Chapter 14

201 5 0
                                    

Chapter 14
 
NAGISING si Vince dahil sa sakit ng ulo na kaniyang naramdaman. Napahilot pa siya sa kaniyang sentido habang nakapikit ang mga mata. Babangon sana siya ng may maramdamang mabigat sa kaniyang kaliwang braso dahilan para mapamulat siya at nilingon ang katabi.
Bumundol ang matinding kaba sa kaniyang puso ng makilala ang babaeng mahimbing na natutulog sa braso niya habang nakayakap sa kaniya.
Pinagmamasdan niya ang mala anghel na mukha nito. Inabot niya ang buhok nito na kumuwala sa mukha nito saka inipit sa likurang bahagi ng tainga ng dalaga.
Napatigil siya ng maalala ang nangyari, mula sa parking lot hanggang sa bar. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi niya kuwarto iyon.
Muli niyang tiningnan ang mukha ng katabi at naalala ang mainit na yakap at halik nito kagabi.
Muli na naman niyang naramdaman ang kaba, lalo na ng tingnan niya ang katawan niya sa ilalim ng kumot. Walang ni isang saplot sa katawan si Veronica at sa kan’ya.
“Shit!” Mura niya.
Sa itsura nila ay sigurado siyang may nangyari sa kanila kagabi.
“Hmm,” umungol si Veronica at gumalaw dahilan upang uminit ang magkabilang pisngi ni Vince.
“Goodmorning,” nakangiting bati ni Veronica habang nakatingin ang half open eyes niya kay Vince.
Kinusot-kusot ni Veronica ang mata niya at muling tumitig kay Vince na may pagtataka. Habang si Vince naman ay nanatili lang nakatitig sa kaniya.
Nag-iwas ng tingin si Veronica kay Vince saka tiningnan ang ilalim ng kumot.
Napasinghap pa si Veronica nang makitang walang suot na saplot ang kaniyang katawan. Hinigpitan niya ang pagkakahawak ng kumot habang nakatitig sa kesame.
“V-Veronica,” nauutal na sambit ni Vince.
Pero imbis na sumagot si Veronica ay napabalikwas siya ng bangon saka mabilis na hinila ang kumot at umalis sa kama. Napaupo siya sa sahig at habol-habol ang hiningang tumingin sa natatarantang si Vince dahil lumantad ang kahubaran ng lalaki.
Kukunin na sana ni Vince ang kobre kama para sana gawing pantakip ng katawan nita ng makita ang pulang mansiya sa kobre kama na hinigaan ni Veronica.
Bumaling ang tingin ni Vince kay Veronica na nakayuko lang ang ulo. Maya-maya ay yumugyog ang balikat ng dalaga.
Mabilis namang kinuha ni Vince ang kaniyang pantalon na nasa sahig saka sinuot iyon. Pagkatapos ay lumapit kay Veronica.
“I-I'm sorry,” anang Vince.  Wala na kasi siyang alam na sasabihin, wala makuhang ibang salita.
Nagtaas ng mukha si Veronica, hilam ng luha ang mga mata nito.
“I lost it, Vince...” naiiyak na sabi ni Veronica.
Agad naman siyang niyakap ni Vince, lalo lang  napahikbi si Veronica.
“Shhh. Don't worry, pananagutan ko ang lahat,” anang Vince habang nanatili pa ring nakayakap sa dalaga.
Buo na ang pasya niyang si Veronica ang pakakasalan niya lalo na ngayong may nangyari sa kanila.
“Talaga?”
Kumalas si Vince sa pagkakayakap sa kaniya at hinaplos ang pisngi ni Veronica.
Ngumiti si Vince saka tumango.
“Yes.”
“How about,  Xandra? At saka ano ang isisipin ng iba? Baka sabihin nila na inagaw kita kay Xandra.”
“To be honest, I love you Veronica,” pag-amin nito. “At hindi mo ako inagaw sa kan'ya dahil mahal kita.”
“I love you too, Vince,” nakangiting sagot naman ni Veronica.
Ginawaran ni Vince ng halik sa labi si Veronica.
