Chapter 34

22 3 0
                                    

LANCY

"Kinakabahan talaga ako,"

Tinignan ko nang nakakaloko si Jason. "Bakit ka naman kakabahan? Ang tagal-tagal niyo na magkakilala ni Rianna. Mukha ba'ng tatanggihan ka pa no'n?"

Kunwari lang ako dito na hindi kinakabahan sa mangyayari this week! Nagtataasan ang balahibo ko at umaatras ang kalamnan ko kapag palapit na nang palapit ang araw na makikita ko ulit si Ron. Kahit hindi ko alam kung kailan... ramdam ko na uunti-untihin ako nang tadhana hanggang sa magkita na kami ulit.

"Eh," napakamot si sa sintido niya. "Alam mo na, baka magtaka 'yung magulang ko ano! Baka sabihin pa palipat-lipat lang ako ng babae."

"Totoo?"

"Oo! Kaya nga naiinis ako! Feeling ko binibiro lang nila ako pero wow, the joke is not funny na ha."

"Basta ganito na lang ang gawin mo, ipakilala mo na lang siya nang maayos. Gustong-gusto kaya siya nina tito at tita para sa 'yo! Ikaw lang kasi ang hindi nakakakita no'n. Tanga-tanga kasi. Alam mo nang ayaw kita pero pinipilit mo pa," sarkastikong biro ko.

"Ay ganiyan pala ah?! Eh ikaw? Tumakbo-takbo ka kasi palayo sa ex mo, pinalitan ka tuloy ng bago!"

Nanlilisik ang mga mata ko habang tinitignan siya. "Akala mo nakakatuwa ka?"

"Hala... joke lang girl, peace tayo diyan..."

"Peace mo 'yung mukha mo'ng pangit! Makaalis na nga! Nakakasira ka ng mood. Putik ka."

Parati ko na lang ba maalala 'yon?

Hindi ko alam kung kaya ko ba'ng umakto na parang wala lang namagitan sa amin ni Ron kapag magkikita kami. Sa kaniya siguro ay wala lang 'yon dahil galit siya sa akin.

Pero paano naman ako'ng may gusto sa kaniya?!

Malalim akong bumuntong-hininga. Ang hirap-hirap!

Hindi ko masabi sa mga kaibigan ko na mag dra-driving lessons na ako kasama si Ron. Dahil alam ko na kaagad ang magiging reaksyon nila at ang mga sasabihin nila. Alam nila kung saan ako nagpupunta, minsan sa isang araw ay alam nila talaga ang buong plano ko for a day dahil ganoon rin naman ako sa kanilang dalawa, e. Pati oras ng date nila, putik! Sinasama pa nila sa gc! Kailangan ko pa ba'ng malaman 'yon?!

Kaya kapag nalaman nila na ang magtuturo sa akin mag drive ay walang-iba kung hindi ang ex ko, mas gagawin pa nila lalong awkward para sa akin! Tutuksuhin nila ako nang tutuksuhin hanggang sa hindi ko na maiharap ang buong mukha ko kay Ron. Baka hindi ko pa maibuka ang bibig ko.

Kapag may kwentuhan kami sa cafeteria o kaya kung lalabas naman para gumala, kadalasan ay tahimik lang ako dahil iniisip ko pa rin ang mangyayari sa driving lessons. Paano na kaya 'yun? May gusto pa ako doon sa tao tapos makakatabi ko siya parati? Shucks.

Kahit gusto kong mainis sa sarili ko dahil may gusto pa ako sa kaniya, wala na akong magagawa dahil nandito na 'to. Hindi man siya kasing lalim nang sa dati, it's still here.

Buong magdamag na lang akong nag-iisip. Kapag maliligo, maglilinis, bigla ko na lang siya naiisip kaya minsan ay ayoko nang ituloy ang gagawin ko!

"Ano'ng linuluto mo Lancy, apo?" Tanong ni lola sa akin. Sinandal ko ang phone ko sa dingding na mayroong marble upang makita niya ako habang nagluluto.

"Wala, tinapa lang 'to!" Humalakhak ako. "Nothing so special,"

"Ah!" Napasigaw ako sa inis. Bigla ko na lang ulit naalala na may driving lessons ako kasama si Ron! Bakit ngayon ko pa 'yon naalala.

"Oy! Napaso ka ba?! Nako ito na nga ba ang sinasabi ko! Hindi nag-iingat!"

"Hindi po... nag-ano lang... may naalala lang na masama." Inis ko na kwento.

Placid Sky (Laurentian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon