CHAPTER 34

1.3K 28 2
                                    

CHESKA LAURET:

"Where I'am?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame.

"Nandito ka sa kwarto mo, sorry sa lahat ng nangyari-" agad akong napatingin sa taong nagsalita, nagsalubong kaagad ang kilay ko. Namasa ulit ang mga mata ko ng maalala ang mga nangyari.

"Anong gagawin ko sa sorry mo?" napaiwas ito ng tingin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Namatay yung ina ko, pero anong ginagawa niyo rito sa pamamahay namin. Ginusto niyo ang nangyari, pagkatapos mawala ang nanay ko kayo ang pumalit dito. Ang kapal ng mukha ninyo." Galit kong sabi, gusto ko siyang sugurin ngunit wala na akong lakas.

"Mali ang iniisip mo Cheska. Wala kaming ginusto. Matagal ng wala ang mama mo. Naka move on na ang papa mo sa mama mo. At anong ginagawa namin dito? Nandito kami kasi anak niya rin ako. Mag isa na si papa dito wala na siyang kasama dahil nasa pilipinas ka."

"Is that all? Ang sabihin mo malandi yang nanay mo-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong sampalin.

"How dare you!"

"I'm sorry Cheska, away natin to at pwede bang wag na wag mong idadamay ang mama ko!" sabi nito.

''HOW DARE TO SLAP ME, SINO KABA SA TINGIN MO HA! ANAK KA LANG SA LABAS NG PAPA KO!'' sigaw ko sa kanya gustong gusto ko siyang sugurin ngunit nanghihina ako.

''I know Cheska, but please ayoko ng away kaya ako nandito para alagaan ka. Alam ko namang mahirap itong tanggapin sayo, pero hindi rin kita pinipilit kung hindi mo ako matanggap bilang ate mo then fine ano magagawa ko diba? Bakit ko naman ipagsisikan ang sarili ko sa taong ayaw sakin? But now please Cheska hayaan mo muna akong alagaan ka.'' Nag init ang mga mata, napatingila ako.

''Hindi ko iyon kailangan Natalie, ang gusto ko lang ay iwan mo ako, hayaan mo muna ako. Please i want to be alone." Hindi ko na pigilang ang sarili ko at tuluyan ng umiyak. Wala na akong pake kahit panoorin niya pa ako.

Mas lalong lumakas ang pag iyal ko ng marinig ang pagbukas at pag sara ng aking pinto. Mabilis akong tumayo at nilibot ang buong paligid ng aking kwarto ng mahanap ko ang lumang maleta ko ay kinuha ko lahat ang natitirang gamit ko at siniksik lahat sa maleta.

"Where are you going." malamig na tanong sakin ni papa, nanlisik ang mga mata nito ng makita ang dala kong maleta. Pero wala akong pake kahit ganon ang kanyang tingin, wala rin palang silbi ang pag uwi ko. Hindi ko makikimkim na makasama ang kabit at anak niya dito sa bahay.

"Hindi ko alam? Hindi ko alam kung saan ako pupunta papa. Umuwi ako dito dahil gusto kong mag pahinga, pero paano ako mag papahinga kung kasama ko kayo! Kasama yang mag ina mo! Kahit anong gawin mo o sabihin mo papa never ko silang tatanggapin!" Shit!

"Cheska!" Sigaw nito sakin, nakita ko naman ang pag atras ng katulong namin.

"Only child ha? Only child niyo lang ako ni mama. Pero bakit ang hirap niyong ibigay saakin ang mga attention niyo? Iniwan na ako ni mama, samantalang ikaw ay masaya sa piling ng kabit mo!" Sigaw ko pabalik sa kanya, naririndi narin ako sa boses niya!

Nakita ko ang pag kuyom ng kamao niya, lumapit naman kaagad sakanya ang mama ni Natalie para pakalmahin ito, napangisi nalang ako. Galit ang mga mata nitong nakatingin ng deretsyo sakin na matapang ko namang tinapatan.

Hinding hindi na talaga ako nag papatalo sa kanya.

"Ano, ano papa sasaktan mo ako. Go on!" Muling sigaw ko.

THE MAN WHO STOLE MY HEART Where stories live. Discover now