“Nakaka-adik ang labi mo,” nakangiting sabi ni Vince habang panay ang bigay nito ng smack kiss kay Veronica.
Napapangiti naman si Veronica sa ginawa ni Vince.
Maya-maya ay naramdaman  niya ang mahigpit na yakap nito. Isang matagumpay na ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Veronica.
 
NAPATAYO si Rafael ng iniluwa sa pinto ang mag-asawang Lee kasama nila si Xandra na animo binagsakan ng langit at lupa dahil sa expression ng mukha nito.
“Hello, Mr and Mrs Lee, what's bring you here?” Bungad na bati  ni Rafael, at lumakad ito para igiya sila sa sofa nito.
Mabigat na atmosphere ang dala ng pamilyang Lee, kaya hindi maiwasan ni Rafael na kabahan.
“Have a seat please,” aniya sa mga bisita nito.
Tumango lang ang mga ito saka umupo.
“Give me a second, magpapahatid ako ng tea dito…”
“Hindi na kailangan, Mr. Madrigal,” pigil naman ni Donya Leonila ang ina ni Xandra.
Napakunot noo naman si Rafael dahil sa sinabi nito. Lalo na ng wala man lang siyang makitang kahit tipid na ngiti sa mga labi ng kan’yang bisita. He know there’s something wrong, sa biglaang pagpunta nila sa ipisina nito.
Tumango siya at umupo sa harap ng mga ito.
“Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Rafael,” simula ni Don Santiago na ama ni Xandra. “Nandito kami para pormal na sabihin sa 'yo na hindi na matutuloy ang kasal.”
Gulat ang rumihestro sa mukha ni Rafael ng marinig iyon.
“What? Wait, hindi ba ako nagkamali ng dinig?”
“Hindi na matutuloy ang kasal Tito Rafael!” Matigas na sabi ni Xandra.
“Huh? Why? What are you talking about? The wedding is about…”
“Wala nang  kasalang mangyayari Tito.” Nagsimula nang manginig ang boses ni Xandra. "Vince, betrayed me. He is with another woman, he cheatedon me,” umiiyak na sabi ni Xandra.
Napapailing si Donya Leonila habang hinahagod ang likod ng nakakaawang anak.
Hindi naman makapagsalita si Rafael dahil sa gulat,  ang alam niya mahal ni Vince si Xandra. Paanong niluko ng anak niya ang fiancé niya. Ilang linggo na lang ikakasal na sila.
“Hayop iyang anak mo, Rafael!” Galit na sabi ni Santiago na hindi na mapigilan na mapatayo. “After all what Xandra have done to him, ito lang ang igagante niya? Ang saktan ang anak ko?” He gritted his teeth after saying those word.
“I-I don't understand. Xandra are you sure?” tanong nito sa umiiyak na dalaga.
“Tinatanong mo pa? Can't you see, how much in pain she is now?!” Galit na rin ang boses ng Mommy ni Xandra. Saka inalalayan na ang anak upang tumayo.
“Iyon lang naman ang gusto naming ipaalam sa 'yo, Rafael. At lahat ng napag-usapan natin ay hindi na matutuloy, lahat-lahat." Pinal na sabi ng ginang saka inalalayan na ang anak para lumabas na sa opisina ni Rafael.
Habang si Santiago naman ay nagpa-iwan.
“I will cut all our connections Rafael, and face all the consequences that Vince's cause,” anito saka pumihit na rin ng talikod.
Habang si Rafael ay hindi makaimik at hindi makagalaw dahil sa sinabi ng mga ito.
He can't believe Vince will, betrayed Xandra, and he can't believe na mawawala na ang inaasam-asam niyang nalalapit na tagumpay. Nanginginig ang mga kamao niyang mahigpit na nakakuyom.
Malaking opportunity ang nawala sa kan'ya dahil sa ginawa ni Vince. Kung magiging asawa kasi sana ni Vince si Xandra ay isa sana sa malaking company ang ibibigay ng mga Lee sa kanila. At marami siyang engagement na tinanggap ng mga Lee. Maimpluwensyang tao at ginagalang sa business industry ang mga Lee, kaya malaking bagay na maging kabilang sila sa pamilya nito.  Pero wala na ang lahat, nawala ang pangarap niya at ngayon kahihiyan ang naghihintay sa kan’ya.
Tumayo siya at mabilis na dinial ni Rafael ang numero ni Vince para tawagan ito. Pero naka ilang tawag na siya pero hindi pa rin sumasagot ang anak. Kaya sa inis ay naitapon nito ang kaniyang cellphone.
PAG-UWI ni Rafael sa mansyon ay suwerte namang naabutan niya si Vince doon. Sigurado siyang may sasabihin rin ito dahil hindi iyon uuwi sa mansion nila kung walang importanteng sadya.
Pero bago pa makapagsalita si Vince ay isang malakas na suntok ang ginawad ni Rafael kay Vince na kinasubsub ng binata.
“Papa…” sambit ni Vince habang nakahawak sa kan’yang panga na sinuntok ng ama at nanatili pa rin sa sahig.
“Hayop ka!” Hinawakan ni Rafael ang kuwelyo ng suot na polo ni Vince saka pinatayo.
“Alam mo ba anong ginawa mo?! Alam mo ba kung anong nawala sa atin, Vince!?" Galit na tanong nito kay Vince habang nanatili pa rin ang dalawang kamay nito sa kuwelyo nito.
“I'm sorry, Pa. But I no longer love Xandra,”
Isang suntok ulit ang ginawa ni Rafael dahilan upang pumutok ang labi ni Vince at dumugo iyon.
“Naglalaro ka ba Vince? Do you think this is all a game?”
“Pero Pa, hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko. Habang tumatagal lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko. I know this is unfair to Xandra, but it’s more unfair if I marry her of I love someone.” Pahayag ng binata.
“Who's that fucking bitch!”
“Don't call her bitch dahil hindi siya ganiyan, Papa!” Ganting sigaw ni Vince.
Nanlalaki ang mga mata  ni Rafael dshil sa pagsigaw na ginawa ni Vince. Ngayon lang siya pinagtaasan ng boses ni Vince.
“Anong tawag mo sa kaniya? Lumalapit siya sa 'yo kahit ikakasal ka na!”
“Ako ang lumapit sa kaniya Pa.”
Rafael gritted his teeth after hearing those words.
“Don't worry Pa, kung yaman at empluwensiya lang. Kaya rin niyang higitan ang mga Lee. Kapag nakilala mo na siya, sigurado akong magugustuhan mo siya, Pa. I assure you that…”
“How about our reputation, Vince. My reputation!”
“I don't know, ang alam ko lang siya ang pakakasalan ko.”
“Nahihibang ka na. Sino ang babaeng pinalit mo kay Xandra?!” 
“Kung kahibangan ang tawag sa pagmamahal ko sa kan’ya, siguro nga.”
“Vince…”
   Wala nang balak na sumagot pa si Vince. Saka na lang niya ulit kakausapin ang ama tungkol kay Veronica kapag humupa na ang galit nito.
Hahakbang na sana siya para lisanin ang mansion nang muking nagsalita ang ama.
“Sino ang babae mo Vince!?” Mariin at malamig na sabi ni Rafael.
Wala pa ring  balak na sumagot si Vince kaya tinuloy na niya ang paghakbang.
“Vince!” Dumagundong sa buong mansion ang sigaw ni Rafael.
Hindi naman mapigilan ni Vince na kabahan dahil sa pagtaas ng boses ng ama. Nagbabanta ang sigaw na iyon kaya tumigil siya.
“Kapag hindi mo sinabi sa akin ngayon, ipapahanap ko ang babaeng iyon at papatayin ko siya!”
Napalingon si Vince sa ama, hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang nakaraan ng kaniyang ama. Alam  iyang kaya nitong pumatay ng tao.
“No! You can't do that to Veronica, Papa!”
Mabilis na lumingon si Rafael sa gawi ni Vince ng marinig niya ang pangalang binanggit nito.
“Anong sabi mo?”
“Si Veronica ang mahal ko, Papa.”
Nanlaki ang mga mata ni Rafael dahil sa bumangong galit nang makumpirma ang narinig niya mula kay Vince.
Animo kidlat sa bilis na lumapit si Rafael kay Vince. Nanlilisik ang mga mata nito na kinatakot  ni Vince.
“Ulitin mo ang sinabi mo Vince,” mariing sabi nito
“Papa…”
Napunok si Vince sa kakaibang mga titig ng ama sa kan’ya.
Galit na galit ang mukha nito, tagos sa buto ang mga titig ni Rafael. Animo gustong-gusto niyang tirisin si Vince.
Bago pa man may gawin si Rafael ay mabilis na na tumalikod si Vince. Pero muli na naman siyang napatigil nang magsalita ito.
“Layuan mo si Veronica, Vince.” Pilit nagpakahinahon si Rafael nang sabihin iyon.
“Why would I?" Iritang sabi ni Vince. Nagtataka siya sa sinasabi ng ama, akala niya magugustuhan rin niya si Veronica dahil good catch ito sa kaniya. Pero bakit ganito ito umasta?
“Dahil…” nakipagtitigan si Rafael kay Vince. “Dahil ikakasal kami.”
Animo isang kulog ang dumaan sa pang-unawa ni Vince ng marinig ang sinabi ng ama.
“Ano?”
“Ikakasal kami Vince, si Veronica ay Fiancé ko!” Mariing sabi ni Rafael.
Nakangiti ng mapakla si Vince.
“Stop lying, I won't buy it.” Pagkasabing iyon ay tumalikod na si Vince at nag tuloy-tuloy ang lakad nito palabas. Hindi na niya pinansin pa ang pagtawag ni Rafael sa kaniya.
Mabigat ang loob niya dahil sa sinabi ng ama. Ayaw man niyang paniwalaan dahil baka nagsisinungaling ito ay hindi pa rin niya maiwasan na kabahan. Paano kung totoo talaga ang sinabi ng ama niya? Anong mangyayari sa kan’ya? He love Veronica so much that he can do everything just to own her.
 
SAMANTALA. Bumaba si Veronica sa kaniyang kotse nang huminto siya sa harap ng fruit stand. Plano niya kasing umuwi sa mansion ng ina-inahan, kaya naisipan  niyang dumaan sa nagbibinta ng mga prutas para ipasalubong sa Ina.
Kasalukuyan na siyang pumipili ng water melon. Kukunin na niya sana ang isang magandang bilog na water melon ng hawakan rin ito ng isang tao. Napataas siya ng tingin sa may-ari ng kamay.
It's Xandra, nakataas ang isang kilay nito habang nakatitig sa kaniya.
Hindi rin makatakas sa paningin ni Veronica ang namumugtong mata nito kahit na tinakpan ng makapal na concealer.
“Ako ang nauna, Xandra,” anang Veronica habang nakahawak pa rin sa water melon.
“No, ako ang nauna. Pati ba naman dito aagawan mo ako.”
Napataas ng isang kilay si Veronica saka binitawan ang watermelon.
“Okay fine it's yours, mukhang nanghihina ka na kasi at mukhang dehydrated ka rin. Stop crying too much for nothing, Xandra.”
Isang malakas at malutong na sampal ang ginawad ni Xandra kay Veronica.  Sa lakas niyon ay napabaling ang paningin ni Veronica sa gawi ng tindira na nanlalaki ang mga mata habang nakasaksi sa live show nila.
Napa-smirk naman si Veronica dahil sa ginawa ni Xandra.
“I'm glad we meet here.  Atleast I did do what I really wanted to do the first time we meet, Veronica.”
Veronica smile as she coldly stare Xandra. Humakbang siya ng bahagya palapit rito.
“One day, Xandra you will be thanking me.”
Napakunot noo si Xandra dahil sa sinabi ni Veronica. 
  “Why would I?” Mataray na sabi nito.
“For saving you from those criminals.”
  Mas lalo lang lumalim ang gitla sa noo ni Xandra.
“What do you mean?”
“You will know what I mean soon, so stay still,” aniya. Pagkasabing iyon ay tinalikuran na niya ito na nanatili pa ring natitigilan.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon