Raine's POV
Nasa kwarto ako ngayon. Isinandal ko ang ulo ko at saka pumikit. Nang biglang mag ring ang phone ko.
Mommy Calling ...
"Hello Mommy" sagot ko
"Hello anak. Kumusta? Nasa Ross Resort kana ba?" tanong sakin ni Mommy
"Opo. Andito na ako. Kakarating ko lang po" sabi ko.
"Oh sige magpahinga kana. Take some rest and just relax okay?" sabi ni mommy sakin.
"Opo mommy" and i ended the call.
Ross Resort ..
Sounds familiar sakin yung Ross. Diko lang talaga matandaan kong saan ko yun narinig.
Nahiga ako at saka nagpahinga. buong gabi kasi ako walang tulog!
Anne/Andrea POV
Inilibot ko ang paningin ko sa bagong tutuluyan ko.
Maganda siya.
Malaki ang bahay ni Brix.
Ano pa ang dapat kung asahan? She owned a wonderful resort and sophisticated bar. Malamang maganda rin ang bahay niya.
I tooked a deep breath.
Anong klaseng pamilya kaya meron ako!? Masayang pamilya ba kami? May kapatid kaya ako?
Buhay pa kaya ang mga magulang ko?
At higit lahat may mahal na ba ako?
Napabuntong hininga ako.
ang dami katanungan ang gusto kong masagot ngayon. Pero paano? Gusto kong isipin lahat ng nakaraan ko pero wala talaga akong maalala. Kung meron man. Malabo naman.
Inayos ko ang mga gamit ko sa loob ng bago kong kwarto.
Brix POV
Nasa sala ako ngayon at hinihintay ang paglabas niya sa kwarto. Si
Manang Loleng kasi namamalengke pa kaya wala pa siya.
Bumukas ang pinto sa may taas kaya napatingin ako. Si Andrea palabas na.
Sakto naman na nakababa na siya ay dumating naman si Manang Loleng.
"Brix? andito kana pala." napatingin si Manang Loleng kay Andrea. "Siya ba yung sinasabi mo sakin?'" tanong ni Manang Loleng sakin.
"Opo" sabi ko.
"Maganda nga siya. Ano bang pangalan niya?" tanong ni Manang Loleng.
"Ako si Andrea. Magandang umaga po sainyo" pagpapakilala ni Andrea sa sarili niya at saka ito nagmano kay Manang Loleng.
"Oh siya kumain na ba kayo?" tanong sa amin ni Manang.
"Actually Manang hindi pa po." sabi ko.
"Kumain na kayo dyan sa kusina. may niluto akong almusal para talaga sa inyo?" sabi sa amin ni Manang.
Hinalikan ko sa pisngi si Manang Loleng "Salamat po! the best talaga kayo :)" sabi ko
"Sus! Binola pa ako. Kumain na kayo dun ni Andrea."
Pumunta kami sa kusina ni Andrea at saka kumain doon.
Habang kumakain.
"Matagal na ba na nagtatrabaho sayo si Manang Loleng?" tanong sakin ni Andrea.
"Oo matagal na siya sa akin. Actually siya na ang nagpalaki sakin."
ang dami naming napagkuwentuhan. Syempre tungkol sa buhay ko.
Pero ayos lang alangan naman siya yung mag kuwento.
BINABASA MO ANG
Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRL
RomanceNabitin kaba sa unang Ashamed ? May Book 2 na siya :) This is a modern fairytale. No happy ending . From: April 25, 2015 To: COMPLETED Written by: GitaristangAlien