Isang istoryang pinakainaabangan ko. Kahit matagal ang update, di ko binitawan. Palagi akong naghihintay dahil alam ko, na sa bawat chapter nito, wala akong maipipintas. Walang pagkukulang. Bawat salitang lumalabas sa bibig ng bawat karakter ay nagpapatigil ng paghinga ko. Bawat senaryo ay nagpapatigil ng tibok ng puso ko.
Tunay ngang napakagaling ng manunulat na gumawa nito. Akin siyang iniidolo dahil rito. Siguro kilala niyo naman siya. Walang iba kundi si Sheila May Familaran o mas kilala bilang sielalstreim sa Wattpad.
Grabe talaga, tumutulo yung luha ko nung binabasa ko ang last chapter at epilogue nito. Umiiyak ako nung una dahil sa excitement. Sunod ay dahil sa saya. Napalitan ng lungkot. Pero ang huling naramdaman ko? Secret. Ayokong sabihin. Basahin niyo na lang para masaya.
Whoo! Laki ng epekto sa 'kin nitong nobelang 'to. Haha. Mahal na mahal ko talaga si Ate Siel!
Title: Montello High: School of gangsters
Author: sielalstreim
Hanggang sa muli...
