Pagkagising namin ni Ash.. Wala na yung posas..
"Hay salamat. Wala na 'yung posas. Malalayo na ako sa mabahong kaposas ko." Ang kapal naman ng mukha nito? Harap-harapan ah?
"Grabee. Kung makapagsalita ka naman akala mong napakabango mo." Tyak magkakasagutan nanaman kami. (Well,lagi naman eh. Kagabi lang hindi.)
"Talagang mabango 'ko! Amoyin mo pa oh! Kahit kili-kili ko!" Tinaas nya pang braso nya sa mukha ko!!! Nakakaasar. Eh ang baho kaya?!
"Ehwww! Hairy!!! Lumayo ka nga sakin!!" Tumakbo ako palabas habang hinahabol nya ako at nagulat ako sa nakita ko dahil merong hawak si Mommy na wedding gown..
"Aga namang lambingan nyan." Sabi nung daddy ni Ash
"Lambingan? You wish! Kahit kailan di mangyayari sa min 'yan!" Sigaw ni Ash
"Tsaka ano ba 'yang hawak mo,mommy?" Tanong ko
"Can't you see? It's your gorgeous gown!" Sagot ni mommy
"Kadiri." Lumapit ako at sinuri ang gown.. "Masyadong.. Maraming designs. No. I won't wear that."
"Eh ano bang gusto mo?" Tanong ni daddy
"Yung plain lang! Ayoko ng ganyan!" Sabi ko..
"Pero.. Plain na to.." Sagot ni mommy
"Whatever." Pumunta kami sa kotse at pumunta na sa school..
-SA SCHOOL-
"Hi Beautiful,Goodmorning." Ganda naman ng pagbungad sakin ng gwapo 'kong boyfriend..
"Hi Handsome,Goodmorning!" Ngiti naman ako.. Ganda ng simula ng umaga ko eehh
"Oh? Buti naman wala na 'yung posas nyo." Sabi ni Kimberly
"Ah. Oo nga eeh. Nakakahinga na ako ng maluwag." Sagot ko
"Parang Nightmare ata yung nangyari kahapon. Buong araw ko katabi ang taong pinakaayaw 'ko." Sabi ni Ash at umalis na sya.. Sinundan naman sya ni Kim..
"Anong problema nun?" Sabi ko na lang..
"Wag mo na lang pansinin si Ash. Ganyan talaga 'yan sa lahat eh." Sabi ni Francis at hinawakan nyang kamay ko..
"Buti nakakatiis ka,noh?" Nakatingin pa rin ako kila Ash at Kimberly.. "Paano ka nakakatagal dyan? Eh napaka sama ng ugali nyan"
"Hahaha. Wag ka naman hard. May dahilan naman lahat ng ginagawa ni Ash ehh. Yung pagkilos nya? Yung pananalita nya? Personalities? Lahat,may reasons." Sabi ni Francis..
"Oh talaga? At ano naman ang reason na 'yon?" Tanong ko
"Sa ugali nya sa'yo? Di ko pa alam eeh. Tara dun sa canteen,papakainin kita ng pisngi mo." Sabi nya sabay ngiti
"Ha?" Anong pisngi ko? Pagkain na ba pisngi ko ngayun?
"Burger.." Sagot nya
2:30 pm.. Time na namin kay Professor Bagsik.. Este,Professor Marquez pala.. (Kaya naman naging bagsik dahil isang beses ka lang di makapagpasa,asahan mo ang lovely 3 na makukuha mo sa kanya)
"Psst." Si Ash,kinalabit ako at binigay sa akin ang bote ng c2.. "Pasa mo kundi sa'yo."
Tinanggap ko yung bote at binigay sa katabi ko.. "Pasa mo kundi sa'yo"
"Pasa mo kundi sa'yo."
"Pasa mo kundi sa'yo."
Nagpaikot-ikot na ang bote hanggang sa makarating na kay Mike.. Papasa nya na sana yung bote ng biglang lumingon ang prof naming mabagsik..
"WHY DO I HEAR PEOPLE TALKING?!" Ayan.. Nilabas nanaman nya ang mala-halimaw nyang boses.. Buong klase ay tumahimik ngunit bigla kaming nabulabog nung biglang magsalita ang isa samin ng..
"BECAUSE YOU HAVE EARS?"
At dahil sa narinig namin.. Lahat ay tumawa.. Sino ba naman kasing hindi matatawa kung yun yung unang beses na may nanghamon sa halimaw momg professor at ganun pa? At dahil din dun..
"LAHAT KAYO! HINDI KAYO MAKAKAGRADUATEEEEEEEE!!!!!" Sigaw ni Prof at sa sobrang takot naming lahat.. Nagtakbuhan kaming lahat sa labas..
"Tyak may singko na tayo kay prof."
"Nakoo. Ayoko. Last na sana natin 'to."
"Papatayin ako ng magulang ko pag nagkasingko ako." Bulungan ng mga ka-block mates ko..
Next day.. 3:00 pm.. Kay Professor Bagsik..
"Walang aamin?!" Pinapaamin kami ni Prof kung sino daw nagsalita kahapon.. Well,sa sobrang takot namin sa singko,talaga namang walang nagsasalita.. "Aba.. Wala talagang aamin haa.. Sige! Lahat kayo,magkakaroon ng singko! Wala pa ring magsasalita?!" Kahit anong gawin ni Prof talagang walang aamin sa amin kaya ,walang mapapala si prof.. "Sige,ginagalit ninyo ako ha?! Pasensyahan tay--"
Napatigil si prof ng narinig si Ash na nagsalita.. "Prof,Sorry. Ako po talaga 'yung nagsalita eeh."
"What?"
"Si Ash?"
"Parang di naman nya kaboses."
"Ang lakas naman ng loob nyan"
"Baka nagjojoke." Naririnig kong bulong galing sa kanila..
"So.. Mr. Smith,ikaw pala. Buti lumabas ka na? Humanda ka sa singko mo!"Sigaw ni Prof kay Ash. Ano ba naman kasi re? Pinanganak na ba 'tong sira't kalahati? Sino tanga aamin ng ganun?!
Yumuko si Ash at sumagot ng.. "Sorry na prof. Di na po mauulit."
"Ah talaga! Baket?! Kung di ba kita bibigyan ng singko,uulitin mo pa?!"
"Ah oo." Sabi ni Ash sabay ngiti
"RAAAAAAAA! LUMAYAS KAAAAA!" Sigaw ni Prof at hinawakan ang eraser ng board
"Wala ako sa bahay. Bakit ako lalayas?" Sagot ni Ash
"UMALIS KA!" At hinabol ni Prof si Ash ng eraser na 'yun. Nakaabot sila hanggang sa labas.. Hahahaha aszxctigg.. Pero mukha pa rin syang high school sa inaasta nyang ganon..
-SA CANTEEN-
"Ginawa mo 'yon? Bugok ka talaga! Paano nga kung bigyan ka nya ng singko,ha?!" Sabi ni Francis kay Ash
"Di nya kayang gawin 'yon." Sagot ni Ash
"Kaya nya 'yon! Mabagsik yun eh. Sira ulo ka talaga. Ikaw ba talaga nagsalita kahapon?" Tanong ko
"Hindi ah! Sinabi ko lang na ako para di na kayo madamay sa singko mode." Sagot ni Ash
"Abaaaa." Sagot naming tatlo nila Kim.. "Mabaet"
"Ash Smith eh." Pagmamayabang pa nya.
BINABASA MO ANG
Take your Destiny
Teen FictionPrologue. Hindi naman ako naniniwala sa destiny. Kase kung meron talaga non,Alam kong tayo lang din mismo ang gumagawa non. Ikaw ba? Naniniwala ka? Ako si Faye Angeline George. And.. Wait? Do I really have to take my destiny?