FAYE'S POV
Well,Eto ako ngayon.. Nakakahinga ng maluwag.. (Wala na kasi si Ash) at nakaharap sa salamin.. Pinagmamasdan ang aking natural na kagandahan.."Hayy.. Grabe.. Di ko matake.. Ganda ko! Sobra.." Hayss.. Hinalungkat ko ang cabinet ko at nakita ko ang lumang diary ko.. Pagbuklat ko.. Nakita ko agad ang..
"February 13
Dear Diary,
Break na kami ni Jerome!! Why o Why?! Lahat naman,ginawa ko ah?! Baket? Diary,can you please tell me what did I..... BLAHBLAHBLAHBLAH.."
"O.A. ko pala dati." Napasabi ko na lang. At syempre,dahil na-excite na ako.. Nilipat ko pa next page.."February 14
Dear Diary,
Nagpunta ako sa mall.. Super daming couple at syempre dahil bitter ako,binubulungan ko sila na walang forever dahil wala naman talaga.. Bwisit si jerome eh. Gandang pagsalubong ng break up namin kahapon sa valentines ko.. BLAHBLAHBLAHBLAH"
Next page..
"February 15
Dear Diary,
SAY SOMETHING! Nakipagbreak ka bago magvalentines tapos makikipagbalikan ka after valentines kase nagtitipid ka?! The f! BLAHBLAHBLAH.."
Napalunok talaga ako sa nabasa ko... Di ko alam,na-experience ko pala yung ganun? Hahahahahaha. Sinara ko na lang ang diary ko at itinagong muli saka ako humarap muli sa salamin at fineel ang moment.. Ang kagandahan ko.. The hair.. Suklayin.. Polbo..
"Grabe. Di nako mag-me-make up. Kawawa naman ibang babae sa mundo,mapagiiwanan." Saka ako natulog.. Bukas kasi,may pasok nanaman..
7:00 am sa school.. Sinalubong ako ni Francis at niyakap..
"Goodmorning,Beautiful!" Niyakap nya ako at syempre,feel na feel ko 'yung 6 pack abs nyaaaa! Iiihh.
"Aga naman pampagoodvibes nito!" Nginitian ko sya pagkatapos ay hinawakan nya ang malambot kong kamay..
"Laro tayo?" he asked
"Ng?"
"Hmmmmmnnnnnn.........ah! Volleyball!" Sigaw nya kaya naman nang lumingon ako sa likod.. Nakatingin ang maraming tao. Ingay kasi ni Francis,pero ok lang! Cute naman ee.
"Your voice.. Teka,Tayong dalawa lang?" Please say yes. I wanna spend my day with you. Only with you.
"Don't worry. I could call Ash and his girlfriend,Kimberly. If you want. Do you?"
"Ahh! No. I. I wanna play only with you." Ngiti naman ako,syempre. At pinakita din nya ang napakalinis,puti at kintab nyang ngipin sa akin gamit ang kanyang ngiti. Hayy. Heaven.
Pumunta kami kaagad sa volleyball court para maglaro. Ang galing din pala nya mag-volleyball. Ang saya-saya namin kahit na medyo nadadapa dahil ayaw namin syempre magpatalo. Hehe. Halos 1 hour na rin siguro kami naglalaro pero nagulat ako ng may sumalo ng bola na dapat ay sasaluhin ko."Ash!" Sigaw ni Francis
Lumingon ako sa aking likod at oo,si Ash nga. Ang pinakamayabang na nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko.
"Bakit nandito ka?" I asked him. Panira ng moment eh. Feel na feel na namin oh? Kailangan ba talaga,every scene namin ni Francis,kasama sya? Tsk.
"Hindi man lang kayo nang-aya." Sagot ni Ash at hinagis sa akin ang bola saka ko sinapo. Nabigla ako kasi ang lakas ng impact pero syempre,dahil magaling ako,nasapo ko.
"Oo nga! Faye,ha! Nakakalimot." Asar naman ni Kim habang nakangiti.
"Sorry Guys." Inakbayan ako ni Francis. "Pero gusto lang talaga namin magkaroon ng oras na kaming dalawa lang." Dagdag pa nito.
"At wala ka,Ash." Tinitigan ko lang si Ash at nakita ko ang kamay nya,handang sumuntok. Di ko na lang pinansin. Alam kong kahit na kalmado sya sa panlabas ay puno naman ng galit sa loob.
"Oooh! Hard mo naman. Hahaha. Gusto lang din namin mag-laro.. So... Don't worry. Gusto nyo,2v2? Couple vs another couple? Hmn? What do you think?" Sabi ni Kim habang nakangiti.
Nagtinginan na lang kami ni Francis at napilitan um-oo. Ano pa nga ba ang magagawa? Galit na si Ash. Baka mag super saiyan pa 'yan kapag tinanggihan namin ang alok ni Kim. Kaya nagsimula na kami ng laro. Laging kami ang nadadapa pero worth it dahil hindi nila natitira. Hindi ako papatalo sa kanila,noh? Excuse me! Captain ball ata 'to. Ng sinerve ko,balak ko talagang ipatama sa mukha ni Ash ang bola. Or sa noo baka kasi kulang sa pukpok yang ulo nyan kaya ganyan ang ugali.
"Humanda ka Ash." Bulong ko
*BOOOOOOGGGGSSSSHHHH!!*
"KIMBERLY!" Sigaw ni Ash..Oh my god! Si Kimberly ang natamaan!! What Have I done?! Nahimatay sya!
"Dalhin nyo sa clinic! Wag nyo na titigan!!" Sigaw ko kila Francis at Ash parang mga tanga e. Tinititigan pa yung nahimatay! At nung sinigawan ko sila,Tyaka pa lang binuhat ni Ash si Kimberly at itinakbo sa clinic.
After 20 minutes,nakarating na rin kami sa clinic. Grabe! Nakakapagod. Umakyat na lang kami ng hagdan kasi sa elevator,punuan eeh. Bakit ba kasi nasa taas pa 'yang clinic. Hayst.
Naghintay pa kami ng another 15 minutes bago magising si Kim.."Babe? Faye? France?" Bumangon si Kim at nilapitan ko agad sya..
"Kim? Kimberly? Sorry ha. I didn't mean it. Sorry. Sorry talaga! Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Laki ng bukol nyaa. Hehe. Pero bagay. Choss!
"Ah. I'm fine. Don't worry about me. I'm okay. Really." Sagot nya habang hinihimas ang nuo nya na merong bukol..
"Babe! Babe,sorry. Dapat sinapo ko yung bola eh. Sorry." Sabi ni Ash at hinalikan nya ang noo ni Kim.
"Hehe. Napalakas ata 'yung pagseserve mo,babe? Hehehe." Pang-aasar pa ni Francis habang niyayakap ako.
"Ehh sa pagod siguro,na-gave ko na lahat ng lakas ko dun." Palusot ko pa. Aba syempre. Alanganaman sabihin kong sinadya ko at para kay Ash yon! Baka natapok pako.
"Hehe. Okay lang. Don't worry about it. Bukol lang 'to. Motto nga ng matatanda,Malayo sa bituka." Ng sinabi ni Kim 'yon? Tumawa na lang kaming apat ..
BINABASA MO ANG
Take your Destiny
Teen FictionPrologue. Hindi naman ako naniniwala sa destiny. Kase kung meron talaga non,Alam kong tayo lang din mismo ang gumagawa non. Ikaw ba? Naniniwala ka? Ako si Faye Angeline George. And.. Wait? Do I really have to take my destiny?