88

67 2 0
                                    

Catriana Zaveri

Sa dami ng mga nagawa ko ngayong araw ni hindi ko namalayan na gabi na pala, nag laba, nag sampay at nag bantay sa shop. Linggo rin kaya marami-rami ang customers. Sinadya ko rin naman talagang maging abala ngayon dahil nga wala akong kausap.


Kung normal na araw lang ngayon katulad ng nakasayanan ko, sigurado akong kausap ko si Last ngayon at parang mapupunit na naman ang labi ko kakangiti habang nakikipag batuhan sa mga linyahan niya. Pero dahil umalis siya palabas ng bansa malamang ay hanggang ngayon nasa eroplano pa rin siya.


I streched my body and sighed. Umupo ako sa sofa at nakatingalang sumandal doon. Sandali akong natulala sa kisame at napanguso.


"Gosh, I miss him." I said out of nowhere.


Surely makakarating siya roon bukas pa.


"Nandito ka na pala, kumain ka na?" Lumingon ako ng marinig ang boses ni papa.


I smiled a bit and nodded.


"'Di pa, pa. Mamaya po unti, papahinga lang." I replied.


"Sige mag pahinga ka muna, siguraduhin mong kakain ka ha? Ang dami ng tao kanina sa shop, sigurado akong pagod ka." Dagdag ni papa. Tumango ako.


"Binilhan kita ng kakanin, oh. Kainin mo pagkakain ng kanin ha?" Lumapit sa'kin si papa at inabot ang supot ng plastik. I smiled widely.


"Opo, thank you papa!" He smiled and pat my head.


Pinaalalahanan niya pa ulit akong kumain bago ko raw kainin ang kakanin na binili niya bago siya umalis.


I chuckled. Wala pa akong ganang kumain ng kanin kaya nilantakan ko na lang agad ang kakaning binili ni papa. Kanin din naman ito, eh hahaha.  I can't help but to admire papa so much. Simula ng mamatay si mama siya na ang tumayong nanay at tatay sa 'kin. Hindi niya man sabihin pero alam kong ginagawa niya ang lahat para mapunan ang pagiging nanay at tatay at the same time.


Nang matapos kumain ay kinuha ko ang cellphone. Tinignan ko ang oras at napahinga ng malalim ng makitang alas otso pa lang.



Parang ayokong matulog hanggat wala pa akong nare-receive na chat kay Last. Nasanay akong nakikipag gaguhan muna sa kaniya bago matulog, psh. Inaabot kami minsan ng madaling araw sa pag uusap tungkol sa kung ano anong bagay minsan pa nga nag sisimula naman kaming mag usap madaling araw mismo.



I cover my mouth with my palm when I yawn suddenly.


I stood up and went to the kitchen. Nag sandok ako ng kanin at ulam tsaka umupo sandali. Siyempre kahit wala akong ganang kumain ng kanin kailangan ko pa rin kahit ilang subo lang. Ayoko lang din na walang laman ang tiyan ko pagkatapos ng nakakapagod na araw.


Niligpitan ko na rin ang mga pinagkainan ng matapos. Dala-dala ang cellphone ay pumasok na ako sa kwarto. I streched my body once again bago ako humiga. Hindi agad ako nakatulog kaya nagbasa muna ako ng mga huling napagusapan namin ni Last.


Nakangiti na parang tanga habang kinikilig minsan sa sariling mensahe. Nakatulugan ko iyon.


I woke up dahil sa paulit-ulit na pag riring ng cellphone ko. Maliit kong iminulat ang isang mata para makita ang oras at natawag.


Lia is calling and it's already 12 in the evening, really? Ang tagal kong tulog, gano'n ba ako kapagod? I wonder naroon na kaya si Last? Pero wala pa siyang chat sa akin. Umiling ako at sinagot ang tawag.


"Bakit?" Tanong ko sa inaantok na boses.


"Uhm. Cat, 'di ba sabi mo lalabas si Last ng bansa? Pagtapos ng graduation? Kahapon ba siya umalis?"


Kumunot ang noo ko at napa-bangon ng banggitin niya ang pangalan ni Huli. Parang kinakabahan pa kasi ang boses niya.


"Yes, Li. Kahapon umalis na siya, bakit?"


"Ibig sabihin siguro sa mga oras na'to naroon na dapat siya, right? Nag message na siya sa'yo?" She asked again.


Lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga tanong niya, naguguluhan na rin.


"Wala pa siyang chat, kakagising ko lang din eh. Bakit ba?"


"Kasi ano..Nakita mo na ba 'yong balita?"


Napabuga ako ng hangin, nag sisimula ng makaramdam ng inis. Bakit kasi ayaw niya na lang i-direct to the point?


"Ano ba kasing meron, Li? Kakagising ko nga lang 'di ba? Tsaka anong balita?"


"Cat...Hindi ko naman sure pero ano... kakabalita lang ngayong umaga na may nag crash na eroplano...ang sabi sa balita pa spain ang eroplano.."


Tuloy tuloy ang pagsasalita niya pero nablanko ako matapos marinig ang mga una niyang sinabi. Kumalabog ang dibdib ko at biglaang kumirot ang puso. Napalunok ako. Sa nanginginig na kamay ay pinatay ko ang tawag kahit paulit ulit ko pang naririnig ang boses ni Lia na nag aalala.


I shook my head. Paulit-ulit. Hindi naman sigurado. Wala namang kasiguraduhan kaya kumalma ka muna, Catriana. Naghahalo halo ang naiisip ko. Kakagising ko lang tapos ito ang bubungad?


I inhale and exhaled to help myself to calm down.

I opened one of my social media account and find the news about that plane crash. Bawat pag scroll ko sa screen ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib at kabang nararamdaman ko.


Tears suddenly fell on my cheeks when I saw how legit that news is.


The news was true pero hindi sigurado kung ito ang eroplanong sinasakyan ni Last hindi ba? Hindi siguradong ito iyon.


I cried. Ayokong maulit ang nangyari sa pangalawang pagkakataon.


My mother was actually died because of plane crash.

What Are We (Kitmatch #1)Where stories live. Discover now