"Yes, Mom. Ok sige, see yahh." Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay binaba na ni Veronica ang cellphone na hawak, saka ibinalik sa handbag niya.
Hinawakan na niya ang handle ng trolley bag saka hinila iyon.
Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya sa airport. Ang tumawag rin sa kanya kanina ay ang ina-inahan niya na si Rosita.
Habang humahakbang si Veronica ay sumasabay ang indayog ng balakang niya. Kapansin-pansin rin ang mapuputi nitong mga binti na lantad dahil sa soot niyang red bodycon dress na hanggang kalahating hita lang ang haba. Hapit na hapit ang suot nito sa kanyang balingkitang katawan. Nasa kanya na rin ang attention ng lahat ng mga kalalakihan at kababaihan na nasa paligid at mga kasabay niyang pasahero.
Hindi maipagkakaila ang takaw attention na kagandahan ni Veronica. Hindi lang katawan nito ang maganda kun'di pati na rin ang mukha niya at bumagay ang mahaba at animo telephone wire na kulot na buhok nito.
Minsan pa siyang natawa ng may isang lalaking muntik ng masubsub sa sahig dahil sa kakatitig sa kanya at hindi nito namalayan ang nakaharang na maleta. Dahil ang pansin nito ay nakatutuk lang kay Veronica. That is how magnetic her beauty is. Kahit sino mapapalingon, kahit sino mahuhumaling. Especially her seducing smile that everybody will nail down.
After a several minutes ay nakarating na siya sa exit ng Airport. Malapad ang mga ngiti nito ng tanggalin ang itim na shades mula sa mata. Kumaway pa siya ng makita ang dalawang tao habang hawak hawak ang isang banner na may nakasulat na 'Welcome home Veronica '.
Malapad ang mga ngiti ng mga ito.
"Welcome home self," bulong niya sa sarili. Saka mas lalong binilisan ang paglalakad papunta sa gawi ng mga taong inaabangan ang pagdating niya.
"Anak," halos maiyak na salubong ni Rosita kay Veronica. They hugged each other.
Si Rosita ang kumupkop kay Veronica, limang taon na ang lumipas. Nakita niya si Veronica na hinang hina na habang nahiga sa tabi ng puntod ng namayapang ina. Halos panawan ng ulirat si Veronica ng mga sandaling iyon dahil maulan rin at ilang araw na si Veronica sa memorial na pinaglibingan ng ina. May lagnat rin ito. Kaya nang malaman ni Rosita na nag-iisa na lang sa buhay si Veronica at wala ng ganang mabuhay pa ay si Rosita ang nagbigay rito ng pag-asa. Apa't na po't anim na taon na si Rosita pero wala pa rin itong asawa at makakasama sa buhay kahit na multi-millionaire ito. Kaya naisipan nitong kupkupin na lamang si Veronica, na no'ng umpisa ay tinanggihan ng dalaga, ngunit kalauna'y pumayag rin.
And there she is, a sophisticated, seducing, pretty woman. An educated one.
Galing siya sa Canada at doon nag-aral ng Business course for 4 years. And now she is back bilang isang babaeng independent, matapang at matatag.Nakipapagbiso si Veronica sa dalawang taong naroon, her adopted mother and her long term suitor Gray.
"Hello, Ver, welcome back," anito matapos makipag beso.
"Thank you, Gray," she said with a smile.
Guwapo naman ito, mayaman at matalino na parang bobo, dahil kahit anong taboy ang gawin ni Veronica ay nagmistulang langaw si Gray, na bumabalik pa rin sa kanya. And she had nothing to do about it but to let him do whatever he wanted to do. To be honest, wala na siyang pakialam kahit magpakahirap at magpakamatay ito sa kakahabol sa kanya. Dahil simabihan na niya ito na wala itong pag-asa sa kanya dahil iba ang priorities niya.
"How was the trip, Veronica?" tanong ng mommy niya. Kaya bumaling siya rito.
"It was good, Mom," sagot nito.
BINABASA MO ANG
Deadly Sin Series: Veronica's love vengeance
RomansaDala ang poot at pagkamuhi, gagawin ni Veronica ang lahat makuha lang ang inaasam na hustisya para sa pagkamatay ng kanyang ina. Isang dignidad ang ipapain, isang reputasyon ang sisirain. Gamit ang angking ganda, mag-amang malapit sa isa't isa sisi...