CHAPTER 24

1.3K 32 5
                                    

CHESKA LAURET POV:

Naalimpungatan ako dahil sa pakiramdam kong may nakatitig sakin, minulat ko ang mga mata ako at bumungad naman sakin ang gwapong pagmumukha ni Tyrone, ngumiti ito ng matamis dahilan para muli akong pumikit. Kung gantong kagwapo lang ang bubungad sa araw araw at sa bawat pag mulat ng aking mata ay parang gusto ko nalang ulit matulog. Honestly nakakaasar ang ngiti niya parang gusto kong bunutin ang isang ngipin niya.

"Hey sleepyhead wake up." Rinig kong sabi nito pero hindi ako nakinig at hindi minulat ang mga mata, bahala siya. Sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik sa aking isipan ang mga ginawa namin sa kanyang resthouse.

Napasigaw ako ng biglang pisilin nito ang aking hita, tangina.
Agad ko itong tinignan ng masama pero ginantihan niya ang lang ako ng matamis na ngiti. Gago siya, lakas mambwisit. Hita ko pa talaga ang pinuntirwa. Inirapan ko ito ng paulit ulit bago tumingin sa paligid. Nangunot ang noo ko ng condominium ang bumungad sakin, akala ko ba school ang pupuntahan namin, bakit nandito kami sa harap ng building ng condominium.

"Anong ginagawa natin dito, hindi ba sa school ang pupuntahan natin. Kailangan kong mag pa enroll. Saan ang school niyo dito ako nalang ang pupunta kung ayaw mo akong ihatid doon." Mabilis kong sabi, para naman itong tanga na sinilip rin ang labas saka napaawang ang labi nito. This man is freaking crazy.

"Wow" bulalas pa nito dahilan para mapasampal ako sa aking noo. Hindi ko alam na ang taong araw araw kong kasama ay baliw.

"Ang ganda pala dito no, gusto mong mamasyal?" Tanong nito dahilan para matigilan ako dahil sa salita niyang gusto mong mamasyal hindi ko alam kung anong meron sakin pero parang gusto kong sumangayon.

"Ikaw nalang, ituro mo nalang sakin kung saan ang school dito mag papa enroll pa ako." Masungit kong sabi at muling tumingin sa labas, tunay nga na maganda ang paligid.

"Wag mo ng problemahin iyon, mag aaral kapaba, wag ka ng mag aral mukha namang walang laman ang utak mo. Saka isa pa malaki kana mag trabaho ka nalang, saka mo na intindihin ang pag aaral mo kapag may laman na ang utak mo." Dahil aa sinabi nito ay hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit sakanya at mabilis na kinurot ang kanyang braso, nahirapan pa akong kuruti siya dahil ang tigas ng kanyang braso pero hindi akong sumuko at hinampas pa siya ng tatlong beses.

Nakakainis siya, ako pa talaga ang walang utak, tumaas ang isang hita ko at tindyakan siya pero kaagad rin akong natigilan ng bigla siyang ngumisi habang nakatingin sa dress kong nakalislis na hanggang sa mga hita ko at nakikita na ang suot kong cycling. Doon ko lang na realize na nakataas na pala ang isang hita ko at nakapagtong na sakanyang mga hita.

"Tangina mo." Pag mumura ko rito, naningkit naman ang mga mata nito na parang hindi nagustuhan ang lumabas na salita sa bibig ko, well he deserved it. Kaagad akong umayos ng upo at akmang lalabas ng kotse pero kaagad rin ako natigilan dahil naka lock iyon, muli akong napatingin sa kanya.

"Ang galing mong magmura." Seryosong sabi nito dahilan para matigilan ako.

"Ayaw mo ba?" Wala sa sariling tanong ko. Huminga naman ito ng malalim saka tumango, napayuko naman ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Ayaw mo pala marinig mura ko, edi magtakip ka ng tenga mo, saka sino kaba para sundin ko?" Masungit kong sabi, sino ba siya para sundin ko, kung ayaw niya akong mag mura ay wala na akong pake don, kasalanan ko bang magaling akong magmura. Napatingin ako sa kanya ng sampalin nito ang sariling noo parang gusto ko tuloy matawa. Engot gaya gaya e gawain ko iyon yung saktan ang sarili.

"How many times to remind you that I'm your boyfriend." Seryosong sabi nito, kaagad ko naman pinigilan ang sarili ko dahil sa totoo lang ay gustong gusto ko ng tumawa. Namumula na kasi ang kanyang mukha.

THE MAN WHO STOLE MY HEART Where stories live. Discover now