LANCY
"Oy Lancy, 'wag mo akong mabibiro diyan ah! Alam kong hindi mo ugali ang magsinungaling." Talagang hindi na siya naniwala sa akin kaya napailing-iling ako.
"Bakit naman ako magsisinungaling, ha? Meron nga kaming common friends. Hindi ba't nakwento ko sa 'yo na may kaibigan akong yayamanin?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya. Namamangha pa rin siyang tumango. Parang bata talaga 'to si Rianna.
"Gago seryoso nga?"
"Oo nga! Mapipingot na kita."
"Teka, wait! Sino? Ah! Natatandaan ko na! Diba nakatira rin sa Manila Heights 'yon?"
Tinanguan ko siya.
"Ayon! Natatandaan ko na! Si Kaiah Amara Verde ng Verde Corporation! Grabe ka sis ikaw na talaga ang pinagpala. Dapat may kaibigan ka ring tagapagmana na lalaki. 'Yong pwedeng asawahin! 'Yung magaling kumaldag."
"Hoy!" Panunuway ko sa kaniya tinakpan ko ang bibig niya dahil kung ano-ano ang lumalabas doon. "A-anong m-magaling kumaldag? Ang bastos mo na Rianna! Nagbago ka na talaga."
"Aysus. Dati pa 'ko ganito! Sa tagal nating magkasama imposibleng hindi ko na nabahiran ng kadumihan ang utak mo, 'no!"
Napaisip tuloy ako. Ano nga ba'ng natutunan ko dito kay Rianna? Wait!
Sinamaan ko ng tingin si Rianna.
"Oh, I got her thinking... " Nakangising sabi ni Rianna. Mahina ko siyang pinalo sa ulo kaya nagtawanan lang kaming dalawa. "Anong klaseng palo 'yon Lancy? Kambing ka ba?"
"So kung gano'n... si Kaiah, kaibigan niya si Raquel Miranda?" Tanong niya sa akin.
"Bestfriends sila. Actually parang katulad lang natin sila. Trio rin silang mag be-bestfriends!" Natutuwang kwento ko. "Naalala ko pa 'yung isa pang gwapo na bestfriend nila! Si Jigzy Reyes."
"Oh! Dapat jinowa mo na 'yon! Ang cool! Nag-aral pala sa Laurent University si Raquel! Ang swerte mo talaga hinayupak ka! Ibig-sabihin ba no'n nakita mo ng personalan?"
"Oo! Kasi nagkaro'n ng surprise party si Kaiah at ininvite ako ng boyfriend niya! 'Wag ka Rianna, yayamanin rin ang boyfriend no'n." Talagang nakikinig siya nang maiigi sa mga kwento ko. Naantig talaga siya sa mga ka-chismisan. Kailan ba ang hindi? "At 'yon! Kaya nakita ko ro'n ang mga friends niya. Nakita ko pa si Alexander Verde!"
"Gaga! Ikaw na talaga! Sobrang ganda ba ni Raquel?"
"Oo. Kahit hindi pa siya sikat na model no'n parang model na talaga ang datingan niya. Kaso nga lang, mukha siyang mataray."
"Alam mo na ba na may fraternal twin 'yon?"
"Meron? Hindi." Nagtatakang tanong ko. "Pero alam kong may kapatid siya." Naalala ko ang tagpo na 'yon, walong taon na ang nakararaan. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon kung saan nakatungtong ako sa Laurent at nakausap ko siya.
"Ano ba friend! Oo siya nga 'yon! Ibig-sabihin nakita mo rin ang kapatid niya? Private kasi ang life no'n! Shucks! Na-imagine ko na. Sobrang gwapo siguro no'n, Lancy! Dapat jinowa mo na."
"Bakit hindi ikaw?" Walang gana kong sagot.
"Hay, Lancy. Ano nga ba ang magagawa ko sa ugali mo na 'yan?" Nag cross arms siya.
Pagtiisan mo. Sasabihin ko sana 'yon ngunit naunahan na niya ako nang magsalita siya.
"Pogi ba? Well malamang syempre! Natatandaan mo ang pangalan? Ifo-follow ko na rin sa ig! At malay mo mapansin ako."
Ngumiwi ako. "Tumigil ka na diyan. Sabi nga nila, 'wag mo papangunahan ang mga bagay at baka hindi magkatotoo. Sige ka."
"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko! Pambihira ka naman." Kunwaring naasar siya sa akin. "Nakausap mo ba 'yon?" Tanong niya pa. Sa dami nang tinanong niya tungkol sa na lalaki na 'yon ay nakakalimutan ko nang sagutin. Wala naman akong balak sagutin ang lahat ng 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/313831226-288-k849781.jpg)
BINABASA MO ANG
Placid Sky (Laurentian Series #2)
RomanceDelancy Amanda Lopez has always been a good person. Lancy's a good daughter, a kind friend, and a responsible Nurse. Lancy has long been known for her kindness and the love she has for her family. Siya 'yung tipong maasahan mo sa lahat ng bagay. Alt...