CHAPTER 20

941 64 3
                                    

WARD'S POV

kasalakuyan akong nagdadrive nang mapadaan ako sa may bahay malapit sa bundok.Mas maganda siyang tignan pag maliwanag.Bumaba ako para makita ng malapitan.

"excuse me ma'am gusto nyo po bang pumasok sa loob mukha kasing gusto nyo makita yung looban?"tanong ng isang lalake sakin

"by the way i'm engineer leo"

"ah hindi napo baka nanjan po may-ari nakakahiya"

"madalang lang po magawi dito boss namin"

"ah ganon po ba pwede po ba pumasok"

"sure po tara po sa loob"

Mas lalong nakakamangha ang loob ng bahay.Halatang mga mamahalin lahat ng gamit.

"sabi ng boss namin regalo daw niya to sa taong pinakamamahal niya kaya minamadali niya ipatapos."

"ang swerte naman niya sa mahal niya"

"opo maswerte talaga si ma'am sa boss namin,nako ma'am kung makikilala nyo lang boss ko napakabait non"

Napatingin ako sa relo ko.Malilate nako sa meeting.

"ah alis napo ako engineer leo may meeting pa kasi ako"pagpapaalam ko dito

"sige po ma'am pag may oras po kayo balik kayo ulit para malibot nyo buong bahay"

"salamat po"

Nagmadali nako umalis.Gusto kasi ni dad na mapag-aralan ko yung paghawak ng IHG or intercontinental hotels group.

Buti nalang at umabot ako sa saktong oras.Nandito lang ako,sa may gilid ng room kung saan nagmeeting mga kasosyo nya sa company.At isa si tito hernan sa partnership ng company.

Ipinakilala na nga ako ni dad halos lahat may edad na sila.Mainit naman nila akong tinanggap.Balak nadin kasi magretiro ni daddy.Sa susunod na taon.

"our future CEO Ward Reinalyn"pagpapakilala ni dad sakin

"Congrats iha alam kong kakayanin mong patakbuhin tong kumpanya.Andito si kelly para tulungan ka siya ang COO dito"

"thanks tito by the way asan po pala siya"

"nasa office lang siya"

"ah sige po puntahan ko lang siya tito"

"sige"

San na kaya yung office niya "ah miss san banda yung office ni kelly dito"tanong ko sa babae "diretso lang po kayo ma'am then kumaliwa po kayo" sagot nya "ah okay thanks"

Ito na siguro yon.Kumatok muna ako bago pumasok

"hi"bati ko sakanya

"hey wardo di moko sinabihan na darating ka pala dito"sabay yakap sakin

""sorry naistorbo koba kayo mukhang may pinag-uusapn yata kayo"

Hindi ko makita itsura ng kausap niya nakatalikod kasi siya.

"no it's ok tapos nadin naman kami mag-usap"

Siya nga pala ipapakilala ko siya sayo si angee ang CIO

"hi" nankangiting bati niya sakin

Hindi ko maintindihan pero biglang bumilis tibok ng puso ko.Ang laki ng pinagbago niya lalo siyang gumanda.

"hi" ganting bati ko

"ah kells una nako may tatapusin pa kasi akong paper works"

"Ok baby,wag ka masyado magpagod"

Ningitian lang ako ni angee.Habang nagpapaalam kay kelly
Tama ba yung narinig ko tinawag niyang baby si angee.

"halika wardo maupo ka,kamusta kana?"

"ok lang naman,ikaw kamusta?akala ko sa newyork kana for goods"

"hindi may ginawa kasing kalokohan kapatid ko kaya dito nako nagstay for goods haha pasaway eh"

Marami din kami napagkwentuhan ni kelly marami din siyang itinuuro sakin pagdating sa trabaho.Sabay na sana kami aalis pero ang sabi niya magdidinner pa daw sila ni angee.

Hindi ko alam pero parang may tumusok sa dibdib ko.Bumalik lahat ng sakit nung makita ko si angee.Bakit parang ako lang yung nagdusa samin.Wala man lang ako nakitang pagsisisi sa mga mata niya.

Nagdadrive lang ako hindi ko alam san ako pupunta.Hanggang sa makarating nalang ako dito sa secret bar namin magkakaibigan.Kumuha ako ng alak kahit hindi ako umiinom naubos ko isang bote.Hindi ko akalain na ganon ako kabilis malasing.

"umuwi na tayo"boses ng isang babae

Hindi ko maaninag itsura niya siguro dahil sa kalasingan ko.Dun na nagblockout paningin ko.

*****

Puting kisame ang nakikita ko.Halos hindi ko maigalaw ulo ko sa sobrang sakit medyo umiikot pa paningin ko.Asan naba ako.Tinignan ko sarili ko iba na suot ko.Napabalikwas ako ng bangon."awtss sakit ng ulo ko"bulong ko sarili ko.

Ginala ko paningin ko sa kwarto mukhang mamahalin lahat ng kagamitan.Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas (ang isang dyosa.Patay naba ako bakit may anghel sa paligid ko)charot lang..

"anong ginawa mo sakin"

"wala kabang natatandaan kagabi?" tanong nya habang nakatitig sakin

"magtatanong bako kung meron"inis na sabi ko

"so hindi mo nga maalala"

Biglang bumukas ang pinto

"ward inaaway kaba ni angee"tanong ni kelly habang may dalang  tray na may inumin at gamot para hangover

"di ko siya inaway kells"

"ano bang naisipan mo wardo at nagpakalasing ka mabuti nalang at nakita ka ni angee."

"oh eto inumin mo muna para mawala sakit ng ulo mo"

"kells hindi nako sasabay magbreakfast sainyo kailangan kuna umuwi"

"are you sure bakit kailangan mo pang umuwi eh pwede ka naman magstay dito kasama ko"

"sige na alis nako"sabay halik sa pisngi ni kelly

Nag-iwas ako ng tingin.Ayoko makita paglalandian nila sa harap kopa talaga.

"bye ward wag kana maglalasing kung di mo kaya ah"nakangiting sabi ni angee

Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano.Inaya nako ni kelly na bumaba para.makakain ng almusal.

Gusto ko,sana itanong kung anong meron sakanilang dalawa ni angee.Pero di ko nalang tinanong.

Nagpaalam nadin ako kila tito at key na uuwi nako.Ang laking abala pa tuloy nagawa ko.

"sure kaba na kaya mong magdrive kung hinde ipapahatid nalang kita ward"tanong ni kelly sakin

"yeah kaya ko na and thank you pala key"

"magthank you ka kay angee"ngiting sabi niya

Tumango nalang ako sakanya.

Nakarating nako ng bahay,hanggang ngayon ramdam ko padin ang hangover.Ayoko na talaga tumikim ng alak!.

CONTINUE.....




Falling Inlove With a Straight GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon