13 | Free

2 1 0
                                    

8 : 00 AM

*SILVESTRI's MANSION*

JAYDEN's POV

6 : 00 am palang gumising nako, ang balak ko sana gumising pa ng mas maaga para ako na ang mag luto ng breakfast

Tuwing weekdays kase si Ms.Kang ang nag luluto ng breakfast at ako naman sa weekends, breakfast, lunch at dinner

E nagkataon namang sumama ang pakiramdam ni Ms.Kang, di nya man sabihin kita ko namang masama ang pakiramdam nya kaya nag prisinta na kong magluto kaso nalintikan na at late nako nagising wala na si yriell at nag luto parin ako kahit na ganun, para naman sa mga staffs dito sa bahay at para kay Ms.Kang itong niluluto ko

Nakakain na kaya yung si yriell? Sana di mabago ng kinain nya ang mood swing nya, Cold to Masiyahin real quick ang naging pag babago sa kanya, Pak! Galing ko mag alaga!

Ilang sandali pa pumasok si manong guard, Erick yata pangalan nya, sya kase lagi taga abot ng kung anong galing sa labas dito samin kaya medyo pamilyar na sakin tapos ung isa namang sekyu ay si Adrian nasa 25 na siguro age nya, mas mukhang mabait kaysa kay kuya Erick kase laging naka serious face nasa late 40's na siguro 'tong si kuya Erick

May inabot sya saking isang bag, nag pasalamat naman ako at inabutan sya ng mga niluto ko pero tumanggi lang sya

"GRABE!! ANONG 10:30?!"

"8:20 palang ah"
"Quarter to 9 palang"
"Masyado kang advance bata"
"Ayaw nyo ba? Ubusin ko na"
"Syempre ayaw na, nasa bibig mo na e"
"Neneng, kain na"
"Totoy ate fe, lalaki yan"
"Ka gwapong kaganda kase,mukhang babae e"
"Ayy kung babae yan baka nabingwit na yan ni Adrian"

Rinig ko ang mga comment nila sa pag sigaw ko kanina,pero ung huling komento ang narinig ko ng malinaw, hinarap ko sila

"Wala naman po sigurong masama kung kapareho mo ng kasarian ang taong iyong minamahal, kung sa love age doesn't matter, then why the gender matter?at saka po totoy po ate fe,salamat din sa papuri" ani ko habang nag lalakad pa punta sa kusina " Macho,matikas,matapang at gwapo si Adrian pero hindi po sya ang type ko gusto ko ung seryoso pero pabago bago ang mood swing"

"Ayy si Erick pala ang mga tipo hahahaha"
"Totoy dadaan ka muna kay te feliza hahaha"
"Ferick!Ferick!Ferick"

Hinayaan ko nalang silang mag asaran at mag kulitan nag luto nako ng sandamakmak na putahe para sa request ni yriell

Mabilis ang ginawa kong kilos para lang matapos on time,tagaktak ang pawis ko dala ng pressure at ng pagod sa pag luluto wala ni isang tumutuling sakin sa pag luluto alam kase ng lahat dito na kami lang ni Ms.Kang ang pwedeng mag luto,tumulong nalang sila sa pag babalot at pag lalagay ng mga 'to sa mga pwedeng lagyan

10:00 na ko natapos, pinahinga ko muna ang sarili ko bago maligo para daw kase di ako ma pasma sabi ni ate fe, nag labis narin ako ng niluto para sa mga tao sa bahay, pinag handa ko ng sabaw si Ms.Kang at sabay na nag pa alam, pumayag naman sya dahil sinabi ko ang dahilan

Nasa gate ako ng makasalubong ko si Adrian, nakita nya sigurong hirap na hirap nako sa pag bitbit ng mga pagkain nato,tinulungan nya ko at inayang akong mag pa hatid sa kanya

"Ah hindi na ayos lang, mag hihintay nalang ako ng dadaang taxi"

"Pfttt hahahaha walang nadaang taxi dito ano ka ba?! Hacienda de royale kaya 'to,kaya sakay na"patawa nyang sagot sa sinabi ko

"Pero pano yan may shift ka ngayon?"

"Mamaya pa yun mga 11:30, bilisan nalang natin pumunta sa pupuntahan mo"he said and start the engine

While on the road hindi ko maiwasang tingnan ang dinadaanan namin, halos wala man lang kapit bahay, mga puno lang ang nakikita ko sa paligid namin,kanina may parang talon at dagat pero agad din naman ung natakpan ng mga nag lalakihang pine trees

Sakay kami sa isang jeep wrangler kaya madali lang makita ang nasa labas pakiramdam ko nga isang galaw ko lang itutulak ako ni adrian palabas nakakatakot pa mandin ang daan

Patirik ng Patrik ang daan minsan naman ay pa luslos ng pa luslos dun ko lang napag tagpo na nasa kabundukan pa ung sinadabi ni Adrian na Hacienda De Royale

Habang nasa labas pa ay sinusulit ko ng tandaan ang pasikot sikot o ang mga daan at nilalanghap ang sariwang sariwang hangin ng paligid

Ang pakiramdam bay para kang ibong naka wala sa hawla,nakikita ko na anag mga building ibig sabhin malapit na kame sa city

Bahagyang tumigil si Adrian at dun ko sinamantala ang panahon

Bumaba ako sa jeep wrangler at nagsimulang mag tatalon at mag iikot,

"Hoy!Tara na" tinawag nako ni Adrian pero bago bumalik sumigaw muna ako

"NOW I'M FREEEEEE!!WOOOOHOOO!!"

In Another Life Where stories live. Discover now