Brix POV
Kinuha ako at inilagay sa isang kwarto.
"Pakawalan mo si Anne!" i said and i grinned my teeth.
"Andito kana nga. Matapang ka pa rin! Tssh !"
"Paano mo nasisikmura na gawin to? ha? Russel?" tanong ko.
Oo tama! Si Russel. Si Russel ang may pakana ng lahat nang ito.
Hindi siya nagsalita.
"Oo nga pala! Kasi galit ka kay Raine diba? Kasi sinisisi mo siya sa pagkawala ng parents mo!" sabi ko.
Ngumiti lang siya.
"So pati pala ako napaimbestigahan mo na? Bilib ako diyan sa investigator mo. Mukhang detalyado.!" sabi niya.
Pinaimbestigahan ko na rin si Russel nung time na narinig ko siyang may kausap sa CR.
FLASHBACK ..
Nag iinuman kami ngayon dito sa bar ko. Bigla nalang pumunta si Raine at Russel. Pero ayos lang naman sakin.
Maya maya ay nagpaalam si Russel ba mag cCR daw muna siya.
Pero mga 10minutes na pero wala pa rin si Russel.
"Puntahan ko lang si Russel." sabi ni Raine.
"Ako nalang!" sabi ko.
Pumunta ako sa CR. Papasok palang ako ng marinig kong may kausap si Russel sa CR.
"Si Anne ang magagamit ko para makaganti. Oo kailangan niyong kunin si Anne. Pag lumabas siya ng bahay nila Brix. Kunin niyo na agad!" sabi ni Russel.
Napakuyom ako ng kamao.
At saka ako umalis ng CR
End of FLASHBACK ...
Simula nang marinig ko yun ay pina imbestigahan ko na ang pagkatao ni Russel. At hindi ko na basta basta pinapalabas nang bahay si Anne ng mag isa. Dahil alam kong ano mang oras ay pwedeng may basta nalang kumuha sa kanya.
"Bakit mo ba kailangan gawin to?" tanong ko.
"Diba ikaw na rin ang nagsabi? Kasi nga diba galit ako sakanya? Galit ako kay Raine!" seryosong sabi niya.
"Bakit? Ano bang ginawa niya sayo?" tanong ko
Naupo siya sa may harapan ko.
Seryoso yung mukha niya.
"Yun pala ang hindi alam ng investigator mo? Kung ano ang tunay na dahilan. Sige sasabihin ko. Si Raine ang may kasalanan kung bakit bumangga ang sinasakyan naming kotse noon nila Mommy."
FLASHBACK ...
"Ano? Paano naman ang graduation ni Russel? Kailangan mong pumunta sa graduation niya." sabi ni Mommy.
Nasa backseat ako ng kotse at nakahiga. Hindi alam nila mommy na gising na ako. akala siguro nila ay tulog pa ako.
"Nangako ako kay Raine. Uuwi ako! sabi ko sa kanya ako ang sasama sa graduation niya!" sabi ni Daddy.
"Pwede ba kahit sa graduation lang ni Russel maging sa kanya ka ng buong buo. Nang walang kaagaw. Bihira kana nga lang bumisita dahil sa trabaho mo. Yung graduation lang naman ni Russel ang importante e.!" paliwanag ni Mommy.
Hindi umimik si Daddy. Nanahimik lang siya at saka napapailing.
Dahil sa hindi pagsagot ni Daddy ay pinilit ni Mommy na kunin ang atensyon ni Daddy sa paghawak sa manibela.
Hanggang sa nag agawan sila at saka kami bumangga sa isang malaking puno.
Nalaglag ako sa ibang bahagi kung saan ako nakaupo. Nagkaroon ako ng sugat sa may noo ko dahil sa pagtama ng ulo ko sa matigas na bagay.
Sa kabila nang sugat ko ay tinawag ko si Mommy.
"Mommy?" tawag ko
niyugyog ko ang katawan niya pero hindi siya nagising. At ganun din si Daddy. Umiyak nalang ako dahil wala akong magawa.
Bata lang ako.
Maya maya ay may sumaklolo sa amin. At pagdating sa hospital ay doon na nakompirma na patay na nga si Mommy at si Daddy.
Hahanapin kita Raine. Ikaw ang may kasalanan nang lahat ng ito.
End of FlashBack ni Russel.
"Kaya nga pinilit kong makilala si Raine. Pinilit kong hanapin siya. Kinausap ko ang mommy niya at sinabi kong gusto ko siyang makilala. At nung nakilala ko na siya. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya gagantihan. Pero sadyang mabait sakin yung tadhana bigla kong nabalitaan na nawawala pala ang pinakamamahal niyang babae. pero sa tingin ko hindi pa sapat yun kaya gusto ko makita kung paano siya masaktan. kung paano siya mahirapan. Tapos nakilala ko pa si Anne. sabi ko ito na yung pinakamasakit kapag hindi niya na nahanap ang babaeng mahal niya. Mararamdaman niya kung paano mag isa. Kagaya nang nangyari sakin. Ngayon nakikita ko na kung paano siya naghihirap. Unti unting lumuluwang ang sama ng loob ko. Ngayon sisiguraduhin ko na hindi siya magiging masaya." sabi niya
"Oo tama ka! Hindi magiging masaya si Raine at hindi ka rin magiging masaya!" pang iinsulto ko sa kanya.
Bigla niya akong sinuntok at nakita ko sa mga mata niya yung galit. Puno nang galit.
Authors Note:
Sorry ngayon lang nag update. Medyo tinamad. haha xd
BINABASA MO ANG
Ashamed Book 2 (SPG) GIRLxGIRL
RomanceNabitin kaba sa unang Ashamed ? May Book 2 na siya :) This is a modern fairytale. No happy ending . From: April 25, 2015 To: COMPLETED Written by: GitaristangAlien