FAYE'S POV
Dun sa nangyari kanina,Hindi ako makapaniwala. Buntis si Kimberly? Hindi ko talaga maintindihan. At.. Si Francis? Si Francis ang tatay? 2 months na daw,so ibig-sabihin,kami pa ni Francis at sina Ash at Kimberly pa nung nangyari 'yon. Nagtraydor sila sa amin. Sa nakita at narinig ko kanina,bigla akong naawa.
Kahit ilang beses nya pa ako awayin,hindi ko sya magagawang patulan dahil buntis sya. Binabalak ko na nga sampalin sya eh pero may pumipigil sa akin. Akala ko dahil lang sa kaibigan ko sya,'yun pala dahil sa buntis sya.
"Hon,Okay ka lang?" Niyakap ako ni Ash,hindi kami makapaniwala.
"Oo." Lumunok muna ako. "Ikaw?"
"Di pa din ako makapaniwala. May nangyari na pala kay Kimberly at Francis."
Humarap ako sa kanya. Naisip ko,Nagselos kaya si Ash?? Kahit konti lang. Nakaramdam kaya sya nang inis? "Oo nga eh. Ash.."
"Hmn?" Tatanungin ko ba o tatanungin ko? Ah. Tatanungin ko.
"Nagselos ka ba sa nalaman mo kanina?"
Tumaas ang isa nyang kilay,sigurado nagtaka sya sa tinanong ko. "Bakit naman ako magseselos?"
"Wala. Siguro.. Kase.. Ah wala." Hindi ko masabi eh. Mahirap. Pero siguro,tama na rin ang nangyari na 'yun.
"Ahhh..... Pero alam mo? Feeling ko,tama na siguro 'yung nangyari na 'yun sa kanila." Anong sinabi nya? Paano naging tama 'yun?
"Ano? Pano?"
"Kasi in that way,nakahanap na rin sila nang ibang taong mamahalin." Sa narinig ko,oo. Siguro nga,tama. Pero mali e. Mali pa din. Ah ewan! Wala akong masabi. Hindi ako makasagot. "Diba?" Hinalikan nya ako sa pisngi at niyakap ako. Humarap ako sa kanya,talagang mukha syang okay. Sa bagay,tama nga sya. Kung kay Francis naman mapupunta ang bestfriend ko,panatag talaga ako.
Minsan ko na rin kasi naramdaman kung paano magmahal si Francis. Mas gugustuhin pa nyang masaktan kaysa manakit. Lahat,isasakripisyo ni Francis lumigaya lang ang taong mahal nya. Sa sinasabi ni Francis kay Kimberly kanina,nakita kong gusto nya rin si Kim. Nakita kong parang gusto nya rin yun. Siguro dati,hindi dahil kami pa. Pero sa nalaman nilang ikakasal na kami ni Ash,oo.
Mahal ni Kimberly si Ash,kung pwede nga lang isusuko ko na eh. Pero anong magagawa ko? Ang mga magulang na namin ang nagdesisyon. Wala naman akong laban. Tsaka.. Binigyan rin ako ni Ash nang sing-sing at tinanong nya ako kung gusto ko syang pakasalan,oo ang sinagot ko. Hindi ko na 'to pwedeng takasan. Pero nasasaktan na si Kim nang sobra!
Pero.. Lagi ko na lang syang pinagbibigyan eh. Siguro panahon na para sya naman ang magbigay sa akin. Nagmamahalan na kami ni Ash,sya lang ang tutol sa aming dalawa. Wala nang makakapigil dito. Kailangan na lang nyang tanggapin.
KIMBERLY'S POV
Sana pinatay na lang nila ako. "SANA PINATAY NA LANG NILA 'KO!" Sana sinaksak na lang nila ko para hindi ko na maramdaman kung gaano kasakit. Hindi talaga 'ko mahal ni Ash! Bakit ba kasi hindi ko matanggap-tanggap 'yon?! Ganun na ba talaga ko katanga sa pag-ibig?! "Pwede bang... May magsabi sa akin na.. Na.. Na sana.. Sana iba na lang minahal ko... Bakit ba kasi hindi nila sinabi na ikakasal na sila eh.. Ang hirap tuloy!!!"
"Ako na lang." Huh? Sino 'yon? Si.. Francis.. Paano nya nalamang nandito ko sa park?
"Pano mo nalamang nandito ko." Nandito ba sya para bwisitin nanaman ako?! Nasira ang plano ko dahil sa kanya!
"Hindi na importante 'yon." Tinabihan nya ko,aatras sana ako pero hinawakan nya ang bewang ko. "Kim,Sa ating dalawa 'yan. Pwede bang magsama na lang tayo?" Tumingin ako sa mata nya. "Nagmamakaawa ako." Napakasakit pala. Paano naman ako o-oo? Hindi ko sya mahal. Ayoko sa kanya. Siguro nga,sya ang tatay ng anak ko pero kahit na! Hindi ko sya mahal! Hindi ko sya gusto! Hindi ko ginusto ang nangyari sa amin!
BINABASA MO ANG
Take your Destiny
Teen FictionPrologue. Hindi naman ako naniniwala sa destiny. Kase kung meron talaga non,Alam kong tayo lang din mismo ang gumagawa non. Ikaw ba? Naniniwala ka? Ako si Faye Angeline George. And.. Wait? Do I really have to take my destiny?