Catriana's Notes
6-30-22
Nakumpirma na iyon nga ang eroplanong sinakyan ni Last.
I don't know what to do. It's already five days and until now wala pa ri siyang message, wala pa ring balita sa kaniya. Ang sabi sa balita ay may mga namatay daw sa pagbagsak ng eroplano at merong ding naka survive kung saan siya nabibilang diyan? Hindi ko alam pero umaasa ako na sana ay ligtas siya. Naibuhos ko na ang mga luha ko at pakiramdam ko bawat luhang nailalabas ko ay unti-unti ring nababawasan ang pagasa ko.
Ang hirap pala ng ganito hindi ko alam kung paano makakahagilap ng balita tungkol sa kaniya. I tried to message his friends, hinanap ko sa fb account niya pero katulad ko wala rin raw silang balita pero sinusubukan daw nilang tumulong.
Wala akong magawa kundi maghintay ng balita tungkol sa kaniya. Sa ilang araw na lumipas ay hindi natatapos ang araw na hindi ko tatanungin ang kaibigan niya kung may balita na pero wala.
Nakita raw ang ilang katawan ng mga nawalan ng buhay at sa awa ng diyos, wala siya roon. Nakita rin ang ilang mga nakaligtas at sa kasamaang palad, wala siya roon.
Hanggat hindi siya nakikita bakit ako bibitaw?
Takot na takot akong maulit ang nangyari noon. Kinabukasan bago maibalita ang pag crash ng eroplanong sinasakyann ni mama pauwi sa pinas nakita namin agad si mama...iyon lang wala ng buhay.
Kaya bakit ko susukuan ito ngayon? Patuloy ang paghahanap sa mga pasahero at hanggat hindi siya nakikita hindi rin ako titigil mag hintay.
God please, save him.
Paano ko maipagtatapat sa kaniya ng harapan ang nararamdaman ko kung ganito? Ang plano ko pag uwi niya at katulad ng pangako ko ako ang kakaon sa kaniya, doon ko sasabihin ang tungkol sa nararamdaman ko pero paano na?
Saved
YOU ARE READING
What Are We (Kitmatch #1)
Teen FictionWAW | epistolary novel Catriana Zaveri met Last Maniego on the app called 'KITMATCH' She doesn't care about him at first but every MIDNIGHT their conversation becomes deeper. A collaboration with @Baby_Cute_Sweetiepie