RON
"Sobrang lungkot ba?" Tanong ko. I was stopping myself from smiling from ear to ear. Or else... I would be in trouble. I continued staring at her face. My heart was thumping while staring at her eyes deeply. Siguro ay papatayin niya ako pag nalaman niyang natutuwa na naman ako sa kaniya.
"Mm," tumango siya at pinunasan ang luha niya. "Sana nagkatuluyan na lang sila. Sana hindi niya iniwan. Ang bobo, e."
Nagulat ako nang magmura siya. She's really funny pero I have to keep it all in. "Right."
"'Di ba? Ang unecessary. Dapat may dahilan man lang siya," she siniffed a bit. "Sorry,"
"Stop saying sorry. You don't need too," I smiled. I reached out for something on the table. "Tissue?"
"Hindi na, ano ba," mahina na sabi niya.
Holy shit. I'm still reminded of that scenario on my head. Remind me again, ano nga ba ang pumasok sa isipan ko at nasabi kong 'cute' siya sa mismong mukha niya. It's a relief she thought she misheard me. Or did she?
"Naiiyak ka pa rin," tinuro ko ang mukha niya at napangiti.
"Huh? Hindi na kaya," mahina na sabi niya na parang nahihiya. "Ano lang 'yan, malamig kasi." Tumawa siya.
I found it so cute she's aware she's emotional. "Oh, really?"
"Really nga."
"Let's watch something like that again."
"Again?! Ayoko na!"
"No, I mean a movie. A happy one this time," kasi kung paulit-ulit na ganito na lang. Baka parati ka na lang umiyak sa harapan ko. I wanted to say that to her.
"Ah... happy ending? Sige, kung gusto ko–I mean! Kung gusto mo ang ibig-sabihin ko!"
"Ah, so ayaw mo? Okay lang talaga! Oo, hindi naman masakit!" Pang-aalaska ko. Ayaw niya ata na palagi siyang na mi-misinterpret. Or she just gets annoyed. Hahaha! "Hindi na 'to mauulit!"
"Tsk," sabi na lang niya. Her cheeks and nose are a bit red because of crying. Mamasa-masa pa nga ang mata niya. "Pinapaiyak mo naman ako,"
Oh so I'm making her cry. I just shrugged it off with a smile. "Then I'll make you smile the next time,"
LANCY
Bumilis ang tibok ng puso ko. Then I'll make you smile the next time?! Para ka namang tanga Lancy, walang ngitngiti! Kahit gwapo 'yan walang ngi-ngiti! "Okay," 'yon na lang ang nasabi ko.
"It's past twelve already. You should go to sleep."
Ano siya pala-utos? "Ikaw rin," pagkasabi ko no'n ay narinig ko siyang tumawa. Tumayo na ako nang maisip ko na tama siya. "Aalis na ako, salamat ha,"
"Wait you're leaving already?"
Kumunot ang noo ko. "Past twelve na 'di ba? Baka iniintay na rin ako,"
"Who's waiting?"
Nagdadalawang-isip ako kung dapat ko pa ba sabihin iyon sa kaniya. Pero sa totoo lang ay ayoko. Baka kapag nalaman niyang nando'n lang ang lola ko sa harapan ng bahay niya, palagi niya nang guluhin. "Ah wala naman, baka kako iniintay na ako ng bahay ko," ngumiti ako ng peke.
"Oh," he nodded, a bit confused. Edi maguluhan siya, bahala siya.
"Kaiah," tawag ko. "Una na ako,"
"Aalis ka na ate? 'Wag ka muna umalis!" Pagpigil niya sa akin na agad pang lumapit.
![](https://img.wattpad.com/cover/313831226-288-k849781.jpg)
BINABASA MO ANG
Placid Sky (Laurentian Series #2)
RomanceDelancy Amanda Lopez has always been a good person. Lancy's a good daughter, a kind friend, and a responsible Nurse. Lancy has long been known for her kindness and the love she has for her family. Siya 'yung tipong maasahan mo sa lahat ng bagay. Alt...