Chapter 9

97 1 0
                                    

Nang maihatid na ako ni Ash sa bahay namin,Nakangiting nagaabang ang mga magulang ko. Grabe talaga sila. Siguro,nageexpect nanaman sila sa amin.

"Ma! Pa! Bakit ganyan kayo makatingin?!" Nakakainis. Tyak kinikilig sila. Akala nila,may sweetness na nangyari sa amin

"Kamusta ang date,anak?" Tanong ni mommy at hinawakan ang kamay ko

"Success ba??" Natutuwang tanong ni daddy

Nilayuan ko lang sila at umupo ako sa sofa. "Anong success? Di ko gets."

"Anong base na?" Tanong ni Daddy

"Naka-home run na ba?" Dagdag naman ni mommy

"Ughhh! Ano ba kayo?! Diba dapat,pinoprotektahan nyo ko sa ganyan?!" Sigaw ko. Nakakapikon! Ano bang klaseng mga magulang 'to. Babae pa naman ako. Tsk.

"Anak,pinoprotektahan ka naman namin ng mommy mo. 'Yun nga lang,sa ibang lalaki. Pero kay Ash? Panatag kami. Isang buwan na lang naman,gr-graduate na kayo at ikakasal na kayo." Tinabihan ako ni daddy

"Oo nga naman. Ano? Anong base? 3rd base? Ano?" Naeexcite na tanong ni mommy

"Wala po! Ano ba kayo. Ni hindi ko nga sya boyfriend eh!"

"Kahit na. Fiance mo sya." Sabi ni mommy

"Nakakainis talaga kayo. Aakyat na ko." Tumayo na ako pero bigla nanaman nila akong inupo. "Ugh. Ano pa bang itatanong nyo?!"

"Kahit kiss? Wala?" Tanong ni daddy

"Wala po."

"Ehh.. Hug?" Tanong naman ni mommy

"Wala."

"HOLDING HANDS?!" Sabay nilang tanong

"Wala! Wala. Wala. Wala."

"Siguro naman,nanuod kayo ng movie,noh?" Sabi ni mommy

"Oo."

"Hay salamat. Atleast don,magkatabi kayo." Sumandal naman si Daddy

"Tsk. Pagod na ako. May pasok na bukas." Umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Nakapagpalit na rin ako ng damit pantulog. Napahiga na lang ako sa kama ko. Para akong hinagis. Parang gusto ko bumalik sa lugar kung saan ako dinala ni Ash. Naakaganda kasi. Parang gusto ko makasama si Francis doon. Hayy..

......

"Bakit di mo man lang sa akin nasabing ikakasal kayo ni Ash?! Kaibigan kita,diba?!"

"Hayaan mo ko magpaliwanag,Kim. Natakot lang ako."

"Kay Francis?! Nasabi mo ba 'to sa kanya?!"

"Natatakot ako."

"You should be!"

"Kim,I'm sorry. Alam kong dapat nung simula pa lang,nasabi ko na sa inyo para di na kayo mas masaktan pero--"

"You're not my friend anymore."

...

Woah! Hay salamat. Nananaginip lang pala ako. Akala ko,totoo na. Kinabahan ako dun ah. Dapat ko na kaya talaga sabihin 'to kina Kim at Francis?

ASH'S POV

I can't fall inlove with her. I love Kimberly. Ikakasal lang kami,di namin mahal ang isa't isa. Habang nagtatagal,mas nararamdaman ko na dapat ko na talaga masabi 'to kila Francis. Isa pa,magkaibigan kami ni Francis. Ano na lang ang sasabihin nya? Tsk. I hate this! Baka magalit sya. Baka mawalan ako ng kaibigan. Nakakainis naman oh.

Take your DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon