Chapter 28

29 3 0
                                    

LANCY

Natagalan naman ako sa pagbalik ni Ron kaya hinanap ko siya sa loob. Madali ko lang siya nakita dahil sa katakangkaran niya. Iyong mga babae pang napapatitingin t'wing dadaan siya ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Pasensyahan na lang dahil pag-aari ko siya.

"Baby, ang tagal ah," Usal ko na bahagyang sinilip ang ginagawa niya. Liningon niya ako kaya nawala ang kaninang seryosong mukha niya.

"I can't choose between this. Black or white?" Kinuha niya sa shelf ang box na may laman na itim na kotse. Kasing laki 'yon ng palad ko. Baka mas maliit pa iyon.

"Kahit ano na lang."

"Doesn't he have a favorite color?"

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko masyado kilala ang bata na 'yon pero nakikita ko siya sa mga gatherings, nasabi rin sa akin ni ate na pupunta ang batang 'yon. "Hindi ko rin alam."

"This is too cheap rin. I'll give him a book na rin. Ay! Bakit hindi na lang kaya school supplies?"

"Ewan ko sa 'yo, Ron. Kahit ano naman pwedeng ibigay, e."

"Dapat good impression, ako 'no! Kasi kapag inabot ang regalo sa bata, syempre ganito ang sasabihin. Uy, bigay ng boyfriend ni Lancy 'to."

Kumunot ang noo ko. "Hm! Hindi naman ganu'n 'yon! Daming naiisip. Pumili ka na diyan. Mas matagal ka pa sa akin."

"Naiinip na ba ang baby ko?" Tila nang-aasar siya.

"Alam mo ba na mas matanda pa ako sa 'yo tapos puro ka 'baby' diyan?"

Tinawanan niya ako.

"Alangan na tawagin kitang ate." Inirapan niya ako. "Let's pay for this na. Any book will do." Kumuha siya ng malaking pop-up book, iyong makapal at binigay sa akin. Collection 'yon ng maraming bed time stories.

Inabot niya 'yon sa akin. Binaliktad ko ito nang mabigay niya para tignan ang presyo. "Huy, Ron! Masyado naman ata mahal 'to?! Hindi ka naman niya matatandaan!"

Ako kaya ang kamag-anak at hindi naman siya.

"Any book will do nga. Why? Do you want to pay for it instead?"

Umiling ako at hinarang ang mga kamay ko, natawa siya dahil doon. "Edi tara na at bayaran na 'to. Para makapag-date na,"

"Ate pabalot ho," banggit ko sa lady doon sa counter.

Nang palabas na kami ng book store ay umakbay muli siya sa akin. Sa isang cafe kami kumain sandali at pagkatapos ay umuwi rin kami sa bahay.

"Baby, we will stay in Baguio for a week. How's that?" Tanong niya sa akin, tinabihan niya ako.

"Mm, ganoon ba katagal 'yung Business trip mo?" Kyuryoso na tanong ko naman. Nagkatinginan kami sa mata ng isa't-isa. May kung anong kilig na bumalot sa puso ko. Hindi ko alam kung anong dahilan nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Three days. And the rest would be for us. Saktong-sakto 'no?"

"True." Pag-sang ayon ko. "Excited na ako, hehe. Galingan mo nga pala."

Placid Sky (Laurentian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon