Reklamador level: Infinite

128 2 0
                                    

Inis na inis ako sa mga taong kung makapag-reklamo wagas. Yung tipong "ano ba 'yan!", "walang kwenta.", "palitan niyo na 'yan!", at kung anu-ano pang reklamong masasabing... kaechosan. Na kadalasan ay ipino-post, syempre saan pa ba? Edi sa Facebook.

Yung mga halatang 'di muna nag-isip bago mag-reklamo. Yung 'di muna inalam ang buong kwento. Yung hindi muna inintindi ang bawat detalye. Yung walang alam kundi pumutak lang ng pumutak. Maski pagkaka-prito ng itlog e inirereklamo pa.

Walang tigil. Parang puwet ng manok. Parang legs ng prosti, buka ng buka.

Hindi naman masama ang magreklamo. Basta nasa tamang paraan kung paano ka mag-reklamo. Basta may kabuluhan yung nirereklamo mo. At dapat, sana naman, walang mura (mabait ako kunwari). 

Think before you click ika nga. Isipin mo muna kung dapat mo bang i-reklamo yun. Minsan kasi, mapapahiya ka lang kapag ini-reklamo mo ang isang bagay nang hindi mo pa pala alam ang buong istorya na inirereklamo mo kasi maaaring mali ka. Maaring sarado pala ang utak ng nirereklamahuhan mo at baka mag-away pa kayo. 

Magtanong ka muna kung bakit ganyan? Anong nangyari?

Bago ka bumanat ng, "Kingina! Ano 'to? Lokohan? Bakit ganyan? Walang kwentang author! Nyemas mo! Quit na oy! Wala kang future dito!

O kaya naman, "Nka2inhixz uhn boyfiE quu! Dhie niA aquu ntawhug nuh behbeh qninA! nkkaazxar! bqit buh Aquu nAhgkaruun nq qn2ng bF eeei!!!!"

Pwede ring--THIS IS GETTING NONSENSE! STAPH NA! Baka madulas ako. Actually, itong topic na 'to ay reklamo ko about sa mga taong reklamador. Therefore, I considered myself as a reklamador too. Haha.

Last na.

Dapat kalmado ka. Wag gumawa ng desisyon kapag galit ika rin nila.

Ang random ko, shet. Whoo.

Payo lang,

SUNDIN MO YUNG MGA IKA NILA, WALA MANG CONNECT SA TOPIC NA 'TO, GAWIN MO KUNG AYAW MONG UMUWING IIKA-IKA.

Sht (random)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon