CHAPTER 25

1.3K 25 0
                                    

CHESKA LAURET POV:

Matapos naming kumain ni tyrone ay dumeretsyo muna kami sa condo niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng loob ng condo nito. Parang halos lahat ng gamit niya ay puro mamahalin. May tatlo itong silid dahil ang isang silid ay bathroom, nakahiwalay ang bathroom, dahil sa loob ng kwarto ay walang bathroom.

Paano nalang kapag tapos ng maligo tapos nakalimutan mo ang pamalit na damit tapos kailangan mo pang pumunta ng kwarto, masmalala pa ang nasa utak ko na kapag wala ring towel na dala paano yun tatakbo pa sa kwarto, paano kapag may tao sa labas di makikita na ang tinatagong kayamanan ng katawan.

Hay bakit ko ba iyon prinoproblema e mag isa lang naman siya dito sa condo niya. Pake ko sa buhay niya.

"What are you thinking?" Napatingin ako kay tyrone na nasa tabi ko na pala.

"Bakit nakahiwalay ang bathroom?" Hindi mapigilang tanong ko.

"Kasi gusto kong malawak ang kwarto ko, magagawa ko lahat ng gusto kong posisyon." Curios akong napatingin sa kanya.

"Anong posisyon?" Kunot noong tanong ko.

"Nothing, sakin nalang yun masyado kang pala tanong." Napairap ako at umupo sa sofa na nasa tabi ko lang din, hindi ko alam kung bakit ako nakatayo e may upuan naman.

"Bakit hindi ka nalang din dito sa condo ko, dalawa naman ang kwarto dito, isang kwarto para sa anak natin." Kusang nag loading ang utak ko sa huli niyang sinabi, anong kwarto para sa anak namin?

"Pinagsasabi mong gago ka?" Hind mapigilang inis ko. Anak kaagad ni wala pa nga kaming level-

Ay oo nga pala boyfriend ko na pala siya sa isang iglap lang. Tangina kasi, bakit kasi hindi ko man lang pinag-iisipan mga pinagsasabi ko yan tuloy boyfriend ko na tong gagong to.

"Wag na, sa ibang condo nalang ako, ayaw kong makita pag mumukha mo." Inis kong sabi at muling nilibot ang tingin. Sana pag nakakuha na ako ng condo ganito din ang loob pero sana nasa loob na ng kwarto ko ang bathroom pangit kasi pagnakahiwalay.

"Wow, parang hindi pinaghahaplos ang mukha ko noong nasa resthouse tayo." Nanlaki ang mga mata ko at inis na tumingin sa kanya.

"Dito kana sa ayaw at sa gusto mo." Dagdag pa nito dahilan para mapalunok ako.

"Ayoko nga, baka mamaya malaman pa ito ni ate at iba ang isipin non. Siyaka pwede na wag mo nalang akong pilitin."

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin, paggagastusin mo pa ate mo, dito kana para isang bayaran lang tayo." Napangiwi ako sa kanyang sinabi, kanina ko lang nakita ang maliit na nakasulat sa building nato, at hula kong pag mamay-ari ito ng Cleverio. Isang bayaran? Neknek niya, anong babayaran niya? Kalandian niya?

"Ayoko nga!" Pasigaw kong sabi.

"Ayaw mo? Sige siguro naman ready kana, sasabihin ko nalang sa kanila na tayo na at kailangan kitang panindigan dahil may ilang beses ng nangyari satin, or should i say buntis ka." Napapikit ako at hindi alam kung anong isasagot masyadong seryoso itong tao nato, at baka mamaya seryosohin niya ang mga pinagsasabi niya. Hindi pa ako ready na malaman ni ate ang mga bagay na ito. And buntis? Dati ba siyang labas mental hospital? Buntis kaagad.

Buntis?

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Nasa buntis na ang usapan, paano mangyayari iyon?

Wait damn it, ilang beses ng maynangyari samin at wala man lang proteksyon, what if mabuntis nga ako. Tanginang buhay ito anong gagawin ko? Baka palayasin ako bigla ni ate sa kanilang bahay at malaman pa ito ng mga magulang ko naku hindi ko kakayanin, ang aga ko namang mabuntis e 20 years old palang ako.

THE MAN WHO STOLE MY HEART Where stories live. Discover now