Story of my life in cyber world

251 13 8
  • Dedicated kay sa mga may sama ng loob
                                    

Sa una masaya. Sobrang saya. Marami kang nakikilalang mga tao na kung saan-saang lupalop nanggaling. Mga strangers no'ng una pero halos naging bestfriend mo na.

Pero patagal nang patagal, nawawala 'yong sigla. Nawawala 'yong 'friendship' na tinatawag. 'Yong wala nang pansinan. Lumalayo kayo sa isa't isa. 'Yon bang, "Ah okay." na lang ang mga reply niyo.

Minsan pag-online ko at nakita kong online rin siya, napapa-stop and stare ako eh. Parang kanta lang 'di ba? Stop and stare. Nagdadalawang-isip ako kung kakausapin ko ba siya o hindi. Para kasing back to strangers na lang ulit. Parang nahihiya at naiilang ka. 'Yong ganon.

'Di niyo ma-feel 'yong mga pinagsasabi ko?

Imaginin niyo na ang BESPRENS na kinabibilangan nila JhingBautista, Alyloony, owwSic, at ng iba pa e biglang magkawatak-watak. Walang pansinan. 'Yon bang, no'ng isang araw gusto mong maging part ng Besprens tapos bigla na lang ganon? Bigla na lang nawala ang pagkakaibigan nila? Saklap 'di ba?

Gano'n kasaklap ang nararamdaman ko.

Gusto ko lang 'to isulat kasi... wala lang. Naglalabas lang ng tampo. Bye.

Sht (random)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon