LANCY
Napatalikod kaagad ako nang makita ko siya na nakikipaghalikan sa isang babae. Sobrang... awkward! Inaamin ko naman na may onting crush ako sa kaniya noon pero somehow, medyo nasaktan pa rin ako. Pero mas lamang na ang awkward.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Rianna na baba ako. Kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko si Ron nang harap-harapan. Baka tanungin niya pa ako kung magaling ba siya! Naku. No thank you! Ewan ko na kung nasaan si Rianna kaya tinawagan ko na si Jason.
"Paki sundo si Rianna. Uuwi na ako. Okay lang pala kung hindi ka available. Kaya ko naman siya buhatin sa likod ko." Sabi ko sa kabilang linya. Luminga pa ako sa paligid para makita kung may nagmamasid ba sa 'kin. "Nakapagpahinga ka ba?"
[Sweet mo naman, master. OTW na.]
"Agad-agad?! Bilis, ah! Ingat ka." At sinabi ko na ang adress sa kaniya.
Sinundo niya na si Rianna habang nag-iintay ako sa labas ng building. Nakita ko na sila doon, nakaakbay si Rianna sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang mapansin na tulog na si Rianna. Pero bakit nakakapaglakad pa?
"Sira-ulo rin talaga 'to. May pamilya pa namang inuuwian." Suminghal ako.
"Pucha, Lancy. Para naman siyang nanay sa sinabi mo."
Pinanood ko siyang ipasok sa likuran ng kotse. Dapat dito pinapasok sa trunk para matuto! Nag offer pa akong tumulong pero sabi ni Jason ay siya na lang daw.
"Salamat talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka." Ngumiti ako kay Jason.
"'Yan naman palagi sinasabi mo pero hindi mo ako sinasagot." Ngumuso siya. Oo nga pala! Liniligawan niya ako.
"Hindi ko naman palagi sinasabi,"
"Pero sinasabi mo pa rin."
Umirap lang ako at sumakay na sa shotgun seat. Naamoy ko kaagad ang amoy ng kotse niya. Amoy bago pa. Naisip ko na itanong sa kaniya kung kailan niya binili 'to. Nang pumasok na siya, liningon niya si Rianna na logtu na.
"Logtu na si Ria. Hay, sabi nang 'wag magpapalasing. May duty ba kayo bukas?"
"Wala. Nga pala, bago kotse mo 'no? Sana all may kotse." Biro ko sa kaniya habang nag dra-drive siya. Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Kakakuha ko lang kaya nito kahapon! Tapos kayong dalawa pa ang una kong sinakay!" Para siyang nasasaktan na ewan.
"Weh, 'di nga?" Tumaas ang kilay ko.
"Oo nga!"
"Kunwari ka pa. Alam ko namang masaya ka." Pagbibiro ko. Magsasalita sana siya nang putulin ko ang sasabihin niya. "Alam mo? 'Wag na. Babanat ka naman."
"Hindi naman–Oh sige! Gan'yan ka naman Lancy. Nagbago ka na,"
"Hmph," humarap na ako sa daanan. Tahimik na kaming lahat dahil tulog na si Rianna, ang pinaka maingay sa grupo namin. Si Jase naman ay nag dra-drive. At pagod.
"Na gising ba kita, Jase?" Nag-aalang tanong ko. Kanina ko pa nahahalta ang mga mata niya. Natigilan siya sandali bago magsalita.
"Hindi 'no. Kinagat kasi ako ng lamok! Gagu'ng lamok 'yon."
"Jase? Puro ka joke. Kaya walang sumeseryoso sa 'yo, e." Nainis na ako.
"Aray naman!" Sabi niya ngunit nakatingin sa daanan. Gan'yan siya parati. Biro nang biro! Kahit wala namang nakakatawa. Siya lang naman ang nakakatawa hindi ang mga joke niya.
"Dapat sa 'yo linalagay sa circus."
"Ano?! Grabe! Wow! Siya na po ang hinatid ko! Opo, hinatid lang naman kita." Sarkastikong sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/313831226-288-k849781.jpg)
BINABASA MO ANG
Placid Sky (Laurentian Series #2)
RomanceDelancy Amanda Lopez has always been a good person. Lancy's a good daughter, a kind friend, and a responsible Nurse. Lancy has long been known for her kindness and the love she has for her family. Siya 'yung tipong maasahan mo sa lahat ng bagay. Alt...