Agad akong naligo at nagpalit ng damit pantulog. Habang naliligo ay pansin ko ang pamumutla ko. Wala naman akong sakit.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito kasi baka sa stress at pagod lang di'ba?Magbabasa pa sana ako ng libro dalawin ako ng antok. Napapansin ko na to nitong mga nakaraang araw.
Dahil sa antok ay agad na akong humiga sa kama at natulog ng hindi umuuwi si Lorcan.
Nagising ako nang parang may humukay sa sikmura ko. Agad akong tumakbo papunta sa banyo at doon inilabas. Puro lang naman tubig.
Nagpahinga muna ako saglit bago pumasok sa banyo at naligo. Nagsuot ako ng pantalon at turtle neck.
Pagbaba ko ay halos umigting ang tenga ko ng makita ang isang babaeng naka denim short at spaghetti strap. Yung sekretarya ni Lorcan. Bakit siya narito?
"Ah hon. Si Desiree pala. My secretary" pagpapakilala ni Lorcan rito.
"Walang nagtanong"pambabara ko at pumasok sa kusina.
Agad akong naupo sa upuan na nasa dining. Sumund naman sa akin ang dalawang hayop.
"So bakit ka narito? Hindi naman to bahay panuluyan para pasukin mo na lang basta-basta?" tanong ko.
"Uh. Naflat po kasi yung kotse ko kaya pinatuloy muna ako ni Boss rito" sagot niya.
"San ka natulog? Sa tabi ba niya?" tanong ko at natigilan naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/314045023-288-k696366.jpg)
BINABASA MO ANG
HIDDING MY SON FROM MY HUSBAND
Romance"Hon, I have a news!" sigaw ko sa husband ko. "Let's divorce, Mal. I got Desiree pregnant" sagot nito na ikinabigla ko. Yet I am pregnant with his child too?!