Catriana Zaveri
Inabala ko ang sarili sa shop at sa school sa loob ng dalawang buwan na hindi pa rin kami nakakag usap ni Last. Bawat araw ay nag me-message pa rin ako kay Last lalo kapag talagang nami-miss ko siya naging routine ko na iyon halos.
Wala akong magawa kundi ang intindihin ang sitwasyon, nasa spain siya at nasa pilipinas ako. Ang huling balita ko kay Last ay iyon pang nabalitaan ko kay Jerome na okay daw siya at naka-confine sa hospital. Nag tanong ulit ako kay Jerome kung may balita ba ulit siya pero wala na raw...his brother deactivated all his social media account. Kinukumbinsi ko na lang din ang sarili na kaya hindi pa siya nag o-open ng social media ay dahil nga sa nangyari na kailangan niya talaga ng pahinga.
Ngayon kaya kumusta si Last? I hope he's totally fine now, it's been two months. Wala akong ibang pinang hahawakan ngayon kundi ang okay siya hanggang ngayon iyon pa rin ang mahalaga na kaya kampante ako kahit hindi ko siya nakakausap ay dahil sigurado naman akong okay siya dahil naroon na siya sa pamilya niya pero alam ko sa sarili na may kulang dahil hindi ko pa ulit siya nakaka-usap.
Sobrang miss ko na siya alam iyon ng nasa itaas. Mas lumalalim ang nararamdaman ko sa bawat oras na lumilipas kahit nawala ang komunikasyon naming dalawa.
Ipinilig ko ang ulo at ipinag patuloy ang plate na ginagawa. I streched my head at sinubukang mag focus pero napabuga ako ng hangin kanina pa ako rito pero ang utak ko ay lumilipas kung saan saan.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto, nag deretso sa kusina at kumuha ng baso. I opened the fridge at kumuha ng malamig na tubig. Deretso ko iyong ininom at muling huminga ng malalim.
"Tapos ka na?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Lia. Muntik pang mabitawan ang baso na buti na lang nakapag adjust agad ako kaya nahawakan ko iyon ng mahigpit.
"Shuta ka, nandito ka nga pala 'no?" Humalakhak ako. Siguro nga'y masyado ng malalim ang mga iniisip ko kaya pati si lia ay nalimutan ko na narito nga pala.
Umirap siya. Napatingin ako sa kabuuan niya, hawak ang cellphone at nakataas ang isang paa sa upuan habang may chichirya sa harapan.
"Lumabas nga ako para makapag focus ka 'di ba?" She replied sarcastically.
Hindi na lang ako nag salita.
Kumuha ako ng dalawang tasa at nag init ng tubig.
"Cofee or milk?" Tanong ko habang naka talikod sa kaniya.
"GSM may dala ako," She answered playfully. Nag salubong ang kilay ko at napatingin sa kaniya. Taas baba ang kaniyang kilay na akala mo nakikilag biruan ang kausap perl halatang totoo ang sinabi niya.
"Shut up, we're not going to drink." Sagot ko at bumalik sa ginagawa.
She laughed. "Weh? Final?"
"Li, may tinatapos akong plate." Seryoso kong sabi at sandali siyang nilingon, hindi nawawala ang mapag laro niyang ngiti at tanging tango lang ang ginawa.
YOU ARE READING
What Are We (Kitmatch #1)
Teen FictionWAW | epistolary novel Catriana Zaveri met Last Maniego on the app called 'KITMATCH' She doesn't care about him at first but every MIDNIGHT their conversation becomes deeper. A collaboration with @Baby_Cute_Sweetiepie