Chapter 1

208 2 0
                                    

FAYE'S POV
Nandito ako ngayon sa park. Namamasyal. Nagrerelax. At oo,ako lang magisa. Bakit? Kasi ayaw nilang sumama e. Pipilitin ko pa ba? Tsaka sarap kaya maglibot sa park habang magisa at kumakain ng ice cream!--

"ARAY!" ano ba naman 'tong lalaking to! Di tumitingin sa dinadaanan!!

"Oh." Aba. Di man lang nagsorry.

"Ice cream ko.." Hay nako. Bukod sa feel na feel ko yung moment ko,bago pa tong damit ko! At excuse me? This is LV tapos ganito?! "Ano ka ba naman,sir! Di ka ba sanay tumingin sa daan,Ha?!"

"Aba. Ako pa pinagsabihan? Baket? Tumitingin ka ba sa daan? Ha? HA?" ipamukha daw ba saken na ako may kasalanan? Walang respeto sa babae.

"Imbis na nag-so-sorry ka bakit mukhang ikaw pa may ganang magalit? Diba ice cream ko natapon? Diba damit ko natapunan?" Sabi ko sa kanya! Aba. Di pwedeng papaapi na lang ako,noh? Kota na nga pangaapi ng mga lalaki saming mga babae,dadagdag pa ba ko?

"Edi punasan mo. At 'yang ice cream mo? Bakit parang napakabig deal? Ginto ba yan? Ha?" sabi nito. Ano ba gusto nito ipamukha? Naaasar na ko ah.

"Hindi ka talaga magsosorry?" Tanong ko sabay pameywang

"Hinde." Matigas nyang sabi

"Hindi talaga?" Tanong ko ulit. Baka kasi nagkamali ako ng dinig e.

"Hindi nga! Go away,freak!" Sabi nya. Teka,ano daw?! FREAK?! Walang modo to ah! Tapos aalis?!

"HOOOOOOYYY!!" Tumakbo ako at hinabol ko sya sabay sabunot sa matigas at gulo-gulo nyang buhok

"ARRRRAAAAAAAAAYYYY!!!!" Sumigaw sya na parang babae na nanakawan sabay tanggal ng malambot kong kamay sa matigas nyang buhok "Why'd you do that?!"

"If you don't want to say sorry then pay me!" Aba. 5 pesos din kaya ang ice cream na yon.

"Say what? No,I'm not gonna pay you! What do you think of me?! CRAZY?!" Sabi nya at parang galit na galit na talaga

"Baket? Hindi ba? Bayaran mo na ko! 5 pesos lang yon,mukha ka pa namang mayaman. Siguro naman,wala lang 'yon sayo." Sabi ko sabay irap

Kinapa nya ang bulsa nya pero wala akong narinig na kumilansing kahit isang beses .. Nagkamot sya ng ulo at sinabing.. "Hmn. Pautang."

"Anong sabi mo?" Wait. Seriously?

"Pautang! Bingi ka ba?!" Sigaw nya

"5 pesos lang! Uutangin mo pa?! Ang poor mo naman!" Mukhang mayaman wala naman pala ibubuga

"Hindi ako poor,ok? Puro libo lang kasi pera ko at wala akong barya kaya pautang." Nilapit nya pa talaga mukha nya

"Oh really? At paano mo naman ako mababayaran,aber?" Sagot ko
"Basta. Basta! Bye!!" Sabi nya sabay takbo

"H-Hoy! Bwisit. Di pa sya nagsosorry ah?!" Tumakbo bigla? Nakakainis naman! Pero actually... Kahit na medyo suplado at mayabang sya..
Cute sya..

-SA SCHOOL-

Anong nangyayari? Bakit lahat,nakatitig sakin at nagbubulungan? Oo,maganda't matalino ako pero hindi ako famous. Ngayon lang 'to nangyari ah?

"FAAAYYYEEE!!" Si Kimberly,Kaibigan ko.

"Oh? Kim,bakit?" Tanong ko sa kanya,mukha kasing nagpapanic sya ee

"Halika!" Sabi nya sabay hila sa akin papuntang gymnasium

"Bakit ba?--OH MAY GOSH. Who did this?!?"

Ano 'to?! Ang buong gymnasium puro tarpauline na puno ng mukha ko at may nakalagay sa ibaba ng picture na 'WANTED'
"Sinong baliw ang gumawa nito?!" Sigaw ko habang nakatitig sa mga tarpauline. Nagulat ako dahil may tatlong lalaki na lumapit sakin at binuhat ako "T-Teka? Saan nyo ko dadalhin? Kim!!"

Take your DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon