29

79 4 0
                                    

Kitmatch

Last | Online

April 21 at 12:30 AM

Last
Hi, Pusaianaaaa

Magandang hatinh gabi HAHAHA

tao po

Grabeee online pero 'di ako nirereplyan awtsu

feeling ko galit ka dahil sa kahapon ng madaling araw

1:45 AM

Catriana
Stupid ang babaw ng dahilan

pero oo na nga 'di ba may point
ka mga 0.01%

Last
Nagbibiro lang naman ako about do'n HAHAHA

Bakit parang bad mood ka? Kamusta may nangyari ba?

Catriana
Meron, kaya nga nag papakalma muna ako bago ka kausapin. Kingina kasi

Last
Bakit ba? Anong nangyari?

how's your day?

Catriana
Nakakainis kasi. Ang dami kong pinack na order nung last time pa para lang sa iisnag buyer. Naintindihan ko mung nung una na hindi niya raw muna makukuha 'yong order kasi may problema pero tumagal at umabot 'yon ng halos 3 weeks hindi nga dapat gano'n eh, kung ibang seller hindi iyon papayag, pinagbigyan ko lang. Then kanina nag chat ako kung okay na ba para makapag meet up na at maibigay na ang order aba naman alam mo ba sabi, baka raw pwedeng icancel na lang at wala siyang pera

Bitch, in the first place bakit ka mag oorder kung wala ka naman palang pera. Nakakagigil alam mo bang halos sampu 'yong order niya tapos gano'n na lang. Ang hirap hirap kaya mag pack, mag isa lang ako tapos gano'n. Parang hindi nila iniisip na nag hihirap din kaming mga seller

Last
Oh kalma.

Huwag ka magalit. Nai-imagine ko tuloy sa'to tong galit na pusa

😾😾😾😾 katakot

Catriana
Seriously, Last?

Dinadagdagan mo lang ang inis ko, tado

Last
Ito naman. Joke lang. Kalma ka muna
Inhale, exhale

I understand your frustration, your feelings are valid. Walang madaling trabaho para ganunin lang.

Isipin mo na lang challenge 'yan. Pagkatapos niyan may magandang kapalit 'yang inis at pag hihirap mo. Fighting, Pusaaaa

Catriana
Wow. Hahaha thanks, Huli

Last
Isipin mo palagi na may magandang kapalit ang paghihirap para ma-motivate kang magpatuloy. I believe in you
❤️❤️❤️

Tsaka 'yong mga ganiyang klase ng tao karma na ang bahala sa kanila

Catriana
Grabe ka hahaha muntik na akong maiyak kanina la. Thank you, gumaan pakiramdam ko

Last
Oh kalma na ha huwag ka na magalit
😾😾😾

Catriana
lol, stop it HAHAHAHA

What Are We (Kitmatch #1)Where stories live. Discover now