CHAPTER 6

1.8K 37 0
                                    

CHESKA LAURET

Maraming tanong pa sa utak ko na gustong masagot dahil tulala ako hindi ko namalayan na bumubuhos na pala ang malamig na tubig sa sakin dahilan para magising ang diwa ko.

Mabilis akong nag bihis pero hindi parin nawala ang mga tanong sa utak, lutang akong nag bihis at hindi ko alam kung bakit at kahit gaano ako kalutang ay naayos ko parin ang pag susuot ko ng uniform.

Lumabas ako ng kwarto agad naman akong sinalubong ni sherwin nakabihis narin siya hindi siya naligo dahil kapag naligo siya malamang malalate na ako siyaka alam ko naman maliligo siya sa bahay ng kapatid niya.

Wala akong imik na sumunod sa kanya hanggang makarating kami sa parking lot wala din siyang imik may hawak siyang envelop at hindi ko alam kung anong laman, ngayon ko lang kasi nakita ang envelop na yun dahil simula pag dating namin dito sa condo hindi ko yun nakita na nakakalat sa kanyang table dahil ganon naman siya lahat ng gamit niya nakakalat sa kanyang mesa.

Hanggang makarating kami sa school naninibago talaga ako sa kanya hindi siya tulad ng dati na marami siyang kwinekwento sakin but this time ay ang tahimik niya.

Dahil sa maraming tanong ang utak hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng school habang nakatanaw sa labas ng gate kung saan nandon siya at nakatanaw sakin ngumiti ito bago tinaas ang kamay bilang pag papaalam.

Gusto ko pa siyang makasama pero hindi na pwede dahil uuwi narin siya sa susunod at ngayon ay uuwi na siya sa kapatid niya para sa kanilang business bago umuwi sa pilipinas.

After 1 week.

Mas lalong naging malungkot ang sitwasyon ko sa bahay hindi narin masyadong tumatawag sakin si sherwin kahit message man lang.

Miss kona siya.

Nasagot ko rin lahat ng mga tanong ni febby sakin about sa kay sherwin at status namin.

Its Saturday walang pasok kaya heto ako nakatambay lang dito sa labas ng bahay namin wala rin si mama pero si papa meron tinanong niya rin sakin kung gusto ko raw lumabas or pumunta ng mall pero tumanggi ako.

Dahil alam ko naman ang mangyayari kapag nasa mall na kami, may tatawag sa phone niya at iiwan na niya ako dahil may importante siyang pupuntahan.

Maya maya pay nakita ko siyang bihis na bihis at mabilis na pumasok sa kanyang kotse nag taka ako sa kanyang kinilos parang may mahalaga siyang bagay na pupuntahan dahilan kung bakit natataranta siya.

Kusang gumalaw ang mga paa ko para sundan siya agad na nakalayo ang kotse niya napatingin ako sa parating na taxi agad kong pinara yun at mabilis na pumasok narinig ko pa ang pag sigaw at pag tawag sakin ng bagong katulong namin pero hindi ko na pinansin yun.

"Follow that car." mabilis naman sinunod ng driver ang sinabi ko hindi ko alam kung ano g ginagawa kung bakit ko siya sinundan basta ang alam ko lang may nag tutulak na gawin sakin to I feel weird.

Bigla rin akong kinabahan habang nakatingin sa kanyang kotse.

Nakitang kong huminto ang sasakyan niya.

Kaya pinahinto ko din ang driver bago humugot ng pera mula sa bulsa ko at binigay yun siyaka dali dali ring lumabas at sinundan siya.

Nakita kong pumasok si papa sa isang bahay na hindi kalakihan hindi tulad ng bahay namin.

Anong ginagawa niya ganitong lugar? About rin ba ito sa kanyang business?

Natigilan ako habang nakatitig don gusto kong umalis pero hindi ko kaya gusto ko talaga siyang sundan.

Dahan dahan akong nag lakad patungo don habang palapit ako ng palapit dito nang hihina ang tuhod ko huminga ako ng malalim para palakasin ang loob ko.

Bakit parang may malalaman akong hindi maganda?

THE MAN WHO STOLE MY HEART Where stories live. Discover now