Chapter 30

30 3 0
                                    

LANCY

Mabilisan kong ipinasok ang mga gamit ko sa loob ng bag ko at nagmamadaling hinablot 'yon hanggang sa paglabas ng area namin. Pinundot ko ang number sa elevator patungo sa lobby ng hospital at umalis na doon.

Ito na ang araw na puputulin ni Ron ang engagement niya.

Muli kong binasa ang text message ni Ron sa akin bago ako magmadaling umalis. Ang sabi niya kasi sa akin ay nauna na siya doon at iniintay niya na ako. Nagulat nga ako at hindi inaakalang nandoon rin si Raquel.

"Kuya, diyan na lang po sa tabi," utos ko sa kuya na nagmamaneho ng e-bike na sinakyan ko. Noong pababa na ako ay inabot ko na ang bayad sa kaniya. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa kabang nararamdaman. Dahil dito, sinundan ko pa ng tingin ang e-bike hanggang sa makaalis na ito.

Humarap ako sa bahay na may tatlong palapag. Tinignan ko ang mga ulap na umaalis sa pwesto.

Hindi ko inakala na mapapalakad ako paatras. Parang ayoko na bigla...

Pero si Ron? Paano naman siya kung bigla akong aalis?

Ang sabi niya sa akin kanina ay buksan ko na lang daw ang gate nila dahil hindi na raw ito iniwan na naka-lock para makapasok ako. Tinignan ko muna kung meron ba'ng lock ang gate. Nang makitang wala naman, nagmamadali ko itong binuksan.

Nag dire-diretso ako hanggang sa pintuan.

"Saan sila?" Tanong ko, walang nakikitang tao.

Ngunit may nadinig akong mga nagsasalita na nagmumula sa gilid. Lumingon ako roon at nakita ang nakaawang na pintuan, bukas ang yellow tinted wall lights sa loob. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa loob ng kwarto, habang palapit ako nang palapit ay nabobosesan ko na kung sino ang nagsasalita.

Si Raquel.

Napahawak ako sa puso ko, sumilip ako nang kaunti sa kanila. Nandoon na ang dad at mom niya na nakaupo sa table.

Nagtagal ang paningin ko kay Ron na nakatayo, malayo ng kaunti sa kanila.

"Why?!"

"Raquel, sige na, hayaan mo na sila ang mag-usap dito." Aniya ng mommy nito.

"Edi bakit pa ako nandito kung hindi niyo naman pala siya pagsasalitain?!" Nagbaling siya ng tingin sa daddy niya. "You always have the last word, dad! Hindi ka patas!"

"Raquel, ano ba!" Sigaw na ng mommy niya.

"Hindi papakasalan ng kuya mo ang babae na 'yon!" Sigaw ng daddy nila. "Tangina ilang beses ba natin 'to pagtatalunan?!" Hinampas nito ang kamay sa lamesa. Malakas na tunog ang ginawa nito.

Mas lalong nanlamig ang kamay ko.

"Tangina naman, dad!"

Natigilan ako nang sumigaw na si Ron.

"Bakit mo ba pinakikialaman ang buhay ko?! Hindi ko gusto 'yang fiancé na pinagpipilitan niyo sa akin! Ano ba ang malay ko sa babaeng 'yon?! I don't no a fucking bit about that woman!"

"Edi ano?! Magpapakasanto ka sa nurse na 'yon?! Wala akong pakialam kung marangal ang trabaho niya! Kung wala naman siyang kumpanya na mag i-invest e tangina buburahin at buburahin ko 'yang babae na 'yan sa buhay mo!"

"Reid! Stop saying that! What's so wrong about him falling in love! He's an adult now!"

Hindi makapaniwalang suminghal si Ron. "You see? Even your wife is saying that. Kaya ka nga nangabit dahil sa pag-ibig 'di ba?"

"You son of a bitch!" Tumayo si Reid at sasapakin na sana ang anak ngunit humarang si tita. Napapikit ako dahilan para mas umagos ang luha ko pababa ng pisngi ko. "You ungrateful son of a bitch!"

Placid Sky (Laurentian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon