunin ko lang" Sabi ko at umalis na ng Library di ko na sila pinagsalita gusto ko nang makalabas at makalanghap ng hangin .

Pumunta ako sa Garden kung san tahimik. Umupo ako sa may bench dun, Ipinikit ko muna ang mga mata ko para makapagrelax naman ng konti ng biglang may magsalita..

"Mahal mo sya diba?" Napatalon ako ng marinig ko ang seryosong boses na yun. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko, grabe di ko sya naramdaman .

"Anung ginagawa mo dito? Bat ka andito ?" Tanong ko

"Wow ha. Pag-aari mo na ba ang Garden ngayun ?" Sarkastikong sabi niya.

"Hindi naman. Nagulat lang ako, Bigla ka nalang kasing nagsalita eh ang tahimik pa naman sa lugar na to" Sabi ko pa. Bigla namang nagseryoso ulit yung Mukha nya

"Sabi ko mahal mo sya" Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Anu bang sinasabi ng Kai na to ?

"Di kita maintindihan. Sinong sya? Ang gulo mo ha" Nagtatakang sagot ko sakanya.

"Mahal mo sya pero bakit hindi mo sinasabi ? Mahal mo sya pero bakit nagtitiis ka kahit kaibigan lang ang tingin nya sayo ? Mahal mo sya pero bakit nagpapanggap ka paring walang nararamdaman para sakanya? Alam mo ang totoo hindi naman talaga ako yung Magulo ehh, Ikaw yun Yuri . Ikaw ang magulo" Sabi nya at tumingin sakin ng seryoso, Umiwas ako ng tingin sakanya.

"Siguro alam mong mahal ko sya pero hindi sapat yang nalalaman mo para sabihin kong ano ang dapat kong gawin. Mas mabuti pang manahimik nalang at baliwalain nalang tong nararamdaman ko kesa isabi ko sakanya na Mahal ko sya dahilan para masira ang pagkakaibigan na meron kami Kai"

"Yuri ang gulo mo, Hindi kita maintindihan. Bakit kay--"

"Wag mo na kong intindihin. Dahil kahit anung pilit mong intindihin ako hindi mo parin ako maiintindihan kase wala ka sa posisyon ko" Sabi ko at umalis na dun. Wala syang alam at lalong lalo ng wala syang pakielam.

Naisipan kong bumalik nalang sa Library.

"Ano bang nakalimutan mo at natagalan ka ?" Tanong ng dalawa sakin.

"Wala. Nasa bag pala , Di ko nakalimutan dala ko pala" Sabi ko at tumawa.

"Ano ba yan Nyang-nyang, Hindi ka naghahanap ng mabuti. Nagpagod ka pa tuloy sa pagkuha sa room natin" Sabi ni vien. Ngumiti nalang ako sakanya at umupo na para magbasa, Ganun din ang ginawa nila.

"Oi,Tara sa field dali may rumble." Sabi sa katabing desk namin. Library to bakit ang ingay nila ? Agad namang nagsitayuan ang tao sa kabilang Table at umalis sa library ganun din ung mga tao sa iba pang table nagsialisan na din. Ano bang meron ?

Bilang chismoso at chismosa ay sumunod na rin kaming tatlo sa mga nagsisilabasang estudyante. Nakita namin sila sa Field na nagkukumpulan, Ano bang meron?

"Ate ano pong meron? Bakit ang dami pong tao?" Tanong ni Karla dun sa babaeng malapit samin. Ang tatangkad ng nasa unahan hindi namin makita dito sa huli.

"Sabi nila si Gael daw ng section eagle at si Kim Jongin eh nagkainitan kaya Nagsuntukan" Sabi nung babae at pilit na sumiksik a mga taong nakaharang para makapunta sa unahan.

Sino daw ? Si Kim Jongin ? O_O Si Kai ? FVCK >.<

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon