CHAPTER 14

1.4K 30 0
                                    

CHESKA LAURET

Nagising ako dahil pakiramdam ko mag isa lang ako 'madilim ang lugar at kahit isang tao ay wala akong matanaw at ang pag kakatanda ko ay may kasama akong tao pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay wala na siya.

Para akong bagay na iniwan na parang wala ng pakielam,parang isa akong laruan na pag katapos niyang laruin ay basta basta nalang niya akong itinabi at hindi na inalala.

Unti unti akong nanlumo at napa upo pakiramdam ko napaka walang silbi kong tao at napakadaling iwan.

Napatingin ako sa malayong bahagi kung saan nanggaling ang kaunting liwanag pumasok dito ang isang matangkad na lalaki pero hindi ko ito makilala.

Nilahad nito ang kamay, napatingin ako sa kamay hanggang dahan dahan ko itong tanggapin at tinulungan ako nitong maka tayo.

Hanggang maramdaman ko ang kaginhawaan ng dibdib ko parang nawala lahat ng lungkot ko ,niyakap ko ito at ganon din siya sakin habang tumutulo ang luha ko.

Parang lahat ng bagay na nakasanayan ko sa nakaraan ay bigla nalang nag laho at napalitan ng bago kung dati dati ay ok lang sakin na malayo ito ngayon ay parang gusto ko ng itali ang sarili ko sa kanya dahil lang ayokong mag kahiwalay kami.

Parang ayoko ng matapos ito ,gusto ko sa bawat dereksyon na pupuntahan ko ay kasama ko siya , kasama niya ako, nararamdaman ko din sa kanya na hindi na mangyayari ang nangyari sa nakaraan ko.

"Wala na akong nararamdaman sakanya bakit ganon."

"I don't know"

"Pero iba ang sinasabi ng isip ko gusto ko siyang makita samantalang ang puso ko ay sinasabing ayoko na siyang makita."

"Masasaktan kalang."

"I know but"

"Wala siyang kwentang lalaki."

"Pero mahal niya pa ako"

"Mahal mo parin ba siya"

"Hindi ko alam"

"Pero iniwan ka niya" tumingala ako dito

"Iiwan mo rin ba ako tulad niya?"

Hindi ito sumagot at hinawakan lang ng mahigpit ang kamay ko at 'hinalikan ang noo ko.

Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko may kumakalabit sakin 'pagod kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang magandang flight attendant.

"Excuse ma'am nandito na po tayo sa pilipinas at kayo nalang po ang nandito sa loob pasensya napo pero kailangan niyo ng lumabas." ha?it means ako nalang ang pasaherong nandito?

Dali dali kong nilibot ang tingin ko at sa tabi ko nasaan si tyrone?

"Teka miss mas kasama akong lalaki ano ung matangkad,maputi,pangit este gwapo,at malaki ang katawan nasaan siya." Tanong ko dito habang hindi mapakali at parang tanga na kinapa kapa ang katabi kong kinauupuan.

Hindi kaya!

"Pasensya na ma'am pero hindi ko na napansin kayo nalang ho talaga ang nandito pero meron daw nag papabigay sainyo ito 'siguro siya na ang tinutukoy niyo." mahinahong sabi nito at inabot sakin ang isang sobre at agad ko naman tinignan ang laman non 'natigilan ako ng makita ang tig 1000 na pera doon at may note.

Use this money for the fare home and be careful.

So iniwan niya ako

"Sige salamat" agad akong bumaba ng eroplano at agad sumalubong sakin ang matinding init napangiti ako ng mapait 'nasa pilipinas na nga ako pero saan ako tutuloy.

THE MAN WHO STOLE MY HEART Where stories live. Discover now