Chapter 14

33 1 0
                                    

Nandito na nga kami ni Francis sa bahay nina Ash.. Ang lalaki na'yon agad ang bumungad sa amin..

"Oh? Kua Francis!" Nagyakapan si Francis at 'yung lalaki. "Sino 'yang kasama mo? Girlfriend mo?"

"H-Ha? hindi ah." Sabi ko

"Ah hahaha ito ba?" Tinuro ako ni Francis. "Sya si Kimberly,Girlfriend ni Ash. Hindi ba nya nababanggit sa'yo?"

Ngumiti na lang ako sa kanya pero sa mukha nitong lalaki,gulat na gulat talaga sya. "Ito?! Girlfriend ni Kua?! May girlfriend si kua?!" Biglang-bigla sya. Parang di talaga sya makapaniwala. As in,di sya makamove on.

"Ahm? Maganda naman ako. Papatusin naman ako ng kua mo." Sagot ko habang nakangiti

"Ah. Papatusin ka? Oo. Maganda ka rin. Pero wala kasi talagang nababanggit si kua na may girlfriend sya eh." Sabi nung lalaki

"Ah ganun ba. Haha by the way,Arren this is Kimberly." Pinakilala nako ni Francis,sa wakas.

"Nabanggit mo nga." Sagot naman nito

"Tsk! Pagsalitain mo ko! Hahaha!" Binatukan pa ni Francis "And Kimberly,this is Arren. Kapatid ng boyfriend mo."

"Hi." Nakangiti kong pagbati

"Kanina pa tayo nag-uusap dito,ngayon ka lang nag-hi." Aba. Suplado pala 'tong kapatid ni Ash! Tss. I can't believe it.

"Eh kas--"

"Hep! Tama na 'yan. Sige na,tama na." Buti na lang inawat na ko ni Francis! Kung hindi baka nabatukan ko na 'yang Arren na yan. Grabe. Di namana yung kabaitan ni Ash.

"Okay." That Stupid Smirked. "Ano ba pinunta nyo dito?"

"Si Ash.--"

"Oh. Yeah,I know. Nawawala." Hindi man lang nya pinatapos pagsalitain si Francis. Wala atang modo.

"Nasaan ba sya?" Tanong ni Francis

"Dun. Sa resort." Nilagay ni Arren ang mga kamay nya sa mga bulsa nya at parang walang nangyayari.

"Saang resort?" At dahil di ko na makayanan pa,Nagsalita na rin ako. Nasa resort lang pala 'tong boyfriend ko,bakit di man lang nya naisipang tumawag?!

"Alam na ni Kua Francis 'yon." Tumango sya na parang nakikipag-usap gamit ang tingin.

"Yung pinuntahan natin last year?" Tanong ni Francis

"Oo." Sagot ni Arren

"Teka. Eh kung nasa resort sya,bakit hindi man lang sya magawang magparamdam?!" Napasigaw na ko. Di ko na napigilan ang sarili ko.

Lumingon si Arren sa paligid nya at nilapit nya ang mukha nya kaya nilapit rin namin ang mukha namin. "Hindi lang kasi si kua ang tao don. Dalawa sila."

"Ano!? Sino yung isa?!" Sabay naming sabi ni Francis

"Si Ate Faye." Nagulat ako. Si Faye at Ash? Magkasama sa iisang resort sa loob ng walong araw?

"Sira ulo ka ba?!" Inambaan ni Francis si Arren pero pinigilan ko sya.

"Hindi ako sira ulo. Sinabi ko lang ang totoo." Sagot nito. Kampante si Arren kahit nakaamba sa mukha nya ang kamao ni Francis.

"Pero bakit naman magsasama sila sa iisang resort? At bakit hindi rin namin sila macontact?" Tanong ko at nilayo na rin ni Francis ang sarili nya kay Arren

"Hindi nyo ba gets?" Inayos nyang damit nya. "Tinanggalan sila ng cellphone,telepono o kahit anong gadget para wala silang macontact at ni-lock sila don ng hindi nila alam! Sinet up sila!"

Take your DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon