CHAPTER 31

1.2K 23 0
                                    

CHESKA LAURET POV:

"Tyrone!"

"Ano ba Cheska ka, kung makasigaw ka naman ay parang ang layo layo ko. Lumaki ka ba sa bundok ka, sakit mo sa tenga."

"Oo pinalaki ako sa bundok may angal ka, anong pake mo ha, tukusin ko mata mo ih." Inis kong sabi dahil ang sama nitong tumingin kung nakamamatay lang tingin ay malaman baka kanina pa ako bumulagta dito.

"Ano ba yun?"

"Labas tayo, bili tayo Ice cream." Nakangiti kong sabi.

"Nag lilihi ka ba?" Ng dahil sa tanong nito ay bigla ko siyang nasipa.

"Anong nag lilihi, pinagsasabi mong lalaki ka?"

"First ang hilig mo ng manakit, second lagi kang sumisigaw, third kung ano ano pag kain ang hinahanap mo." Sabi nito dahilan para matawa ako.

Oo siguro nga nag lilihi ako dahil may meron ako ngayon, red day ko kaya ganito ang ugali ko mahilig manakit at nag cracrave ng iba't ibang food. Daig ko pa yung naglilihing buntis.

"Tanga meron ako ngayon." Tumatawa kong sabi. Napailing naman ito.

"Gusto mo bang mawala iyan ng nine months?"

"Ay wag, wag mong walain, sayang wala ng dadalaw sakin ng kada buwan." Nakangiti kong sabi dahilan para mangunot ang noo nito.

Makalipas ang isang linggo na pagsasama namin ni tyrone sa kanyang condo ay mas lalo pang lumala ang bardugulan namin dalawa. At aaminin kong never akong nainis sa bardugulan namin kahit minsan ay nag kakasakitan na kami ay ok lang, dahil tanging ako lang naman ang nanakit sa kanya ng pisikal kaya ok lang.

At higit sa lahat ay napatunay kong mahal niya talaga ako, mahal namin ang isa't isa. And I'm so happy ng dahil sa kanya ay nagawa ko ang lahat ng gusto ko. At higit sa lahat ramdam ko ang tunay niyang pagmamahal sakin.

I really loved Sherwin, but I love Tyrone even more now, he is very different from Sherwin. I feel safe in his hands even though he kidnapped me before. It seems like it's only the speed of time that I liked Tyrone, but what can he do to have a different effect on me? I love him very much. Masaya akong kabonding siya kahit puro kami sumbatan. Mas marami pa ang bardugulan namin kesa sa lambingan namin.

Katulad ng ginagawa namin ngayon.

"Ano ba tyrone, saan ba tayo pupunta." Inis kong reklamo, kaladkarin ba naman ako palabas ng condo niya at halatang nag mamadali pa siya.

"Dadalhin lang kita sa mental hospital." Sabi nito dahilan para mahampas ko ang kanyang likod pero mukhang wala lang sa kanya, napasigaw ako ng bigla pa ako nitong buhatin na parang sako.

"Ang bagal mong maglakad baka nag hihintay na ang doctor mo doon." Sabi nito, pinaghahampas ko naman ang likod nito pero kaagad rin akong natigilan ng paluin niya ang pang upo ko. Walang hiyang manyak na ito, paano nalang kapag may nakakita samin, nakakahiya.

"Ano bang pinagsasabi mo, baka ikaw, ikaw lang naman ang baliw sating dalawa, kaya ikaw ang pupunta ng mental hospital idadamay ko pa ako sa kabaliwan mo." Inis ko ring sabi. Hindi naman ito sumagot na lubos kong pinagpapasalamat.

Saka lang niya ako binaba ng makarating kami sa parking lot, nakangisi pa ito at muling pinalo ang pang upo, namimihasa na ang lalaking ito. Akmang papaluin niya ako ulit ng mabilis na akong lumayo, inambaan ko pa siya ng suntok na ikinatawa lang siya.

"Isa pang palo mo tatamaan kana talaga sakin." Inis kong sabi. Nanakit rin kaya ang pang upo ko lalo na't ang lalakas ng palo niya.

"Takot ako." Parang tanga na sabi ni bago ako pagbukas ng pinto agad ko namang binangga ang braso nito at pumasok sa kanyang sasakyan.

THE MAN WHO STOLE MY HEART Where stories live. Discover now