CHAPTER 11 -She Suffer-

7.9K 155 12
                                    

Raine's POV

Its been one month. Gusto ko nang sumuko.

Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala sakin si Anne.

Kailangan ko na bang tanggapin na wala kana ba talaga Anne?

Bigyan mo naman ako ng sign kung dapat na ba akong sumuko?

Nasa terrace ako nang bahay namin at umiinom. Gusto ko lang makalimot  kahit ngayong gabi lang. Ayokong isipin na wala na siya.

"Tama na yan Raine!"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Mommy? ikaw pala yan!" pagkatapos kong sabihin yun ay ininom ko ang alak na nasa baso ko.

"Tama na yan Anak! Hindi yan makakatulong sayo." sabi sakin ni Mommy at saka ito tumabi sakin.

Napabuntong hininga lang ako at napatingin sa mga ulap.

"Mommy? Naiisip niya rin kaya ako?, Ligtas siya diba? Buhay si Anne diba?" tumawa ako nang pilit habang tumutulo yung luha "Alam mo ba Mommy? sabi niya sakin kapag bumalik siya aasikasuhin na namin ang kasal namin. Magpapakasal na kami. Yun talaga yung pangarap ko para samin ni Anne mommy."

At saka uminom ulit nang alak.

"Masakit ang katotohanan anak pero kailangan nating tanggapin yun."

Hindi na ako tumingin pa kay mommy. Nagsalin ako ng alak sa baso ko.

Iinumin ko na sana kaso biglang pinigilan ni Mommy ang kamay ko.

"Tama na yan."

"Konti nalang mommy. Konti nalang!" sagot ko kay mommy.

"Konti? eh pangalawang bote mo na nang alak to!",sabi niya sakin.

Tumawa ako nang pilit sakanya "Konti nalang Mommy makakalimutan ko na ang masakit na katotohanan na sinasabi mo. Gusto kong mawala yung sakit kahit ngayon lang. Kasi halos araw araw para akong pinapatay kapag natapos ang isang araw na wala man lang akong balita sa kanya." at tumulo na naman ang mga luha ko. "Sa araw araw na paghahanap ko unti unti akong nawawalan nang pag asa at habang nawawala ang pag asa ko pakiramdam ko unti unti na ring nauubos yung buhay ko." at saka ko ininom ang alak na nilagay ko sa basong hawak ko.

Hindi na nangialam pa si Mommy dahil na rin siguro sa mga sinabi ko.

Pagkatapos kong uminom ay pumunta na ako sa kwarto ko.

Nahiga ako.

Sa dami nang nainom ko pero parang walang epekto yung alak. Hindi ako inantok.

Nakatagilid ako sa may kanan ako nakaharap. Dahil hindi ako makatulog ay humarap ako sa kaliwa.

Nagulat ako sa nakita ko pero napangiti rin ako agad

Nakita ko siyang nakaharap sakin. At nakangiti.

Ang mga ngiting yun. Sobrang namiss ko yun.

"bumalik ka! Sabi ko na nga. You wont break your promise . myLabs sobrang namiss kita.!" sabi ko.

Yayakapin ko sana siya pero bigla siyang naglaho na parang bula.

Biglang nag init ang mga mata ko at kasabay nun ay ang pagtulo nang mga luha ko.

Hallucination ko lang pala yun.

Napayakap ako sa unan na nasa harap ko at kasabay na naman nun ay ang pagtulo ng luha ko.

Ano ba ang dapat kong paniwalaan?

Dapat na ba kitang isuko?

Dapat ko na bang tanggapin na wala kana?

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon