Brix POV
Nasa bar ako ngayon at nasa resort naman si Andrea. Ayaw niya raw sumama sakin.
"Oh brix? Bat andito ka?"salubong sakin Sandra.
"Wala lang. A little boredom" sagot ko sa kanya.
"Kumusta na nga pala si Andrea?" tanong niya sakin.
"Okay na siya" sagot ko sa kanya.
Kumuha ako nang isang tequila. At saka ito isinalin sa baso. At naupo ako sa tabi ni Sandra.
"Brix? Wala ka bang balak na hanapin ang pamilya ni Andrea?" tanong sakin ni Sandra
Napatingin ako kay Sandra. At saka umiling.
"Dito muna siya hanggat wala pa siyang naaalala." sagot ko sakanya.
"Paano kong walang siyang maalala? Ibig sabihin ba nun dito na siya habang buhay?" tanong niya sakin.
Paano nga ba?
"Hindi ko alam." sagot ko sa kanya. At saka ininom ang tequila na hawak ko.
"Brix gumawa ka na nang paraan na mahanap ang pamilya niya. Sa tingin mo ba magiging masaya siya na wala siyang alam tungkol sa sarili niya? Hindi mabubuo ang pagkatao niya hanggat walang tao na makakapag paliwanag sa kanya kung sino ba talaga siya" paliwanag niya sakin
Napa buntong hininga ako.
"Sige. Bukas din magrereport ako sa pulis para sa paghahanap sa pamilya niya." sabi ko nalang kay Sandra.
At saka muling uminom nang tequila.
Ayokong mangako Sandra. Hindi ko maipapangako na gagawin ko yun. I dont know pero parang may something kay Andrea. I think i found the right girl for me. At hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sakin. Napunta siya sakin dahil may dahilan. Pagkatapos nang huli kong beses magmahal ngayon lang ulit tumibok nang ganito yung puso ko. Katulad nung dati nung nagmahal ako. I wont ler her go
Pagkatapos kong makapunta sa Bar ay bumalik na ako sa resort. Hindi naman ako naglasing. Uminom lang naman.
Almost 12am na rin nang makauwi ako.
Gising pa kaya si Andrea?
Pumunta ako sa cottage na tinutuluyan ni Andrea. Dahil sakin talaga ang pinaka malaking cottage resort. Doon talaga ako tumutuloy.
At dahil madalas ako dun ay may duplicate ako ng susi doon.
Binuksan ko ang pinto.
Dumiretso ako sa kwarto niya.
Tulog na pala siya.
Lumapit ako sa kanya. At saka ko siya tinitigan.
Ang ganda niya talaga. Yung inosenteng mukha niya.
Inalis ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya.
Sana maging masaya ka dito hanggat wala ka pang naaalala.
Pangako iingatan kita dito Andrea. Hindi kita pababayaan.
Pagkatapos nun ay hinalikan ko siya sa noo niya.
I tooked a deep breath at nahiga sa isang kwarto dito sa cottage.
BINABASA MO ANG
Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRL
RomanceNabitin kaba sa unang Ashamed ? May Book 2 na siya :) This is a modern fairytale. No happy ending . From: April 25, 2015 To: COMPLETED Written by: GitaristangAlien