Anne POV
"Brix?"
OhmyGod!
Nakatali ang mga kamay niya. Tapos may tape yung bibig niya. May mga pasa rin siya.
Biglang tumulo ang luha ko.
Biglang itinulak nung lalaki si Brix palapit sakin.
Hindi ko siya mahawakan dahil sa nakatali yung kamay ko.
Tinanggal nung lalaki yung nakatakip sa bibig ni Brix.
"B-Brix? myGod! ayos ka lang ba? anong ginawa nila sayo?" maluha luhang tanong ko kay Brix.
"A-ayos l-lang ako!" sabi niya habang iniinda ang sakit nang katawan niya. "Ikaw ayos ka lang ba? Hindi kaba nila sinaktan?" tanong niya pa sakin.
Tumango ako habang tumutulo ang luha ko. Pati ba naman si Brix nadamay sa kamalasan ko?
FlashBack ...
Excited na akong puntahan si Raine. Sobrang namiss ko siya.
Pinuntahan ko siya sa resort. Sumakay ako sa tricycle.
Nakasakay ako sa tricycle nang biglang may humarang na sasakyan sa harapan namin.
Napatigil yung driver. Mula doon sa sasakyan na yun ay mga bumaba na mga lalaki na nakatakip ang mga mukha nila. Pinilit akong ipagtanggol nung driver na nasakyan ko pero wala talaga siyang laban sa apat na armadong lalaki.
Hinawakan ako nung dalawa sa magkabilang braso ko.
"Bitawan nyo ko!! Anong kailangan niyo sakin?" sabi ko.
pero babae lang ako. Anong laban ko sa kanila.
Nagpupumiglas ako ng biglang may humintong isang sasakyan.
Teka? Kotse ni Brix yun aa.
Bumaba ng kotse si Brix.
"Brix? Tulong!"
"Bitawan niyo siya!" sigaw ni Brix.
Nakipag suntukan si Brix. Para akong nanunuod ng action movie.
Pero wala kami sa isang movie para manalo si Brix. Nabubogbog na si Brix.
"Wag!!!! Tama na. Tama na!!! Ta-" napatigil ako dahil sa isang bagay na tinurok sakin at kadahilanan para mawalan ako nang malay."
End of Flashback...
"Patawarin mo ako Anne. Sorry! Kung sinabi ko lang sana sayo ng maaga yung totoo hindi tayo aabot sa ganito. Hindi ka aabot sa ganito!" sabi niya habang nakayuko.
"Naiintidihan ko Brix. Hindi ito ang tamang panahon para sisihin kita sa nangyari. Unang una hindi natin pareho ginusto na umabot sa ganito ang lahat!" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Sorry talaga Anne. Kung hindi ko lang sana inisip ang sarili kong kapakanan baka masaya kana ngayon sa piling ni Raine.", sabi niya.
Biglang tumulo ang luha ko nung marinig ko ang pangalan ni Raine.
Sana okay lang si Raine!
"Wala kang dapat ihingi nang sorry sakin. Malaki ang utang na loob ko sayo kasi inalagaan mo ako nung mga oras na wala akong malay. Binantayan mo ako nung oras na wala akong maalala. Salamat sa lahat Brix!" sabi ko.
Napalingon kami ng biglang may pumalakpak mula sa may pintuan.
Napatingin kami sa nakasandal sa may pinto.
"Wow! Pang soap opera! Magaling. alam niyo konti nalang maiiyak na ako!" sabi nito
BINABASA MO ANG
Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRL
RomanceNabitin kaba sa unang Ashamed ? May Book 2 na siya :) This is a modern fairytale. No happy ending . From: April 25, 2015 To: COMPLETED Written by: GitaristangAlien