"Pakialam ko naman sa author's note na 'yan!" -'Yan ang palaging sinasabi ng karamihang mambabasa. Ayos lang bang h'wag pansinin ang author's note o hindi?
Ang sagot: OO AT HINDI.
-Oo, dahil kadalasan walang kwenta ang mga pinagsasabi nila.
-Hindi, dahil minsan doon nila sinasabi ang mga importanteng detalyes. At ang mangyayari, tanong ng tanong ang mga readers kasi hindi nga nila binasa ang author's note.
Mas mabuti nang basahin niyo na lang. Mamaya sinabi na pala ng Author na 'yon na yung ending. May case na ganyan! Alam niyo na kung kanino. Kung hindi niyo alam, bahala kayo.