44 | Second Chance

0 0 0
                                    

JAYDEN's POV

"Excuse me, healer ka ba, o manghuhula?"

Paanong nalaman nya na si Gu Reum ang nasa likod nya

"Pano mo ko nakilala?"

"Jayden Gueverra" ani nya at saka humarap

Halos lumuwa na ang mata ko at marundi ang tainga ko, kilala nya ko? Pero pano?

Nang humarap sya saka ko sya nakilala, yung nag serve samin ng fortune cookie sa café sa New York

"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito? I mean bakit tayo nandito, baka alam mo?"

"Maupo ka muna and I'll tell you what happened" she said

Naupo ako sa tabi nya at saka sya nag simulang mag kwento

"Jayden patay kana" she said

"Hoy, grabe ka naman, eto oh hawakan moko buhay na buhay pato, maputla lang ako pero hindi ako patay"

"Patapusin mo muna ako hindi pa kase tapos ingay ingay mo, maniwala ka patay ka na sa pangkasalukuyan ngunit buhay ka naman sa nakaraan, naaalala mo pa ba yung last fortune cookie na binuksan mo?"

"Oo, pero french kasi ung nakasulat"

"Beaucoup de chances vous seront données jusqu'à ce que vous preniez le bon chemin pour vous ito meaning non

Maraming pagkakataon ay ibibigay sa iyo hanggang matahak mo ang tamang daan para sayo" she said

"Anong connect naman ng fortune cookieng yun? Maraming pagkakataon ang ibibigay sakin? Ano 'to second chance?"

"Nadali mo, tama second chance o second life mo nato, isa ka lang sa masweswerteng tao na nag karoon ng second chance, kaya ka nandito para itama ang pag kakamali mo sa naunang buhay mo, which is yung jayden na nasa present time" she said

Kahit naguguluhan ako hinayaan ko nalang syang mag kwento baka ganto talaga 'to bago mang gamot

"Nareincarnate ka sa panahong ito, ang Jeoson Dynasty o past time, nasa 13th o 14th century tayo"she said

"So hindi nga tayo nag shoshooting?"

"Oo, kung nag shoshoot lang tayo ng isang pilikula makukuha ba nilang cast ang mga taong nawala na, tulad nina King Seongjong" she said

"Oo nga naman, tama ka, pero sabi mo na reincarnate ako pero diba dapat nasa ibang katawan nako ngayon kung totoo man yang sinasabi mo?"

"Reincarnation ang nangyari sayo, ngunit tanging panahon at katauhan lang ang nabago pero ang katawan mo nananatili paring nasasayo" she said that make everything clear

"Sige maniniwala nako sayo, pero pano nawala yung trauma at yung RHD ko?"

"Yang trauma mo ang naging sanhi kaya ka namatay sa kasalukuyan habang ang RHD mo naman ang nag papahirap sayo nung nasa present time ka pa, kaya ka nga nandito ka para itama ang mga mali mo at saka iba na ang pagkatao mo ngayon, hindi purkit katawan mo yan pati sakit mo nananatiling nandyan, pero kung gusto mo namang ibalik ko yung dalwang yun sayo, pwede naman" she said

"Hoy wag, nag tatanong lang e, pero kaya mo talagang tumaparin yung gusto ko I mean wish ko"

"Wala akong sinasabing ganyan, tumigil ka" she said

"Yung sakit ko nga kaya mong ibalik edi kaya mo ring tumupad ng mga kahilingan, may magic ka"

"Ano ka ba wala akong magic,pero sige na isang hiling lang yung matino" she said

"Maniniwala nakong si Kang Gu Reum nako kung mapag tatayo mo ko ng traditional house sa may talon kung san ako unang napunta o nagising, syempre yung maganda naman"

Nag isip isip muna sya saka pumitik

"Meron na dun, check mo nalang pero teka lang gagawa lang ako ng gamot para sa sakit ng ulo mo"

Habang gumagawa sya ng gamit nag libot libot muna ako

May mga halamng gamot at gamit na katulad din ng ginagamit ng mga tao

"Kung ako na reincarnate, si Yriell din ba na reincarnate bilang si King Seongjong,may pag kakahawig kasi sila e?"

"Ano bang sinasabi mo dyan, ikaw lang ang na reincarnate,kung may pag kakahawig man sila labas na tayo dun malay ba natin malayong mag ka mag anak pala sina Yriell at haring Myeongjong" she said

"E ikaw? Na reincarnate ka din ba? At saka guardian angel ba kita? Guide? "

"Guide moko at hindi ako na rereincarnate sadyang napupunta nalang din ako kung saan saan kasama ng kaylangan kong i guide pero namumuhay rin akong normal na tayo kung saan man ako dalhin ng tadhana"  she said at saka inabot sakin ang boteng may laman daw na gamot

Tinahak ko na ang daan patungo sa talon kung saan ako nagising

Medyo nawindang ang isip ko sa mga sinabi ng healer pero wala namang mawawala kung maniniwala ako

70, 30 tayo 70% na naniniwala 30% na hindi

"Wow"

May isang traditional house na nga sa may talon, maganda ang yare at tamang tama ang pag kaka pwesto

"Tao po? Akin na ba talaga 'to?"

Kumpleto sa gamit mula sa higaan, mga aparador, mga gamit pang luto, pag kain, mga libro at maging pera ay mayroon

Gusto ko pa sanang mag celebrate pero mukhang kaylangan ko munang ipa hinga ang ulo ko sa sobrang bigat

Uminom muna ako ng gamot na binigay nung healer at saka nahiga

HOURS LATER.....

Madilim na ngunit kilala ko parin kung sino 'tong nasa harapan ko

Nakaunan sa kanyang mga hita ang aking ulo habang sya naman ay nakayuko kaya kitang kita ko ang mukha nya

"Yriell"

Bahagya kong tinaas ang ulo ko mula sa pag kakahiga at hinalikan sya

Ramdam kong lumuha ang kanang mata ko

Siguro nga kaylangan ko ng second chance para itama lahat

Itama ang naging pag kakamali ko na layuan ka at iwasan

Na mag sinungaling sa tunay kong nararamdaman

In Another Life Where stories live. Discover now