CHAPTER 17 -Brix True Feelings-

7.3K 146 1
                                    

Brix POV

"Doc ano po? okay lang ba siya? Napapadalas na po kasi yung pag ganyan niya." sabi ko dun sa doctor na pinapunta ko sa bahay ko.

Medyo natawa siya. "Dont panic. Natural lang yan sa may retrograde amnesia. May mga bagay na maaalala siya kapag may mga bagay o pangyayari na makakapag alala nang nakaraan niya. Okay siya kaya wag kana mag alala." sabi nung doctor sakin.

"Salamat po!" sabi ko dun sa doctor.

Hinatid ko hanggang sa gate ang doctor at saka ako bumalik sa kwarto ni Andrea.

Naupo ako sa tabi niya at saka hinaplos ang buhok niya.

Andrea? Ano ba ang naaalala mo?

May naaalala kana ba?

Iiwan mo na rin ba ako? kagaya nang babaeng una kong minahal?

I tooked a deep breath at saka ako napapikit.

"B-Brix?" tawag sakin.

Napamulat ako dahil sa pagtawag sakin.

"Andrea gising kana?" sabi ko habang nakangiti ako.

"Oo! Okay na rin ako." sabi niya sakin.

Sasabihin ko na ba sa kanya?

Dapat ko na bang sabihin na mahal ko siya?

Ito na ba ang tamang oras? o masyado pang maaga.

"Andrea?" sabi ko.

"Bakit Brix? May problema ba?" tanong sakin ni Andrea.

I tooked a deep breath. Bago ako nagsalita.

"Andrea kasi i want to tell you something." sabi ko.

"Ano yun?" tanong niya sakin.

"Andrea i love you!" pag amin ko sa nararamdaman ko kay Andrea.

"Pe-pero Brix diba parang masyadong mabilis. Masyado pang maaga para masabi mo na mahal mo talaga ako. Unang una hindi mo pa ako gaanong kakilala. Ako nga hindi ko kilala yung sarili ko." sabi niya sa akin.

"I dont care kung wala akong alam sa nakaraan mo Brix. Ang importante sa akin Andrea ay ikaw. Kahit ano pa ang nakaraan mo tatanggapin ko yun. Tutulungan kita na hanapin ang pamilya mo Andrea basta hayaan mo akong mahalin ka." sabi ko.

"Sigurado kaba Brix?" tanong niya sa akin.

"Im sure!" sigurado ako.

Biglang nag ring ang phone ko

Tiningnan ko ang screen nang cellphone ko.

Raine Calling ...

"Hello"

"Hello Brix. Tuloy ba tayo mamaya?"

"Pasensya kana ha? Hindi kasi tayo matutuloy. Sumakit kasi yung ulo niya."

"Ganun ba? Sayang naman! Sige next time nalang. Pakisabi nalang sa kanya na magpa galing siya."

"Okay sige. Makakarating. Salamat!"

and i ended the call.

"Sino yun?" tanong ni Andrea.

"Kaibigan ko. Dapat kasi may dinner tayong tatlo ngayon. Kasi ipapakilala kita sa kanya." sabi ko sakanya.

"Ganun ba? Okay na rin naman ako. Sige. Lets have dinner together." sabi niya at saka akmang tatayo sana siya. Pero pinigilan ko siya.

"No! You need to rest. Saka na kita ipapakilala sa kanya kapag alam kong okay kana!" sabi ko sa kanya.

Tumango nalang siya sa akin bilang pag sang ayon niya.

Tumayo ako at palabas na nang kwarto niya.

Bago ako makalabas

"Andrea?"

"Hmm?"

"Bukas sisimulan ko na ang paghahanap sa family mo. Gagawin ko lahat para mahanap agad ang pamilya mo." sabi ko.

"Salamat Brix!" sabi niya at saka ngumiti sa akin.

Tumango ako at saka ngumiti sa kanya.

Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon