Utang na loob, gusto ko ring makapag-publish!

109 3 7
                                    

Noon, nagsusulat ako pero hindi ko kailanman inisip ang pag-papublish. Na para bang wala pa ito sa aking pag-iisip. Chos. Hindi ko alam, ang ignorante ko pa no'n. Hindi ko alam na pwedeng-pwede pala 'yon. Hindi ko alam dahil hindi naman ako mahilig noon sa mga published books. Wala akong ka-amor-amor sa mga gano'n pwera lang sa mga istorya sa Wattpad.

Pero nagsimula ang pagsikat ng She's Dating The Gangster na kauna-unahan kong nabiling libro mula sa Wattpad na talagang binalik-balikan ko sa National Bookstore kung meron na ba sila o wala kasi kalalabas lang ng market. 

Sumunod ay ang Diary ng Panget na naghatid sa akin sa Wattpad. 

No'ng mga panahong 'yon, wala pa rin akong ideya about sa publishing. I mean, alam ko naman kung ano 'yon pero parang hindi pumasok sa isip ko na gusto ko ring mag-publish.

Lumipas ang panahon at naging talamak ang bentahan ng droga--este ng mga libro galing sa Wattpad. Tila naging isang normal na bagay na lamang ang pag-papublish. Hindi na mahirap. Minsan nga'y naiisip ko na kahit ano na lang yata ang ma-publish, okay na e. No effense, nagsasabi lang ng totoo.

Kasi tignan niyo, ang daming, well, crappy na mga istorya sa bookstores. Kaya maraming nagsasabi na ang literatura ng Pilipinas ay hindi na maganda. 

Aminado akong hindi magaganda ang mga istorya ko at hinding-hindi ko iyon ipapublish hangga't hindi pa pulido. Hangga't hindi pa magandang basahin. Gagawin ko ang lahat para mapaganda pa 'yon lalo dahil inirerepresenta ko sa istorya ko ang sarili ko bilang manunulat. Gayon din ang Wattpad.

Hindi kasi porke't sikat na ang gawa mo, maganda na kaya hahayaan mo na lang na i-publish mo na lang ng ganoon. 

At hindi lahat ng mga kwentong sikat, ay dapat ipina-publish. 

Ang problema kasi sa mga publishing companies, kinukuha lang nila iyong mga sikat na alam nilang tatangkilikin ng marami. Pera. Kita. Iyon lang naman 'yon e. Dahil parte iyon ng business.

AAAAAATTTTTT, ang layo ko na sa topic kong echosera. 

Ayon nga, dahil maski ang mga kakilala't mga kaibigan ko ay nagpapublish na. Nakakatuwa dahil naabot na nila ang mga  pangarap nila. Nakaka-inspire sila na para bang gusto ko nang tapusin ang gawa ko ngayon na mismo. Pero nakakainggit dahil kahit anong gawin ko, nakakatamad mag-update at tapusin ang isang kwento.

#whothefockcares

Sht (random)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon