CHAPTER 35

1.3K 23 0
                                    

CHESKA LAURET POV:

Ano pang ginagawa niya dito? Siya ang bumili sa business ni Papa? Bakit ayaw niya pang umalis.

"South?" Napatingin ako sakanya, gusto ko ng umalis at magkulong sa aking kwarto, ayoko rin makita ang pag mumukha niya. Kung bakit ba kasi kailangan sumabay pa ako sa tanghalian nila. Kanina wala akong gana pero mas lalo na akong nawalan ng gana ngayon.

"I'm done." Sabi ko kahit hindi ko pa nauubos ang laman ng plato ko. Akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni Natalie.

"Stay Cheska!"

"Wala na akong gana."

"Please Cheska kagabi ka pa hindi kumakain." Sa muling pagkakataon ay naramdaman ko pag aalala sa kanyang boses ngunit wala na akong pake.

Ramdam kong nakatingin sakin si Tyrone. Hindi ko alam kung bakit siya nakatingin sakin. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Wala nga akong gana, ang mahalaga pa ibigay mo nalang sakin ang susi ng kotse ko at hayaan mo na akong umalis dito sa pamamahay mo. Ayokong mabulok dito!" Sigaw ko

"Cheska"

"Wala ka ba talagang ganang kumain o ayaw kaming kasabay na kumain? Fine doon ka na sa kwarto mo kumain-"

"Hanggat nandito ako patuloy akong mawawalan ng gana." Mabilis kong sabat at padabog silang iniwan at dumeretsyo sa aking kwarto.

Sunod sunod na tumulo ang luha ko pagkapasok ko sa aking kwarto. "Paano ba ako mamakakaalis sa pamamahay na ito?" Tanong ko sa aking sarili.

Tumayo ako at nag tungo sa bintana napatigil ako sa pag iyak ng makita ang malawak na likuran ng aming bahay. Mabilis kong pinahid ang luha ko ng may maalala ako. Ang alam ko ang may gate pa kaming isa.

"Damn Cheska!" Gigil na sabi nito habang mahigpit na hawak ang braso ko, masakit, sobrang sakit. Ngunit mas nakatuon ang pansin ko sa aking hita na may mahabang sugat dahil sa alambreng hindi ko napansin. Tumutulo ang dugo. Bigla akong nanghina habang nakatingin doon. Nanlabo ang tingin ko. Hindi pa man ako tuluyang bumabagsak ng bigla akong buhatin ni Tyrone. Pinapanalangin ko nalang na sana wag niya akong ibalik sa loob ng bahay.

TYRONE CLEVERIO POV:

Hindi ako makaalis sa tabi ni Cheska at lalong hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Mahimbing ang kanyang tulog pero pulang pula parin ang kanyang mukha.

"Anong nangyari sayo habang wala ako sa tabi, bakit bigla mo akong iniwan?" Tanong ko, para akong tanga na kinakausap ang tulog. Labis ang pag aalala ko sakanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko nung nawala siya. Tangina! Masama bang mag selos? Masama bang mag tampo? Iniwan ko lang siya dahil alam ko naman susundan niya ako pero mag gagabi na wala pa siya tapos malalaman ko andito na pala siya sa london. What the hell! Nag tatampo ako tapos nag tatampo rin siya.

Napatingin ako sa hita niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya doon naglakad. Bakit pa siya umuwi dito kung tatakas rin lang naman siya. Yung totoo nababaliw na ba ang babaeng ito?

"Hmmm" napaiwas ako ng tingin ng imulat nito ang kanyang mga mata.

"The hell are you doing here?" Pagod na tanong nito. Humarap ako sa kanya hinaplos ang kanyang pisngi ngunit pinatili kong seryoso ang mukha ko.

"Ikaw ang dapat ang sumagot sa tanong mo."

"Please tyrone, kung wala kang idudulot sakin na maganda ay mas mabuting iwan mo na ako. Hindi kita kailangan."

THE MAN WHO STOLE MY HEART Where stories live. Discover now