Ang mga #TEAMBAHAY d'yan, paniguradong inggit na inggit sa mga nakikita nilang posts ng mga friends nila sa mga social media sites tungkol sa bakasyon nilang 'meaningful' 'masaya' 'may nararating'.
Syempre, sino ba namang hindi maiinggit na ang mga kakilala nila e, nasa beaches. Nag-a-island hopping. Nagpapa-tan. Habang ikaw e tambay sa harap ng computer, nagpapawis, walang ligo, nananaba. Ang lupit ng mundo, 'di ba?
Kaya kung ako sa'yo imbes na humilata ka lang d'yan at ma-heatstroke, bakit hindi ka magtinda ng halo-halo sa labas ng bahay niyo? Nakalanghap ka pa ng sariwang hangin, nagkapera, at! nakatulong pa sa kapwa dahil malalamigan sila dala ng produktong binebenta mo. Ayos 'di ba?
Pero wala ka kamong puhunan? Mangutang sa magulang! Sabihin mong babayaran mo rin naman kapag nakabawi na ang negosyo mo.
Ang kaso naiinggit ka pa rin sa mga pumupunta kung saan-saan para maggala? Edi gumawa ka ng kariton saka mo ilako ang halo-halo mo! Nakalanghap ka pa ng sariwang hangin, nagkapera, nakatulong pa sa kapwa dahil malalamigan sila dala ng produktong binebenta mo, at! nakapasyal ka pa.
O, 'di ba? Hashtag Team Bahay No More ka na!
